37

3.9K 152 19
                                    

J

"Kumain ka na ba? Ipaghahain kita.." bungad sa akin ni mama pag baba ko ng kotse.

Pasado alas singko na ng umaga. Buti na lang nakalabas agad ako ng ospital, akala ko maeextend na naman ako sa dami ng pasyente.

"Okay lang ako, ma. Kumain ako bago umalis ng ospital. Kamusta na si Jei jei?"

"Okay naman ang anak mo.. Maagang nakatulog."

Pag pasok namin sa living room, ibinaba ko na agad ang mga gamit ko sa couch.

"Mabuti naman pala. Sige na ma, matulog ka na."

"Hindi mo ba tatanungin ang asawa mo kung nakauwi na ba o ano?"

"Wala pa ba si Deanna?"

"Nandyan na.. Madaling araw na nakauwi."

"Okay, ma.. Sige na matulog ka na ma. Ako na bahala dito."

"May naghatid pala dito kay Deanna, wala siyang dalang kotse pauwi. May dala din siyang dalawang paper bag ibigay ko daw sayo pagdating mo."

"Si Mads siguro yun, nag message siya sakin, magkasama sila kanina. Kaibigan ni Deanna yun, ma."

"Lagi na lang kayong wala dito sa bahay ni Deanna. Nag uusap pa ba kayong mag asawa?"

"Ma, sige na.. Bukas na tayo mag usap, pagod ako ma.."

"Mag usap kayo ni Deanna, Jema. Di pwedeng ganyan lang kayong dalawa. Tandaan niyo, may anak kayo.."

"Okay, ma. Alam ko naman. Sige na, ma.."

"Sige, pag nagutom ka nasa ref ang pagkain, initin mo na lang."

Umakyat na sa taas si mama. Naiwan akong mag isa dito.

Sumandal ako sa couch.. At saka inilibot ang aking tingin sa paligid.. Kahit papaano may gamit na kami dito sa bahay.

Pag lipat namin dito halos wala kaming gamit, inunti unti ko lang bilhin ang mga gamit namin dito. Yung binibigay naman ni Deanna sakin sa needs lang naman ng anak namin napupunta lahat. Minsan nga wala pa siyang nabibigay.

Hindi pa rin nakakabawi ang firm nila. Ang bilis kumalat ng balita, nung nangyari sa isang project nila. Kaya halos wala na silang makuhang client o project man lang.

Umakyat na ako sa taas.. Pumunta muna ako sa kwarto ng anak namin. Chineck ko ito, mahimbing na itong natutulog.

Next month, our son will turn 1 year old. Wala pa din akong naririnig na kahit anong plano mula kay Deanna. Hindi ko alam kung aware ba siya na malapit na ang birthday ng anak namin o ano ba..

Halos di na rin kami magpang abot ni Deanna dito sa bahay. Pag uwi ko, tulog na siya. Pag gising naman niya, minsan wala pa ko o tulog pa ako..

Nung pumayag siyang bumalik ako sa trabaho, ang saya ko talaga. Dahil sa wakas, mapapractice ko na ulit ang pinag aralan ko.

Okay naman kami nung una, salitan kami sa pag aalaga sa anak namin. Hanggang sa naging demanding ang oras ko sa ospital, hindi talaga kaya na part time lang ako.

Mas need namin ng malaking income, at hindi sapat yung kay Deanna lang at kung part time lang ako. Lalo na at may maintenance si Jei jei sa mga allergies niya at hindi siya basta basta pwedeng kumain ng kung ano ano.

Even yung sabon at mga gamit niya kailangang hypo allergenic lahat para di siya mamula at mamantal..

Pag pasok ko sa kwarto namin, naabutan ko ang asawa ko na natutulog at balot na balot ng comforter.. Pagod na pagod siguro to, sabi kasi ni Mads maglalaro sila ng baseball eh.

Nag shower muna ako saglit, galing pa kong ospital. Pagtapos kong magbihis ng pantulog, humiga na ako sa tabi ni Deanna. Mahimbing pa din siyang natutulog.

Tinitigan ko ang mukha niya.. Di ko maiwasang magtanong sa sarili ko..

Ano ba ang nangyari samin?

Ano bang ginawa ko para magkaganito kami? Ang alam ko lang naman ginawa ko lang ang alam kong makabubuti sa pamilya namin.

Pero bakit ganito? Bakit parang ang layo layo na namin sa isa't isa?

Hindi ganito ang gusto kong mangyari sa amin. Ang gusto ko lang naman ay maging masaya kami.

Wala naman kaming pinag awayan ni Deanna pero bigla na lang naging ganito ang pagsasama namin, hindi na tulad ng dati.

Hindi na kami nag uusap, ni halos hindi na kami magkita dito sa bahay. Namimiss ko na yung dating kami, namimiss ko na ang asawa ko, yung dating Deanna sakin..

Biglang gumalaw si Deanna, naramdaman ata niyang may katabi na siya.. Hinawi ko ang mga buhok na napunta sa mukha niya..

"I miss you, baby.." bulong ko..

Hinaplos haplos ko ang pisngi niya.. .

"Hmmmmm.." unti unting dumilat si Deanna. Mapungay ang mga mata niya..

"Nandito ka na pala, Jema.."

"Nagising kita, sorry.."

"It's okay. Sige na, tulog ka na.."

Kumilos siya at umurong para mas makahiga ako ng maayos.. Pero parang hirap siyang gumalaw.

"Are you okay, baby?" hawak hawak kasi niya ang kanang balikat niya at parang may iniinda.

"Y-yes... I'm okay.."

"Anong nangyari sa balikat mo?"

"Napwersa lang to kanina nung nag baseball kami ni Mads."

"Let me see, baka napano yung balikat mo."

Umupo ako sa kama at chineck ang balikat ni Deanna. Hinawak hawakan ko to at dahan dahang iginalaw.

"Ahhhhh! Tama na, Jema.."

"Wait, baka na sprain ang balikat mo, Deanna."

Binuksan ko na yung lampshade sa tabi ng kama para matignan ko ng maayos ang balikat niya.

Namumula na to at namamaga..

"Need ma-xray agad to, Deanna.. Wag ka munang pumasok bukas.."

"Pero may imemeet akong client bukas."

"Tawagan mo si Kim. Di pwedeng pabayaan yang balikat mo, baka lalong mamaga."

"Bahala na bukas.. Sige na, matulog muna tayo."

"Kakausapin ko si Kim. Sasama ka sakin sa ospital bukas."

Hindi na sumagot si Deanna. Yumakap lang siya sakin. Nakapikit na siya pag tingin ko sa kanya. Tulog na ata ulit siya.

"I love you.." bulong ko..

Naramdaman kong lalo akong niyakap ni Deanna. Sumiksik siya lalo sa braso ko.

Haaaaayyyy..

Hanggang kailan pa ba kami mananatiling ganito?

Kailan ba matatapos lahat ng to?

Locked AwayWhere stories live. Discover now