62

3.9K 161 16
                                    

D

"Yown ohhh! Lumabas na din ang kaibigan natin! Tara dito, Deans upo!" umurong pa si Bea at pinagpag pagpag yung space sa tabi niya..

Anong meron? Bat parang may party? Ang daming pagkain dito sa living room, ang dami ding inumin.. Ang alam ko napagkasunduan namin magpahinga muna ngayong araw.

Nakaupo silang tatlo sa carpet... Relax na relax ahhh.. Parang kanina pa sila nag sesession.

"Anong meron?" inaantok pa ko, nagising lang ako sa ingay nila.

"Lika na, upo ka na dito, Deanna.. Join us.. Kanina ka pa namin inaantay magising. Haba ng tulog mo ah." aya ni Maddie sakin.

Pagod na pagod talaga ako pagkarating namin kaninang umaga dito. Nag shower lang ako at natulog na agad kanina.

Napatingin ako sa bukas na sliding door sa balcony.. Gabi na pala, napahaba pala ang tulog ko..

Umupo na ko sa gitna ni Bea at Maddie..

"Di ba kayo napagod? Parang kanina pa kayo dito ah?"

"Haba ng tulog mo, ate Deanna ah? Pagod na pagod?" tanong ni Mafe.

"Napagod lang ako.. Di niyo ko ginising."

"Here, buddy, eat.." nilagay ni Maddie sa harap ko yung box ng pizza. Gutom na nga ako, naramdaman ko na ang tyan ko.

"Ano bang meron? Kala ko ba magpapahinga tayo ngayon?" di naman kasi nila ako sinasagot sa tanong ko.

"Ano ka ba, dude.. We're here to celebrate 4th of July!" inakbayan pa ko ni Bea..

Nagtawanan lang silang tatlo..

Teka nga.. Anong 4th of July? July ba ngayon? Hindi naman ah.. Ang layo pa ng July.. Pinagsasabi nito..

"Pinagsasabi mo, Bea?"

"4th of July, ate Deanna... 4th of July! Independence, duh! Hahaha.." lasing ba to si Mafe?

Nag apir pa silang tatlo habang tumatawa.. Ano bang nakakatawa? Amp naman ohhh..

"Hey, wait.. Haha tama na nga yan.. Litong lito na si Deans oh.." awat ni Maddie sa dalawa pero natatawa pa din siya.

"Alam niyo mga lasing na kayo, bahala nga kayo dyan. Matutulog na ulit ako.." pagtayo ko hinila ulit ako ni Bea paupo.

"Dude, dito ka lang. Para nga sayo tong session na to eh.. Let's celebrate your independence.. Kinuwento na samin ni Mafe yung nangyari sa inyo ni Jema kagabi. Come on, let's just drink... Ang dami pa nito ohhh..." turo ni Bea sa mga pagkain at inumin sa harap namin.

Napatingin ako kay Mafe.. Yung tawang tawa niyang mukha kanina napalitan ng mapait na ngiti sakin.. At kahit hindi na siya magsalita alam ko na ang ibig sabihin non.

Hindi na lang ako sumagot sa sinabi ni Bea. Ano bang dapat kong isagot? Hindi ko alam.. Kinuha ko na lang yung bukas na bote ng beer sa harap ko at ininom yun..

Kailan pa naging mapait sa panlasa ko ang beer na to? O sadyang ang pait lang talaga ng nangyari at pati panlasa ko nakikiramay sa nararamdaman ko ngayon.

"Hey, Deans... Okay lang yan. We won't judge you. Nandito lang kami para sayo, para damayan ka. Di ka namin iiwan.. Ano, tara, cheers?" tumango lang ako kay Maddie.

Hindi ako makapagsalita. Parang pag nagsalita ako baka di ko na kayanin. Gusto ko na lang sarilinin lahat. Ako naman ang may gawa ng lahat ng to, ako naman ang may kasalanan ng lahat ng to..

"Cheeeeers!" sabay sabay nilang sigaw at taas ng bote.. Tinaas ko na lang din ang hawak kong bote.

Happy Independence day, Wong!

Locked AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon