66

5.3K 219 37
                                    

J

"Mafe, let's go.. Salubungin na natin sila.."

"Excited, ate?" hay naku kahit kailan to si Mafe kontrabida..

"Oo, bakit baaaaa..."

"Mag ayos ka muna.. Di mo pa natatanggal yang apron mo no.. Magsuklay ka kaya muna no? Ang gulo ng buhok mo. Tas maghugas ka na din ng kamay kung pwede.."

Grrrrr.... Mafe!

Napasimangot tuloy ako. Tas tong kapatid ko tatawa tawa lang sakin..

"Ay, galit pa, ate? Galit? Gusto mong humarap na ganyan itsura mo?"

Well, may point nga naman si Mafe.. Excited kasi ako masyado..

"Oo na.. Naku.."

"Dali na, bilisan mo na lang.. Di ko pa naman sila naririnig.."

Binilisan ko na lang mag ayos.. Miss na miss ko na sila ehh...

Nagpupunas pa ko ng kamay ng may marinig na kong ingay..









































































































"Ya Jei jei!" ohhh myyyyy! Namiss ko tong boses na to sa umaga, naku!

Dali dali akong lumabas ng kusina at patakbong pumunta sa living room..

"Mommmmyyyyy!" and there I saw my bunso..

Buhat na siya ng kuya Jei jei niya..

"Mommmyyyy!" tawag ulit nito sakin, gusto ng magpabuhat sakin..

"Ya Jei jei, want mommyyy..."

"Okay, baby..." nilapit na sakin ni Jei jei ang kapatid niya.

Kinarga ko to at hinalik halikan.. Naku, namiss ko tong makulit na to sobra!

"Miss mommy, baby?" hinawi ko ang buhok niyang nasa mukha na niya. Kakagising lang ata nito ah.

"Yes, mommyyy! I miss you!" hinalik halikan niya ko sa mukha at niyakap.

"Ang sarap naman ng yakap ng bunso ko ohhhh.." inamoy amoy ko pa to, naku! Ang bangooo! Namiss ko talaga ang bunso ko..

"Hello, baby bunsooo.."

"Tata! Tata!" hala ang hyper na.. Nakita na si Mafe..

"Ang cute naman ng dolphin mo.. Kay tita na lang? Hehe.." woooyyy, Mafe! Aga aga papaiyakin ang anak ko..

"No! Mommmyyy no!" nilayo niya kay Mafe yung hawak niyang stuffed toy na dolphin.

Bago to ahhh.. Sino kaya nagbigay nito kay bunso? Hmmmm.. O baka, parang kilala ko na..

Off limits sa bahay yung mga ganitong stuffed toys eh.. Mabilis kumapit ang alikabok dito. Naku, nagbilin na nga ako.. Mamaya atakihin na naman ng allergy si Jei jei.

Nasaan na yung dalawa? Tagal naman..

"Mommmmyyyyy!" namiss ko din tong isang makulit na to!

Patakbo tong yumakap sakin..

"Mommyyyy! I miss you.. Sayang di kayo nakasama ni kuya.. Hinahanap kayo nila lola.."

"Eh sa susunod anak, kasama na kami. Nag entrance exam ang kuya mo eh."

Locked AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon