44

3.4K 138 27
                                    

D

"Ano na naman nangyari dito safety? Di ba sinabi ko na sa inyo na ayusin niyo yang elevated platform niyo, nung nakaraan ko pa pinapalitan yan ah.."

Ang aga aga problema na naman ang bungad sakin. Di nga gumuguho ang building dito pero tang ina parang normal na sa kanila yung may injured na workers. Ang sakit sa ulo!

Araw araw na lang may incident report kami. Nung nakaraan pa tang ina may worker kaming nahulog mula sa 7th floor dahil lang sa tigas ng ulo, sanay na sanay na sa trabaho ang lakas ng loob magtrabaho sa taas ng walang lifeline.

"Sorry, engineer.. Sinabi ko na sa kanila na palitan yan eh."

"Its your job to check it everyday kung sumusunod sila sa safety guidelines natin.. Aksidente na naman!"

"Sinisisi mo ba sakin tong aksidente ha?! Ako ba umakyat at nagtrabaho sa taas ng platform na yan at nahulog dahil sa katangahan?!" gago to ah!

Siya pa may gana mag salita ng ganito sakin..

"Ano ka ba dito ha? Safety engineer ka di ba? So, trabaho mong i-assure na walang maaaksidente."

"Exactly! Engineer din ako dito. Kaya wag mo kong tataasan ng boses.. Pareho lang tayong engineer dito!"

I'm done! Pikon na pikon na ko sa taong to! Araw araw na lang ganito. Anong kabobohan na naman to!

Buti na lang malayo kami sa mga workers namin kundi maririnig ng mga yun ang taas ng boses namin.

"Eh sira ulo mo pala eh! Safety ka di ba? Do your job! Di ka pinapasahod dito para magpalaki ng tyan mo!"

Sobrang pikon ko, di ko na napigilan ang sarili ko. Tang ina pala niya eh. Engineer kami pareho pero magkaiba kami ng trabaho dito.

At wag na wag niya kong tataasan ng boses! Ako ang project engineer at project in charge dito. Mas mataas ako sa kanya.

Tumalikod na ko sa kanya. Ayokong sirain ang araw ko agad, madami pa kong tambak na trabaho.

Nagulat na lang ako ng may biglang tumulak sakin sa likod ko.

Shit! Buti na lang sa may hood ako ng kotse nasubsob..

Pag harap ko! Yung safety namin na nakasagutan ko! Gago to! Kahit lalaki siya, di ko siya uurungan, mas malaki pa ko dito ang anlakas ng loob ah, ang patpatin na tao!

"Gago ka! Gusto mo ng away ah!" lumakad ako ng mabilis papalapit sa kanya.

Sasapakin ko na sana siya pero may pumigil sa braso ko. Damn!

"Stop it, Deans! Its not worth it. Trust me." pigil niya sakin.

Lumingon ako agad sa pinanggalingan ng boses.

"Bea???" what is she doing here?

"Yes, Deans. The one and only. Come on, dude! I miss you so much!" niyakap niya ko agad at pinagpag pagpag niya yung damit ko na naalikabukan sa hood ng kotse.

"Fuck, Bea.. Anong ginagawa mo dito?"

"Come on, dude.. I'm hungry, samahan mo muna akong mag lunch sa labas.." umakbay na agad siya sakin at naglakad.

"Wait, Bea.. May trabaho pa ko.. Teke, nalilito ako. Pano ka nakapasok dito? Saka anong ginagawa mo dito?"

Nalilito na talaga akooooo..

Anong ginagawa ni Bea dito? Last na nagkita kami nito nung kasal pa ata namin ni Jema tapos bumalik na siya agad sa LA.

Saka pano nakapasok to dito? Eh napakahigpit ng security dito. Wala namang siyang suot na ID o ano..

Locked AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon