39

4.2K 174 54
                                    

J

Mabilis lang akong nakarating dito sa tapat ng building ng opisina nila Deanna. Maluwag pa ang daan.

Maaga akong nag out sa ospital. Hindi na ako nag extend. Nagsabi na agad ako na maaga akong uuwi, ayokong umuwi mag isa si Deanna lalo na at injured ang balikat niya, di naman siya makakapag drive.

Gusto ko din bumawi sa kanya, ang tagal na ng huling beses na sabay kaming umuwi. Aayain ko muna siyang kumain sa labas bago umuwi, namimiss ko na yung ganon.

Hindi ko na matandaan kung kailan ba kami huling lumabas, kung kailan ba kami huling nag usap talaga..

Natanaw ko na siyang naglalakad papunta dito sa kotse.. Nakasabit sa kaliwang balikat niya ang bag niya at may hawak siyang napakaraming folder..

Binuksan ko na mula dito sa loob ang pinto para sa kanya..

Pag pasok niya sa loob ng kotse, ngumiti siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi..

Ako na ang nag ayos ng seatbelt niya..

"How's your day, baby?" tanong ko..

"Busy as usual, baby.. Sorry, di ko nasagot ang tawag mo. Di ko namalayan ang oras eh."

Sinimulan ko ng paandarin ang sasakyan.. Baka abutan pa kami ng trapik.

"You look tired nga, baby.. Let's have dinner muna bago umuwi?"

"Hmmm.. Baka nagluto si mama sa bahay, sayang naman."

Naku, yung plano ko mukhang di pa matutuloy. Ngayon na nga lang ulit ako nakauwi ng maaga.

Think, Jema... Think...

"I'm hungry na, baby.. Kain na tayo please..." lalo kong nilambingan ang boses ko. Sana pumayag na siya..

Tumingin siya sakin...

"Ikaw, gutom? Eh ang laki laki ng tyan mo ohhh.." mapang asar na sabi niya at ngumiti ng nakakaloko, tinusok tusok niya pa ang tyan ko..

Ngayon ko na lang ulit nakitang nakangiti ng ganito si Deanna.. Namiss ko yung pagiging mapang asar niya..

Napangiti na din ako...

"Hoy, Deanna... Hindi malaki tyan ko.. Naipit lang yan ng pants ko.." di pa din siya tumitigil sa kakatusok sa tyan ko..

"Jema, bat ang laki na ng tyan mo? Hehe.. Napapabayaan ka ata sa pantry niyo sa ospital eh.." tuwang tuwa siya sa kakaasar sakin..

Pakiramdam ko kasama ko yung Deanna Wong na nakilala ko nung college. Pakiramdam ko nandun kami sa panahon na yun.

Yung mga mata niya parang yung mga mata niya nung college pa kami, yung parang ako lang yung nakikita niya. Yung kahit pagod siya, makita niya lang ako okay na agad siya pati mga mata niya nakangiti.

"Hindi nga sabi malaki yan, Deanna ehhhh..." kunwaring naiinis ako..

Pero kasi... Di naman talaga malaki yung tyan ko... Naipit lang talaga ng pants ko yun...

Bumagal na ang daloy ng trapiko. Hanggang sa tumigil na kami..

"Okay lang naman yan, Jema... Love ka pa rin namin ni Jei jei eh, kahit lalo pang lumaki ang tyan mo... Hehehe.."

Napatingin ako kay Deanna..

My heart! Ngayon ko na lang ulit narinig kay Deanna to..

"I love you more, Deanna.." I don't know, pero eto ang nasagot ko.

Sumeryoso bigla ang mukha ni Deanna at tinigilan na niya ang ginagawa sa tyan ko.. Tumingin siya sa mga mata ko..

Hinawakan niya ako sa pisngi at hinaplos haplos niya ito saglit..

"I miss you, Jema..." at dahan dahan siyang gumalaw palapit sa akin.

Hanggang sa maramdaman ko ang mga labi niya sa akin...

Hindi niya agad binitawan ang mga labi ko. Lalo siya lumapit sa akin..

Di ko namalayan na tumutugon na pala ako sa mga halik niya sa akin...

Ngayon na lang ulit...

Lalo kong naramdaman kung gaano ko namiss ang asawa ko... Parang ayoko na lang matapos ang mga sandaling ito..

BEEEEEEEEEEPPPPP!!!

Shit!

Nagulat ako sa napakalakas na busina sa likod ng kotse.. Naitulak ko tuloy bigla si Deanna..

"Ahhhhh! Ouch!" sigaw ni Deanna.

Hawak hawak na niya ang kanang braso niya..

"I'm sorry, baby... I'm sorry..." agad ko siyang inalalayan para makaupo na ng maayos..

"Its okay, sige na drive ka na, baby..."

Ang dami pang lumagpas sa amin at binusinahan kami..

"Init naman ng ulo ng mga yun, di makapag antay.. Wala sigurong love life yun..." komento ni Deanna.

"Wala siguro silang kasing cute mo na asawa hehe.." sagot ko naman.

"Kaya ang swerte mo sakin, Jema eh.. May cute at pogi kang asawa.."

Natatawa na ako sa kahanginan neto ni Deanna eh. I swear, para talaga siyang yung Deanna non nung college kami..

"But seriously, baby.. Namiss kita sobra..." dagdag pa niya..

"Sobrang namiss din kita, baby.. Namiss ko yung tayo, yung ganito.." hinawakan ko ang kaliwang kamay niya.

"I'm sorry, Jema.. Sorry sa lahat ng pagkukulang ko bilang asawa."

"May pagkukulang din naman ako. I'm sorry din, baby.."

Aminado naman ako, nagkulang din ako sa relasyon naming dalawa. Napabayaan ko na silang dalawa ni Jei jei dahil sa trabaho ko.

"Naiintindihan ko naman, kailangan mong magtrabaho para sa pamilya natin. Let's just forgive each other, bumawi tayo sa anak natin. Let's plan together for our son's 1st birthday, Jema.."

Swear! Kung hindi ako nag dadrive pinupog ko na ng halik si Deanna at niyakap ng sobrang higpit..

Akala ko hindi niya alam na malapit na ang birthday ng anak namin, pero hindi, alam ito ng asawa ko at sabay kaming magpaplano para dito.

Sobrang saya ko sa mga narinig ko mula kay Deanna.. Para akong biglang nabuhayan sa sobrang tuwa..

"I love you! I love you! I love you, Deanna! I thought hindi mo maaalala yung birthday ni Jei jei. Wala ka pa kasing nasasabing plano.."

"Makakalimutan ko ba naman yung araw na sobrang pinasaya mo ko... Never, Jema.."

Bumalik na ang asawa ko.. Siya na ulit to.. Parang yung malaking harang sa gitna namin biglang nawala. Alam kong okay na ulit kaming dalawa.

"Baby, wag ka na ulit mawawala.." sabi ko.

Pakiramdam ko kasi bigla siyang nawala nung mga panahon na halos hindi na kami nag uusap.

"Di naman ako nawala ah? Di naman ako umalis."

"Nung nawalan na tayo ng oras sa isa't isa, nung hindi na tayo gaano nag uusap, pakiramdam ko nawala ka..." nalungkot tuloy ako bigla.

Ang lungkot kasi talaga nung hindi kami nag uusap.

"Don't be sad na, baby.. Lagi na tayong mag uusap. Pasensya ka na ha, baby? I love you.." then, she kissed me quick sa pisngi.

"I love you too.." sagot ko at ngumiti.

Nag decide kami na umuwi na lang ng diretso, gusto naming maabutang gising pa ang anak namin. Sa bahay na lang kami mag didinner.

Ang gusto ko lang ngayon ay makasama ang pamilya ko, yung kumpleto at masaya kami.

Locked AwayOnde histórias criam vida. Descubra agora