7

5K 167 54
                                    

D

"Kuya, anong sabi? Anong oras daw dadating yung mixer?"

"Mamaya daw po, engineer.."

"Anong oras yung mamaya nila?"

"7pm daw po nandito na."

"Sige, pa-follow up sila ah? Tapos sabihan mo ko."

"Okay po. Balik na po ako dun."

"Sige na.."

Overtime na naman. Di na naman ako makakauwi nito ngayong gabi. Need naman habulin yung schedule namin. Sobrang dami ng delays..

Lumabas na ko sa office.. Para makita ko naman pinag gagawa nila.

"Hey, Deanna.. Food?" bumungad agad si Mich sakin pag labas ko. May dala siyang paper bag.

"I'm okay.. Where's Sam?"

"Nasa condo siya. Nauna ako dito. Let's eat sayang naman to, madami to.. Please.."

Hinila pa niya ko sa kamay para pumasok sa loob..

"Deanna?"

Napalingon ako sa likod..

"Jema? Baby, what are doing here.." lumapit ako kay Jema agad..

"Sabi mo di ka makakauwi. Kaya nagdala na lang ako ng food para sa'yo. Baka kung ano ano na naman kainin mo eh.."

Pinagdiinan pa niya yung salitang 'kainin' habang nakatingin kay Mich..

"Deanna, I'll get inside na." paalam ni Mich.

Tumango lang ako sa kanya.

"Thank you, baby. Nag abala ka pa.. Dapat umuwi ka na para makapagpahinga ka, baby.."

"Hay naku, buti na lang pala pumunta ako dito. Bakit nandito yang babae na yan?"

"Di ko alam, baby. Nagulat din ako eh.. Lika na, dun na tayo kumain sa likod ng pick up, maalikabok dito.."

Inaya ko na siya palabas ng site. Baka lalo pang umusok ang ilong ni Jema eh..

Nilapag agad ni Jema sa likod ng pick up yung mga pagkain na dala niya.

Wow! Ang sarap naman neto! Pork steak at chicken wings!

"Baby, ang sarap naman neto! Thank you! Lalo akong nagutom.."

"Kain ka lang, baby.. Pinaprepare ko pa yan sa canteen sa labas ng hospital para sayo."

"Nag abala ka pa, baby.. Tara, kain na tayo."

Umupo na kami dito sa likod ng pick up.. Si Jema sinusubuan pa ko hihihi. Sweet! 😊

"Baby, lumayo ka dun sa Mich na yun ah? Baka kung ano na namang balak non sayo! Titirisin ko na talaga yun! Kainis!"

"Ohhh, baby naman eh.. Umuusok na yang ilong mo oh.. I love you! Kain pa tayo.. Ang sarap nitong dala mo.."

"Anong oras ka uuwi, Deanna?"

"Mamaya pa, di pa dumadating yung mixer eh."

"Mga anong oras nga?"

"Baka bukas na ng umaga, baby.. I need to be here eh. Alam mo naman yun, di ba?"

"Yes, baby.. Wala lang akong tiwala sa Mich na yan. Dito muna ako.. Please, baby.. Sasamahan kita.."

"Jema, you don't have to. Kailangan mong magpahinga. Matulog. Di ka makakapagpahinga dito."

"Dun na muna ako sa barracks niyo, kung saan ka natutulog pag nandito ka. Sige na, please.."

"Pano ka tomorrow? May pasok ka bukas di ba?"

Locked AwayWhere stories live. Discover now