46

3.6K 153 11
                                    

D

"Dude! You're up na pala.. I have our breakfast.." its Bea.

May dala dala na siyang paper bag, baka eto yung sinasabi niyang breakfast, galing siya sa labas eh. Halatang nakapag shower na din siya.

Samantalang ako eto kakagising lang at sobrang sakit pa ng ulo ko. Hindi ko na nga maalala paano kami nakauwi dito.

"You better shower, Deans. Mukha kang ginahasa haha.."

"Gago! Ang sakit ng ulo ko. Bat parang di ka man lang nalasing?"

"Because I'm stronger than you, Deans. Ang weak mo na pala hahaha.."

Kahit kailan talaga to si Bea. Aga aga nang aasar na agad.

"Jema called you kanina. Nakita ko lang sa caller id sa phone mo."

Oh. Shit! Jema!

"Sinagot mo? Anong sabi? Bat di mo ko ginising?"

"Oo, sinagot ko. Baka emergency eh. Gago, ginigising kita kanina pero di ka magising, ang lalim ng tulog mo."

Fuck myself!

Napabuntong hininga na lang ako haaaay...

"Ano na namang sinabi mo kay Jema ha? Halatang sobrang nag aalala sayo. Bigla mo na lang daw siya binabaan ng phone kagabi.."

"Shit, Bei.. Ang gago ko.. I need to call my wife.." napabangon na ko..

And to my surprise...

Naka boxer shorts and under shirt na lang ako..

"Hoy! Bea! Anong ginawa mo sakin?!"

"Feeling mo naman, Deanna.. Yuck!"

"Gago, bakit nakaganito na lang ako?!"

"Suka ka lang naman ng suka pati sa kotse kagabi hanggang sa makarating tayo dito. Pati ako sinukahan mo. Saka wag ka mag alala, si manang nagpalit sayo at naglinis."

"Fine. Whatever. I'll call Jema first."

"Mag shower ka na muna ng makakain na tayo. Saka sabi ni Jema siya tatawag sayo after ng procedure niya. Go, shower na dun."

Halata ngang gutom na gutom na to si Bea. Isa isa na niyang inaayos sa table yung mga dala niyang pagkain. Sa dami ng pagkain para kaming bibitayin na.

Tumayo na ko at dumiretso ng bathroom. I need a super cold shower.

Pagkatapos ko mag shower, tumabi na ko kay Bea. Halatang gutom na gutom na ang mokong. Kumain agad pag upo ko.

"Deans, I booked you a flight to Manila tonight at 6pm."

"What? Why?"

"Para makauwi ka kay Jema at sa inaanak ko.."

"May trabaho ako, Bei. Di pwedeng basta basta akong uuwi.."

"Saturday lang, Deans. Sa Monday pa yung work mo ulit."

"I know pero---"

"Pero ano, Deanna? Anong excuse meron ka? Come on, do yourself a favor. Kung narinig mo lang yung boses ni Jema kanina nung sinagot ko yung tawag niya sayo, and the relief from her voice nung sabihin kong okay kang nakauwi. This is the least I can do for you and Jema."

"I look terrible. Lalo lang mag aalala si Jema pag nakita niya ko ngayon."

"You really look terrible, Deans. Bakit ba kasi masyado mong ini-stress ang sarili mo sa trabaho."

"Kailangan kong gawin to para sa pamilya ko."

"Alam ko. But, dude trust me. Go home, ihahatid kita mamaya sa airport. Your flight back here is on Monday night. I got you, Deans. Akong bahala. Besides, bukas naman ng gabi nandito na si architect, wag ka ng mag alala, okay? Wala kang mapapabayaan. Nandito kami."

Akala ko puro kalokohan lang si Bea pero mali ako. Para din siyang si Maddie. Inaalala nila pareho ang makakabuti sakin.

"Thank you, Bei.. Thank you very much! I owe you."

"You don't owe me anything. Magkaibigan tayo.. Finish your food, dude.. Let's go to the mall. I'll buy pasalubong for Jema andJei jei.."

"Ano ka ba, no need for that, Bei.."

"Ah basta.. Bibili ako for them.. Bawal tumanggi."

Well, hahayaan ko na si Bea. Ang laki na nga nitong ginawa niya para sakin eh. I miss my family, di ko na mapigilang ma-excite.. Makikita ko na mamayang gabi sila Jema..

I'll surprise my wife..

Right, I will call Jia.. See you later my wife!

Pagkatapos naming kumain, nag ayos na din ako agad ng gamit ko. Didiretso na kami sa airport mamaya after namin sa mall.

"Dude, pansin ko lang.. Nag iba ka talaga.. Ang laki ng pinayat mo.. I saw some pictures from Jei jei's birthday, okay pa katawan mo dun.."

We are on our way to the mall.

"Stress lang ako sa trabaho, Bei."

"Nag tatake ka ba ng vitamins?"

"Oo naman. Bilin ni Jema yun eh."

"Puro ka ata fast food dito, Deans eh. Hay naku, from now on, bawal na yung mga unhealthy na pagkain. We need a healthy project engineer."

"Sure, Bei. Hehe.. Basta sagot mo yung pagkain."

"Akong bahala.. Basta enjoy your weekend with your family ah.."

"Aye, aye, boss hehe.."

A weekend with my family.. Can't wait..

Locked AwayWhere stories live. Discover now