11

4.4K 150 23
                                    

D

"Dad, I'm sorry sa naging huling pag uusap natin noon dito. Ang tagal ko bago nakabisita ulit dito sa inyo."

"Ayos lang yun anak, naiintindihan kita. Bakit di mo pala kasama si Jema?"

"Nasa hospital pa siya dad. May scheduled operation siya ngayon."

"Ang sipag talaga ng asawa mo anak. Ang swerte mo sa kanya at ng magiging mga anak niyo."

"By the way, dad.. In 2 months time baka bumalik na kami ni Jema sa Manila. Malapit na din kasi matapos yung project ko dito. Actually, dad, finishing na lang.."

"Aba, ang bilis pala tignan mo nga naman.. Parang kailan lang kakasimula niyo lang dito, ngayon malapit na pala kayong umalis. Mamimiss kayo sigurado ng mommy mo.. You should tell her anak na malapit na kayo bumalik sa Manila."

"Of course, dad. Later, bago ko sunduin si Jema sasabihin ko kay mom. One more thing pala, dad.. Jema and I decided to have a baby na.. Sa totoo lang, last month pa namin plano yun, pero next week palang yung scheduled appointment namin sa doctor."

"Akala ko pag balik niyo pa sa Manila plano yan?"

"I don't know, dad. We just felt that maybe this is the right time. Its a mutual decision naman, dad."

"Kung anuman ang plano niyong dalawa ni Jema, nandito lang kami ng mommy mo para suportahan kayo. Basta anak, wag mong kakalimutan yung mga paalala ko sayo ha? Hindi biro ang buhay may asawa lalo na pag may anak na kayo. Always understand your wife. Communicate with her always."

"Tatandaan ko po yan, dad. Salamat po. At pasensya na ulit sa lahat ng katigasan ng ulo ko. Susubukan ko araw araw na maging mabuting asawa kay Jema."

"Mabuti naman anak. Tara na at pumasok sa loob ng bahay. Tignan natin kung ano ba yung pini-prepare ng mommy at ate mo."

Nandito kami sa garden, favorite spot kasi namin to pag mag uusap o magbobonding lang.

Inakbayan na ko ni dad at saka kami lumakad papasok ng bahay.

Ang tagal kong di nakadalaw dito. Pagkatapos ng di namin pagkakaintindihan ni dad 1 month ago, di na ko nakabalik dito.

Kahit weekend kasi may trabaho na kami sa site. Minadali na din kami ng owner, kailangan na daw makapag open ng mall dahil sa mga target occupants nila.

Kaya nagdagdag ulit kami ng workers at pati weekends may trabaho kami. Sa ngayon halos tapos na kami sa contruction, finishing na lang.

Next week palang ang schedule namin ni Jema para sa appointment namin for our IVF process. First step palang daw sabi ni Jema. Ichecheck daw muna kaming dalawa.
.
.
.
.
"Deanna, anak, how's the food? Masarap ba?" mom asked.

Nandito na kami sa living room, nag memerienda.. Ang dami nga nilang hinanda eh. Ako lang naman yung bisita nila.

"Masarap po, mom.. Mamimiss ko po yung mga ganitong food mommy."

"You can always visit here naman. Isama mo next time si Jema ha."

"Yes po.  Ah, mommy.. I have to tell you something pala."

"What is it, Deanna?"

"In 2 months time, babalik na po kami ni Jema sa Manila.."

"Babalik na agad kayo? Ang bilis naman, anak? Tapos na ba yung project mo dito?"

Si dad at ate Cy nakikinig lang samin ni mommy habang kumakain.. They're not interrupting.

"Malapit na mommy.. Finishing na lang. And one more thing pa po, we decided to have a baby na po. Next week we will have our appointment for our first step."

Locked AwayWhere stories live. Discover now