13

4.1K 130 11
                                    

J

"Thank you, ma'am.. Its nice doing business with you.." Deanna said.

"No, I should be the one thanking you, Engr. Wong.. Hindi ka magsisisi sa lugar na to.. Its well-secured and safe, I can assure you that."

Done deal.. Nandito kami sa coffee bar sa loob ng Crimson Hotel. Tinuloy ni Deanna ang pagbili ng lupa na sinasabi niya.

Tama naman siya, maganda nga yung lugar, well-secured, very strategic. Malapit sa mall, sa church, sa Asian Hospital at malapit din sa schools..

Pumayag na din ako kahit sobrang mahal nung lupa. Sobra talaga.. Kung sa province yun, like samin sa Laguna o sa kanila sa Cebu, baka ang laki na ng lupa na nabili namin, all-in na pati pag papagawa ng malaking bahay. Baka makabili pa kami ng dalawang bagong kotse.

Pero dun kasi masaya ang asawa ko eh, susuportahan ko siya sa lahat ng gusto niya. Nandito naman ako eh. Magkasama kaming dalawa kung magkaproblema man.

Its still a mutual decision. Umoo din naman ako bago siya nag go sa pagbili non.

"Yung title ng lupa at lahat ng papers ako na mag aayos, engineer. Just send me all the legal documents needed."

"Sure, no problem. Una na kami ng misis ko.." nakipagkamay na kami ni Deanna sa sales agent na kausap niya.

"Thank you, Engineer, Mrs. Wong, thank you."

Ngumiti na lang ako..

"Let's go, baby.. Sa hospital na tayo.." pinagbuksan na niya ko ng pinto ng kotse.

Ngayon din yung procedure namin sa doctor. Last step of the process. The implantation of embryos.

Kinakabahan ako but I'm just hoping for the best na sana maging okay ang lahat..
.
.
.
"Baby, kinakabahan ka ba?" Deanna asked.

We're on our way to the hospital.. Malapit lang naman yun sa hotel na pinanggalingan namin.

"Medyo, but I'm okay.. Sana successful agad."

"Let's just think positive.. Para positive agad hehe.." hinawakan niya pa ang tyan ko.

Loko loko talaga to.. Kinakabahan na nga ako eh..

"Pano kung hindi maging successful, baby? Love mo pa din ako?"

"Jema naman ehhh.. Ano ba namang tanong yan? Syempre naman love pa din kita, di magbabago yun. We will try again hanggang sa dumating na yung baby natin.."

"Anong gusto mo, boy o girl?"

"Hmmmmm.. I can't decide.. Twins na lang, isang boy, isang girl. Hehe.."

"Kambal agad? Mahirap kaya mag buntis ng kambal. Ikaw na lang kaya magdala?" sagot, Deanna! Hahaha.

"Baby naman ehhh.. Eto na ohhh malapit na tayo sa hospital tapos ako magdadala?"

"Kaw kasi eh makasuggest ng kambal eh.. Di naman madali yun."

"I'll build a house na malaki, baby.. Kaya dapat damihan natin yung babies natin. Sayang yung space ng bahay natin.."

"Ayos, Deanna ah.. Parang ang dali dali gumawa ng bata ah.. Ikaw na lang kaya manganak? O kaya hati tayo, ilan ba gusto mong anak?"

"Anong hati, baby? Gusto ko atleast three.."

"Ako magdadala ng kambal ngayon, ikaw dun sa isa.. Deal?" tignan natin sagot mo, Deanna..

"No! Bakit ako? Baby naman ehhhh..."

Huminto na siya. Nakapagpark na kami sa basement ng hospital.

"Tignan mo to, puro pasarap lang.. Ayaw maki share sa hirap."

"Ako naman mag aalaga sayo, baby.. Di kita iiwan. I'll work hard for you and for our future kids.." hinalikan niya pa ko sa noo.

"Okay po, baby.. Lets go na.."
.
.
.
.
"Hi, Mrs. Wong.. Are you ready?" tanong sakin ng doctor.

Nandito na ako sa loob ng isang room.. Nakahiga na ako, ready for the procedure.

"I'm ready na po, doc."

"Mrs. Wong, you are aware naman na may possibility of multiple pregnancy through IVF di ba?"

"Yes doc, na explain niyo naman po sa amin ng asawa ko.."

"And you guys decided to implant two embryos.. So, yun lang ang gagawin natin. After two weeks.. Babalik kayo dito ha? Para sa pregnancy test mo."

"Noted po, doc."

"Okay, sige.. May ipapasok na ako sayo, hingang malalim, Mrs. Wong.."

Napapikit na lang ako at saka huminga ng malalim...
.
.
.
.
"Baby, kamusta? May masakit ba sayo? Okay ka lang ba? What do you need, baby ko?" bungad ni Deanna agad pag kakita sakin.

Naiwan kasi siya dito sa waiting area ng office ni doc kanina.

"Oa mo naman, baby.. Okay lang ako.."

"How's the process, baby?"

"Its okay naman, Deanna. Don't worry, Jema is okay.." si doc na ang sumagot kay Deanna.

Nagbilin pa samin si doc at nagbigay ng vitamins. After two weeks babalik ulit kami dito to see if I'm pregnant na.

"Masakit ba yung ginawa sayo, baby?"

Pauwi na kami ni Deanna. Para akong nanghina sa ginawa kanina sakin. Gusto ko humiga na..

"Medyo.. Pero okay lang naman, baby.."

"May gusto ka ba kainin? Gusto mo kain muna tayo bago umuwi?"

"Wag na, baby.. Gusto ko na umuwi. May pagkain naman sa condo. Magluluto na lang ako pag uwi natin."

"Sure ka ba, baby? Parang matamlay ka eh. Nag aalala ako."

"Okay lang ako, promise. Gusto ko lang muna matulog.."

"Sige, baby ko.. Sleep ka muna, adjust mo na lang yung upuan mo.. Gisingin na lang kita mamaya."

"Sige lang, baby.. Drive ka lang, pag uwi na ko matutulog. Ayoko tulugan, baby ko ehh.."

"Kaw talaga, baby.. Sige na, okay lang ako. Sleep ka na."

"Baby, kailan mo plano simulan yung construction ng bahay natin? I'll have my share ah?"

"Soon, baby.. Aayusin ko muna lahat ng documents. Pag okay na, sisimulan ko na.. Okay lang, baby.. Ako bahala sa gastos."

"Baby naman ehhh.. Sige na, magshare na ko. Bahay naman natin yun."

"Save mo na lang yan para sa baby natin.."

Haaaay... Di naman magpapatalo to si Deanna eh.. Bahala na nga ang asawa ko.. Nandito lang naman ako pag kailangan niya ng tulong.

"Okay, okay, baby.. Ikaw ang bahala.. What do you want for dinner pala?"

"Ako na lang magluluto, Jema para makapagpahinga ka."

"Kaya ko naman mag prepare ng dinner, baby.."

"Ako na nga lang, Jema.. Magpahinga ka na lang. Please, for our baby?"

"Sige na nga... Ikaw na mag prepare."

"That's my wife! Masunurin.. Bait bait naman ng asawa ko.." pinisil pisil niya pa ko sa pisngi..

Sana di masayang lahat ng procedure na pinagdaanan namin ni Deanna. Sana maging successful..

Locked AwayWhere stories live. Discover now