28

4.3K 155 18
                                    

D

Arrrggghhh...

Ano bang nangyari? Nagising ako na sobrang sakit ng ulo ko...

Ang huli kong natatandaan pagbaba ko ng kotse kagabi sa parking nahilo ako eh..

Inilibot ko ang aking tingin..

Paano ako nakarating dito sa kwarto namin?

Tinignan ko ang magkabilang gilid ko, wala akong katabi..

Tanaw dito ang crib ng anak ko, pero wala na dun ang anak ko..

Pinilit kong bumangon pero...

"Ahhhh! Shit!" napahawak na lang ako sa ulo ko..

Fuck! Parang pinupukpok ang ulo ko sa sakit!

Dahan dahan akong umupo sa kama habang hawak ang ulo ko. Lalong sumasakit pag gumagalaw ako.

Narinig kong bumukas ang pinto ng bathroom namin..

I heard my wife's voice...

"Hmmmm... Ang bango bango na ng baby koooo.. Bagong ligo na ohhh.."

Narinig ko pang tumawa ang anak ko..

"Look, baby... Gising na si dada.." napaangat ako ng ulo.

Nakita kong nakangiti sakin si Jema at ang anak ko.. Iniunat pa ng anak ko ang mga braso niya na para bang gusto niyang lumapit sakin.

"Wanna hug, dada, baby? Sige, bihis ka muna, baby..." kausap ni Jema sa anak namin.

Lumakad na siya at kinuha ang mga gamit ni baby, tapos dahan dahan niya itong inihiga sa kama namin para bihisan..

Pinapanuod ko lang si Jema habang binibihisan ang anak namin..

Tapos bigla siyang tumingin sakin..

"Masakit ba ang ulo?" tanong niya sakin..

"I'm sorry, wife.." yun lang ang nasagot ko.

Ngumiti lang siya sakin at nagpatuloy sa pagbibihis sa anak namin.

Pagkatapos niyang bihisan si baby, umupo siya sa tabi ko habang karga ang anak namin..

"Sorry for what, Deanna?"

"Kasi..." di pa ko tapos sa sasabihin ko ng bigla niya kong halikan sa labi.

"Lika, tayo ka na.. Nakapagluto na ako. Kain na tayo habang mainit pa ang niluto ko, baby.."

Tumayo na siya at hinawakan ako sa kamay para alalayang tumayo..

Anong meron???

Naninibago ako kay Jema..

Di ba dapat galit siya sakin? Dapat sinisermunan na niya ko kasi nagpakalasing ako kagabi..

Ni hindi ko pa nga alam paano ako nakarating dito kagabi eh..

Pinaupo na niya ako..

"Wait, baby ko, maghahain lang ako.. Upo ka lang dyan.." hinaplos niya pa ang pisngi ko..

"Akin na si baby, ako na hahawak sa kanya para di ka mahirapan.."

Pagkabigay niya sakin kay baby pumunta na siya sa kusina..

Hinawakan ko patayo si baby, nakaharap siya sakin at nakatingin..

Bat salubong kilay nito? Gutom na siguro to..

"Hello, baby James Dean! Miss mo si dada, ha? Mas miss kita baby!" pagkausap ko sa anak ko..

Hahalikan ko na sana sa pisngi ang anak ko kaso bigla niya kong hinampas sa mukha..

Locked AwayWhere stories live. Discover now