30

3.8K 117 8
                                    

D

"Deans! I'm sorry.. Pero.." salubong sakin ni Kim pagdating ko ng site.

Nahihilo hilo pa ko, ni di maayos ang suot ko.. Naka tshirt at pants lang ako, naka slippers nga lang ako eh, sa ospital lang naman kasi ang punta namin kanina.

"What happened, Kim?" nagmamadali ako sa paglalakad sa loob.

Wala na akong pakialam kung ano ang maapakan ko.. Hindi pa naman ako naka safety shoes.

"Ano kasi, Deans... Ah.. Ano.."

And there... Bumungad sa harap ko ang nangyari...

"Shit! What happenend?!"

"Deans, calm down.."

"No, Kim! Pano ako kakalma? Nakikita mo ba tong nangyari?"

"Ang mahalaga wala tayong casualties.."

"Kahit na! But this will cost us a lot! Our reputation, our credibility!"

"Wala na tayong magagawa.. I called Mr. Litton.. Padating na siya dito."

Di ko alam ang mararamdaman ko sa nakikita ko sa harap ko ngayon.. Parang lahat ng pangarap ko bumagsak sa harap ko..

"This can't be, Kim.. Alam mo kung anong magiging epekto nito satin.."

"Alam ko, Deans.. Pero.. Magkasama naman tayo, kaya natin to.."

"Hindi ako nagkulang, Kim.."

"Magcoconduct pa naman tayo ng investigation.."
.
.
.
.
"Malaki ang tiwala ko sa inyo, pero anong nangyari naman? Bakit nagkaganito? May timeline tayo, may budget, pano na ngayon yan, ha, engineer?" baling niya sakin pero wala akong masagot. Hiyang hiya ako.

Nandito kami ngayon sa loob ng office namin dito sa site.. Hindi nga kami sinisigawan ni Mr. Litton pero halata sa boses at mukha niya ang disappointment sa amin, lalo na sakin..

"We will shoulder the cost of damages and repair, sir.. We promise, we will deliver the project on time." si Kim na ang sumagot.

"Aasahan ko yan ha.. Sana naman wala ng mangyari ulit na ganito, sayang, ang laki ng tiwala ko sa inyo.."

"Wala na po, sir.. Hindi na po mauulit to.. I'm sorry po.." pagpapaumanhin ni Kim.

"Engineer, ikaw? Wala ka bang sasabihin? Ikaw pa naman ang project engineer nito.. Anong nangyari sayo?" lumapit pa sakin si Mr. Litton.

Hindi ko talaga alam kung paano magpapaliwanag.. Ginawa ko naman lahat.. Sinigurado kong tama lahat, kaya hindi ko alam bakit nagkaganito.

"Sir, I'm really sorry po, we will assure you na magcoconduct kami ng investigation for the incident. But, one thing is for sure, sir, I'm doing my best for this project."

"Your best? Eh bakit ilang araw ka na daw wala dito sa site?"

"I got sick, sir.. Galing pa po akong ospital kanina.."

Tinignan niya kong mabuti..

"Right, you look terrible, engineer.. Fix this immediately. I'm counting on you.. Update me, okay?"

"Yes sir, we will.." at lumabas na ng office si Mr. Litton.

Hindi ko alam kung anong uunahin ko, wala akong maisip na dahilan para mangyari to.. Walang mali sa design namin yan ang sigurado..

"So, Deans? May idea ka na ba?" tanong sakin ni Kim.

Ang sakit ng ulo ko pero gusto ko na agad alamin kung anong nangyari..

Locked AwayOù les histoires vivent. Découvrez maintenant