20

3.8K 157 35
                                    

D

"Baby, pasok na ko.. Uuwi agad ako.. Tawagan mo ko agad kung ano pa mang maramdaman mo."

3 weeks from now ang expected delivery date ni Jema. Pero sabi ng doctor anytime soon pwede ng manganak si Jema..

"Anong oras ka uuwi, baby?" nakahiga pa din si Jema sa kama.

Hirap na siyang makatayo at makagalaw talaga..

"Mabilis lang ako.. Dadaan lang ako sa site at dun sa construction ng bahay natin, ichecheck ko lang. Uuwi agad ako pagkatapos ko dun. Malapit na daw si Mafe.."

Dito muna sa condo namin umuuwi si Mafe para may kasama si Jema pag wala ako. Pang gabi naman si Mafe eh. Si mama bukas daw pupunta dito.. Sila mommy naman next week daw para mas ma-alalayan daw nila si Jema.

"Bilisan mo, baby ha?"

"Okay ka lang ba, Jema? Anong nararadaman mo? Tell me.." parang di kasi mapakali si Jema eh. Nag aalala tuloy ako.

"I'm okay, baby. Basta umuwi ka agad.."

Narinig kong may nag doorbell. Baka si Mafe na to..

"Uuwi ako agad.. Teka, baka si Mafe na yan. Pagbubuksan ko lang."

Lumabas na ko ng kwarto at binuksan ang pinto.

"Gising na si ate?" bungad sakin ni Mafe.

"Oo.. Pero wala pang gana mag breakfast.."

Binaba na ni Mafe ang bag niya sa couch. Kumuha muna ako ng fresh milk sa ref para sakin at kay Jema. Ayaw pa kasi mag breakfast ni Jema, wala pa siyang gana.

Ganito na siya simula nung 3rd trimester niya, laging walang gana, hirap na din siya makatulog sa gabi. Tinabi ko na nga lang yung couch sa room sa bed namin, dun na ko natutulog para di mahirapan si Jema sa kama.

"Sige na, ate Deanna, ako ng bahala kay ate. Pasok ka na."

"Okay.. Tawagan mo ko pag---"

"DEANNAAAAAA!" sigaw ni Jema..

Sabay pa kaming tumakbo ni Mafe papunta sa kwarto namin ni Jema.

Nakita ko si Jema na nakahawak sa tyan niya at namimilipit sa sakit.

"Baby? Okay ka lang? Anong masakit? Saan?" natatarantang tanong ko..

"Ate! Ano? Magsalita ka?"

"Ahhhhhh! Ano ba kayong dalawa?! Nakatulala pa kayo dyan!"

Ahhh? Ano baaaaaa???

Di ko alam gagawin ko?!

Ano bang nangyayari kay Jema?!

"Baby, ano? Manganganak ka na ba? Ano ba? San masakit?" natataranta ako! Ano ba?

Aray lang siya ng aray... Malay ko ba anong masakit sa kanya... Arrrrggghhh!

Kahit si Mafe nakatulala lang...

"Ano ba?! Dalhin niyo ko sa ospital! Sipain ko kayong dalawa dyan eh! Ahhhhhh! Deanna! Bilisan mo! Wag kang tumunganga dyan!"

Ano ba? Kala ko ba 3 weeks pa??? Napaaga naman ng sobra?

"Teka! Teka, Jema! Teka! Mafe, kunin mo yung hospital bag sa cabinet.. Bilis.."

"Anong teka, Deanna! Ano ba! Kumilos ka! Lalabas na si baby!"

Arrrgghhh! Lalo akong natataranta kay Jema eh! Paikot ikot na ko dito sa kwarto..

"Baby, wait! My keys, wait.." halos buksan ko na lahat ng drawer sa kwarto namin di ko pa din makita susi ng kotse ko.

"Ahhhhhh! Bilisan mo! Ang sakit! Ngayon pa nawala yang letseng susi ng kotse mo!"

Shit! Asan na ba susi ng kotse ko?! Kung kailan emergency!

"Eto na yung bag, ate Deanna.. Tara na!"

"Fuck, my keys!"

"Tang ina, Deanna! Tagalan mo pa!"

"Kotse ko na lang, ate Deanna! Tara na!"

Kinuha ko na yung hospital bag ni Jema at saka siya binuhat. Nagmamadali kaming lumabas ni Mafe..

"Ahhhhhhh! Deannnna!"

"Jema.. Calm down... Wag kang maingay.."

"Ikaw manganak sa susunod ah! Tignan natin kung makapag calm down ka!" ano ba to si Jema, ang ingay ingay..

"Ate, ang ingay mo.. Nasa elevator tayo.."

"Ahhhhh! Shit! Ayoko na!"

Pag labas namin ng parking, si Mafe na ang nagdrive.. Sa likod na kami sumakay ni Jema..

"Baby James Dean, easy ka lang dyan sa tummy ni mommy.. Paabutin mo si mommy sa hospital please.."

"Arrrggghhhh! Ayoko na, Deanna! Last mo na to!"

Ang sakit na sa tenga ng sigaw ni Jema grabe.. Yung braso ko na hawak hawak niya namamanhid na ata sa sobrang higpit ng kapit niya.

"Jema, kumalma ka... Malapit na tayo.. Mafe, bilis, mag hazard ka na.."

"Ahhhhh! Bilisan niyo! Deanna! Bilis!"

"Baby, di ako yung nagddrive, si Mafe.."

"Hala.. Nadamay pa ko.. Eto na nga eh..."

"Sige! Magturuan pa kayong dalawa! Pag uuntugin ko talaga kayo! Makita niyo lang!"

Bat kasi ngayon pa traffic! Manganganak na asawa ko eh!

Sumenyas na ko sa labas ng bintana ng kotse para makadaan kami...

"Pag dito sa kotse lumabas si baby, Deanna tandaan mo di kita mapapatawad! Bilisan mo dyan! Gumawa ka ng paraan!"

"Eto na nga baby ehhh..."

"Hoy, ate! Ang ingay grabe!"

"Ahhhhh! Ano ba! Bilisan niyong dalawa!"

Naman kasi eh! May malapit namang ospital sa condo sa Makati Med pa napili ni Jema manganak, ang traffic tuloy...

Ilang minuto pa nakalusot din kami sa traffic sa tulong na din ng mga enforcer na umescort samin hanggang sa ospital..

Dali dali kong binuhat palabas ng kotse si Jema.. Si Jia ang sumalubong samin sa emergency, tinawagan ko siya habang nasa daan kami.

"Jia, please help my wife.. Manganganak na ata siya.."

"Okay, okay.. Don't worry, Deanna.."

"Ahhhhhhhh! Deanna, dito ka lang.. Wag mo kong iiwan!" mahigpit pa din ang hawak ni Jema sa kamay ko.

"Jema, breathe in, breathe out lang.. Reserve your energy, okay?" pagpapakalma ni Jia kay Jema.

"I'm just here, baby.. Di kita iiwan.."

Locked AwayWhere stories live. Discover now