61

4.3K 183 45
                                    

J

"Ate!"

"Mafe! Ano ba... Nakakagulat ka naman. Bat di ka pa natutulog? Maaga flight niyo bukas di ba?"

"Maaga nga.. Eh hindi pa din natutulog yung isang kasama kong bumalik bukas eh..."

"Gabing gabi na.. Matulog na kayo."

"Hay naku... Excuse na, ate.. May kukunin ako dyan sa ref."

Umalis na ko sa harap ng ref. Jusko naman, gabing gabi na nanggugulat pa tong si Mafe.

"Bakit gising ka pa, ate?" napatingin ako sa mga hawak niya pagsara niya ng ref.

"Kumuha ako nito ohhh..." tinaas ko yung hawak kong pack ng fresh milk.

"Para kay Jei jei?"

"No.. Tulog na tulog na yung pamangkin mo. Di ako makatulog eh.. Aber, ikaw bat yan ang hawak mo?"

Naku, tinawanan pa ko..

"Di rin kami makatulog. Baka mapatulog na kami nito maya maya.."

"Sino ba kasing kasama mo? Si Maddie? Bea?"

"Wala sa mga sinabi mo haha.. Grabe ahhh.."

"Si Deanna?"

"Tumpak! Kala ko nakalimutan mo na siya eh.."

"Ewan ko sayo.. Aakyat na koooo.." aalis na sana ako sa harap ni Mafe pero pinigilan niya ko.

"Wait, ate.. Patulong naman ohhh.. Padala dun sa garden. Kukuha pa ko ng yelo eh. Please?"

"Bakit ako? Eh di balikan mo yung yelo.."

"Ang tamad mo naman ate.. Sige naaaa.."

"Ayoko.. Mamaya magising pamangkin mo sa kwarto."

"Ate naman eh.. Aalis na lang ako bukas di pa ko mapagbigyan.. Wag ka mag alala, di ka na makikilala nun, lasing na yun."

"Loka loka.. Mamaya di kayo magising ng maaga nyan bukas."

"Magigising kami. Sige na ohhh dalhin mo na to ate tas umalis ka na agad.."

Haaaayyy... Kahit kailan talaga to si Mafe ehhh..

"Oo na.. Akin na.. Napakadami naman kasi nito.."

"Thank you, ateeeee... Labyu!"

Labag man sa loob ko, lumakad na ko papunta sa garden.. Napagutusan pa ko nito ni Mafe..

Pag labas ko sa garden, sa malayo palang natanaw ko na si Deanna na umiinom.. Ang dami ng empty bottles sa ilalim ng mesa nila. Kala mo walang flight bukas ng umaga tong mga to.

Bukas babalik na silang sa Bacolod kasama nila si Maddie, mag sstay pa daw si Maddie dun para makapagbakasyon. Ang bilis lumipas ng isang buong linggo, bukas aalis na sila.

Nauna ng umalis sa kanila si Ara.. 3 days lang siya nag stay. Nagpaalam siya saming lahat, kailangan na daw niyang bumalik sa trabaho. Naiintindihan ko naman pareho kaming doctor eh. Si dad ang naghatid sa kanya papuntang airport non, nagtataka nga ako bakit di sumama si Deanna eh.

For the whole week, I managed to be civil with Deanna. Sa mga lakad namin na magkasama kami at dito sa bahay, anak pa din naman niya si Jei jei. Hindi rin naman ako nahirapang kumilos dito sa bahay, lagi lang din naman siyang nasa kwarto niya o nag iisa. Di siya gaanong sumasama pag kasama ako. Pag dadating na ko o isasama na ako ng mga kaibigan niya o family niya, magdadahilan na siya para makaalis.

Bihirang bihira din talaga kaming magkasama. Nagkakasama lang kami pag dahil sa anak namin. Di rin naman kami nag uusap. Ewan ko basta biglang ganon na lang kami, walang nag initiate na maunang mag approach sa isa't isa. Ayoko namang mauna, mamaya ayaw niya kong kausap saka pansin ko naman na iniiwasan niya din talaga ako.

"Jema..." tawag niya sakin pag lapag ko ng mga bote sa mesa sa harap niya. First time kong marinig na tinawag niya ko ulit.

Okay pa yung boses at mukha niya. Parang di pa siya lasing, pinagtripan na naman ako nito ni Mafe.

"Pabalik na si Mafe, tinulungan ko lang dalhin to." tumalikod na agad ako. Ayoko magtagal dito.

"Jema, wait..." hinawakan niya ko sa kamay para pigilan.

Ayoko tumingin sa kanya.. Ayoko..

"Jema, can we talk? Kahit saglit lang? Please..."

Kakausapin niya ko kung kailan aalis na sila bukas? Isang linggo yung lumipas.

"Please, Jema..."

Humarap na ko sa kanya.. Bahala na.

"Anong sasabihin mo, Deanna?"

"Upo ka muna, Jema.."

Ayoko ng pahabain pa to, umupo na ko sa upuan sa harap niya.

"Jema, aalis na ko bukas..."

"Alam ko, Deanna.."

"Ibabalik ko na si Jei jei sayo, Jema. Sinabi na sakin ni dad lahat."

Nagulat man ako sa sinabi niya pero mas pinili kong di magpakita ng kahit anong reaksyon.

"Sorry kung ganon ang naisip kong paraan. Hindi ko talaga kayang mahiwalay sa anak ko."

"Naiintindihan kita, Jema. Nagkamali ako sa lahat ng naging desisyon ko non."

"Kung ano man yung nangyari satin noon, tapos na yun, Deanna. Kalimutan na natin.."

"Jema..." tawag niya ulit sakin.

This time nakatingin na siya sa akin.. Ang lungkot ng mga mata niya. Bagay na ayokong makita kaya ayokong tignan siya.

"Mapapatawad mo pa ba ko, Jema?"

"Matagal na kitang napatawad, Deanna."

"Ganito na lang ba tayo, Jema?"

"Hindi ko alam, Deanna.."

"Ayoko ng saktan ka, Jema.. Yun ang dahilan kaya hindi na ako bumalik. Sorry, Jema, wala na kong naisip na ibang paraan."

Hindi siya bumalik kasi ayaw na niya kong saktan? Sa tingin ba niya hindi ako nasasaktan sa nangyayari samin ngayon?

"Sa tingin mo ba hindi ako nasasaktan ngayon, Deanna?"

"Lahat ata ng gawin ko masasaktan pa din kita, Jema. Just tell me to stay, hindi ako aalis, Jema.. Hindi ko na kayo iiwan ng anak natin.. Sabihin mo lang ang gusto mo, yun ang gagawin ko."

Lumapit siya sakin at lumuhod sa harap ko.. Hinawakan niya ang kamay ko..

"Deanna, please... Tumayo ka dyan.."

"Jema, please... Just tell me what to do, nahihirapan na ko.. Ayokong saktan ka, pero ayokong mawala kayo ni Jei jei sakin. Jema pleaseeee... Alam ko madami akong nagawang kasalanan sayo.. Forgive me, Jema..."

"I'm sorry, Deanna.. I'm sorry.."

Tumayo na ko. Ayoko ng makita siyang nagkakaganito. Baka hindi ko na kayanin, baka magbago pa ang desisyon ko.

Yumakap siya sa bewang ko..

"Deanna, please... Wag na nating saktan pa ang isa't isa. Baka hindi ko na kayanin.. I'm sorry, Deanna.."

Dahan dahan kong tinanggal ang pagkakayakap niya sa  akin..

Iyak lang siya ng iyak.. Niyakap ko siya sa huling pagkakataon...

"I'm sorry, baby... I love you and I will always do, but this is enough.. Ayoko na ding saktan ka.."

Then, I stood up and walked away..

I know this is the right thing to do..

Hindi ko alam na sa dami ng pinagdaanan namin non, dito lang din pala matatapos lahat. Hindi ko naisip na ganito namin masasaktan ang isa't isa.

Locked AwayHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin