19

3.8K 139 25
                                    

J

Nakakainis naman to si Deanna eh. Kung ano ano ng binili, baby bottles lang naman sinabi ko. Lahat pa ng binili ang mamahal. Imbes na mabili pa namin ng iba pang gamit ng baby, wala na.

"Jema, wag mo na isipin yan, ma-sstress ka lang."

"Ha? Wala naman akong sinasabi, Deanna."

"Kilala kita, Jema.. Iniisip mo yung mga pinamili natin lalo na yung mga kinuha ko kanina." kailan natuto magbasa ng isip to si Deanna?

"Baby naman kasi eh, ang mamahal naman eh. Dapat inantay mo na lang ako kanina para ako pumili."

"Nabili na natin, Jema. Para naman kay baby yun."

"Sayang lang kasi, pwede pa sana natin mabili ng ibang gamit yung sobra sana."

"Wag ka mag alala, Jema.. Madami tayong pambili. Akong bahala.. Wag ka mag isip masyado, baby ha?"

Ano pa nga bang magagawa ko? Nabili na namin.

"Okay. Focus on driving, baby.."

"Gusto mo na ba umuwi, baby? O may gusto ka pang puntahan?"

Ano daw? Di pa ba kami pauwi? Nag ddrive na nga siya eh..

"May gusto ka pa bang puntahan, baby?"

"Baka gusto mo kasing mag dinner na tayo sa labas eh."

"Hmmm.. Mag take out na lang tayo. Para kasabay na natin mag dinner si Mafe sa bahay."

"Oo nga pala.. Nasa bahay pa si Mafe.. Kamusta na pala si papa, baby? Magaling na ba?"

"Okay na daw sabi ni mama. Trangkaso lang."

"Buti naman. Anong gusto mong food, baby?"

"Chicken? Pasta?"

"Chicken and pasta, okay baby.."

Dumaan kami ni Deanna sa isang Italian Restaurant. Nagtake out kami ng chicken and pasta nga, nagdagdag pa siya ng pizza para daw sa kanila ni Mafe, bawal daw sakin yun.

"Anong gusto mong name ng baby natin, hubby?"

"Hmmmm.. Ngayon na ba dapat ako mag isip?"

"Di naman.. Baka may naiisip ka lang." tamad naman mag isip nito ni Deanna.

"Dean na lang.."

"Name kaya ni dad yan.. Wala man lang effort, Deanna?"

"Wala akong maisip, Jema.. Ikaw na lang mag isip."

"First baby natin to tapos wala kang maisip na name?"

"Nag suggest na kaya ako.."

"Wala man lang ka effort effort.."

"Uy grabe ka naman.. Dami ko kayang effort sa inyo ni baby.." well, totoo naman.. Madami siyang effort samin. Sobrang sipag niya nga mag work eh.

"Hmmm combination na lang ng name natin?"

"Sounds good.. So, anong naisip mo, Jema?"

"James Dean? Hahahaha.." di ko alam bat naisip ko yan!   Pati ako natawa sa sinabi ko..

"Wow, Jema! Ang laking effort ah.. Kasing pogi ko ba si James Dean?"

"Mas pogi ka dun, baby! Hihihi.."

"Ewan ko sayo, binola mo pa ko.." sus, kunwari pa tong si Deanna, kinilig din naman. Laki ng ngiti eh.

"Ayaw mo ba ng James Dean? James from my name, tapos sayo galing yung Dean.. Hehe.. Seryoso ako, baby.."

Locked AwayWhere stories live. Discover now