49

3.6K 149 12
                                    

D

"Good morning..." mukha agad ni Jema ang bumungad sakin pagkagising ko..

"Good morning, wife.."

"Kamusta ang pakiramdam mo, baby?"

Tinignan ko ang kaliwang braso ko.. Nakabalot to ng bandage..

"Sumasakit ba, baby? Lika, bangon ka na. Nakapagluto na ko. Punta tayo saglit sa ospital. Saglit lang tayo.."

Sobrang sakit nga.. Para akong nanghihina, kumikirot sa loob ng braso ko..

Dahan dahan na kong bumangon.. Para pa ata akong nilalagnat ah.. Ang bigat ng pakiramdam ko.

Dumaan muna kami sa kwarto ni Jei jei.. Tulog pa to. Gusto ko sanang gisingin ang anak ko dahil miss na miss ko na ito pero baka sumupungin lang at umiyak ng umiyak.

"Upo ka na, baby.. Maghahain lang ako."

"Tulog pa si mama?"

"Tulog pa. Di ko na ginising. Maaga pa masyado. Orange juice o apple juice?"

"Hmmm.. Coffee, wife?"

"Juice muna, baby.. Puro kape ka ata eh, ang laki ng pinayat mo."

"Sige, wife.. Orange juice na lang.. Nakakapagod lang talaga sa trabaho dun."

Inayos na ni Jema yung mga niluto niya sa mesa. Namiss ko to.. Yung kakain talaga ako ng breakfast ng maayos yung hindi nagmamadali.

"Ang sarap naman ng mga to, wife.. Namiss ko to sobra.."

"Para sayo lahat yan, baby.. Sige na, kain na tayo. Pupunta pa tayo sa ospital para sa braso mo."

"Kailangan pa ba talaga yun, Jema?"

"Namamaga yung braso mo. Dapat nga kagabi pa tayo pumunta eh."

"Alam ko namang walang fracture o ano. Nabugbog lang to.."

"I don't think so.. Nakita ko yan kagabi. Baka kailangan kong lagyan ng cast. Please, baby.. Gusto ko lang makasiguro.."

"All right, baby.. Sige na, pupunta tayo. Pero saglit lang ha? Gusto ko kayong makasama ni Jei jei."

"Sure, baby ko.. Saglit lang tayo.."

Mas okay na siguro to, kaysa naman maabala pa ang trabaho ko dahil sa braso ko na to..
.
.
.
.
.
----------

J

Akala ko mahihirapan akong papayagin si Deanna na pumunta ng ospital eh. Nag aalala talaga ako. Gusto ko lang makasiguro.

"Baby, after natin sa ospital daan tayo sa mall ah. Bili tayong pagkain."

"Maraming food sa bahay. Anong bang gusto ng asawa ko? Magluluto na lang ako."

Mukhang relax naman si Deanna. Di tulad kagabi di siya mapakali sa sasakyan. Pati nung banggitin ko na need naming pumunta ng ospital para siyang takot na takot.

"Eh wife, bili na tayo.. Gusto ko nga cake, pizza, chips.. Please... Ida-date kita sa bahay hehe.. Namiss ko kaya kayo ni Jei jei.."

"Ikaw talaga.. Sige, dadaan tayo.."
.
.
.
.
Hinatid ko na dito sa tapat ng xray room si Deanna..

"Jema, t-teka.."

"Doc, okay na po. Pwede na po pumasok.." sabi ng technician na babae.

"Sige, saglit lang.."

"Kailangan pa ba to, Jema?" di na mapakali si Deanna.

"Calm down, Deanna.. Saglit lang yung xray.. Nandito lang ako sa labas. I promise."

"Ayoko dito, Jema.. Alis na tayo please.."

"Pag tapos ng xray, aalis na agad tayo.. Breathe in, breathe out, baby.."

"Okay, okay.. Dyan ka lang, Jema.. Please..."

"Dito lang ako sa labas.."

Pumasok na si Deanna sa loob.

Sana naman di siya magpanic sa loob. Please, saglit lang..

Pag labas niya, niyakap niya ko agad..

"Tara na, Jema.. Tapos na, alis na tayo dito..."

"Antayin natin yung result. Saglit lang yun. Dun muna tayo, para makahiga ka.."

"Jema naman eh! Sabi mo aalis agad tayo.."

"Baby, para sayo to.. Mamaya napano na yang braso mo."

"I said, I'm okay di ba? Wala to.. Tara na kasi.." hinila na niya ko.

"Deanna, wait.. Hindi pwede.. Dun tayo sa loob. Saglit na lang.." hinila ko pabalik ang kamay ko.

Ano bang nangyayari dito kay Deanna? Ang bilis magbago ng mood. Okay naman siya kanina.

"Ayoko nga sabi dito eh! Sabi mo saglit lang? Tapos na oh, nagpa xray na ko.. Let's go, Jema!"

Arrgghh! Hinila hila niya ko hanggang dun sa tapat ng guard..

"Excuse me.. Okay lang po ba kayo, doc? Anong nangyayari dito?" tanong ng guard sakin.

Naman kasi to si Deanna eh.. Bago pa naman tong guard dito, hindi siya kilala.

"Wag kang makialam dito ah.. Umalis ka dyan!" sagot ni Deanna sa guard.

"Teka, teka.. Nasasaktan si doc. Bitawan mo muna siya."

"Ahh, talagang makikialam ka.." binitawan ako ni Deanna at saka niya tinulak yung guard.

"Deanna!"

Tinulak tulak niya yung guard..

"Deanna, tama na yan! Ano bang nangyayari sayo?"

"Umuwi na tayo!"

"Sige na, kuya.. Ako ng bahala dito.."

Hinayaan ko na lang si Deanna na dalhin ako hanggang sa labas ng ospital.

Ayoko ng magkagulo pa dun..

Parang hindi si Deanna tong kasama ko..

Naguguluhan ako sa mga kinikilos niya..

Locked AwayWhere stories live. Discover now