57

3.7K 160 54
                                    

J

"Hi, baby.."

"Mommmyyyy!" tumakbo agad papunta sakin si Jei jei pagkakita sakin..

Naabutan ko sila ni ate Cy na naglalaro dito sa garden. Si dad ang nagpapasok sakin, si mommy nagluluto sa kitchen.

"Miss me, baby?" umupo ako para magpantay kami ng anak ko.

Niyakap niya ko agad at hinalikan sa pisngi.

"I miss you, mommy.." namiss ko sobra ang anak ko..

Binuhat ko siya at hinalik halikan sa pisngi at leeg.. Tuwang tuwa naman si Jei jei.

"Hello, Jema.. How are you? Tagal mo di nadalaw ah. Namiss ka na namin." Ate Cy asked.

"Nag file kasi agad ako ng leave for Jei jei's birthday eh. So, nadagdagan ako ng oras sa ospital. Namiss ko din kayo."

"Mmy, I want cookies..."

"Okay, baby.. Later ah, we'll have our lunch muna." habang lumalaki, tumatakaw tong anak ko.

Ang dami niyang cravings na..

"You're so takaw na, Jei ah.." baling ni ate Cy kay Jei jei.

Dinilaan lang ni Jei jei si ate Cy.. Bully na agad to ah..

"Are you ready, Jema?"

"Sa ano po, ate?"

"Deanna's coming tomorrow, for Jei's birthday.. Ready ka na bang makita siya?"

"Wala naman akong magagawa, ate. Basta ako, nandito ako para sa anak ko."

"Dada's coming tomorrow, mmy?"

"Yes, Jei.. Wanna see your dada?" si ate Cy na ang sumagot kay Jei jei.

"Yes, Ayi! I miss dada.." yumakap na sa leeg ko si Jei jei.

"I'm sleepy, mmy.."

"May kasama daw si Deanna sabi niya."

"Sabi ni Mafe kasama daw silang dalawa ni Bea."

"Maddie is coming too.. Tonight ang dating ni Mads. Sama ka, Jema? Susunduin ko later si Mads. Labas tayong tatlo tonight. Please?"

Pag tingin ko kay Jei jei, nakapikit na.. Nakatulog na agad tong batang to di pa naglalunch.

"Hmmm.. Sige na nga.. Basta ba, di na ko gegyerahin ni Deanna ah hehe.."

"Loka! Ako na ang paulit ulit na hihingi ng pasensya para sa kapatid ko, Jema. You know, Jema, hindi pa siya okay di ba?"

"I know.. Naiintindihan ko naman. Sa tagal ko siyang nakasama, kailan ko ba hindi inintindi yung kapatid mo, grabe.."

"Malakas talaga topak non! But, seriously, Jema.. Pano mo nakakaya? Kung ako, baka nabaliw na ko sa pinaggagawa ni Deanna."

"Grabe, ate.. Uulit ulitin ko to.. Martir na kung martir, tanga na kung tanga. Di ko nga siya sinukuan dati eh, wala pa kaming anak non. How much more ngayon? May anak na kaming dalawa."

Haaaay.. Grabe, di ko mapigilang di maging emosyonal. Ang dami dami ko ng tiniis para kay Deanna. Pero heto pa rin ako, nagtitiis at patuloy na iniintindi siya.

"Jema, pag sumuko ka, promise, di kami magagalit sayo.. Tanga lang talaga yung kapatid ko. Di ko kaya yung ginagawa mo, Jema."

"Mahal ko kasi siya, kaya kinakaya ko.. Ilang beses ko na din namang ginustong sumuko. Nakakapagod din, saka ang sakit talaga sobra, tagos sa puso, girl haha.."

Locked AwayOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz