59

3.8K 168 51
                                    

D

"Hey, dad..."

"Upo ka, Deanna.."

I just received a message from dad kanina habang nakahiga ako. Hindi ako makatulog. Buti na lang gising pa ko nung mag message siya. Magkita daw kami dito sa garden. Madaling araw na and everyone is sleeping na for sure.

There are bottles on the table... Beer pala ang mga to.. Umupo na ko sa harap ni dad.

"Anong meron, dad? Madaling araw na ah."

"Here, inom muna tayo. Ang tagal mong di nakauwi ah."

"Sorry, dad.. Medyo naging busy lang."

Nagmamadali ba to si daddy? Ubos na agad niya yung isang bote. Tapos yung hawak niyang bote nangalahati na agad.

"Dad, we're not in a race.. Dahan dahan lang ang inom. Alam ba ni mommy to?"

"Dapat ba malaman ng mommy mo lahat?"

"Of course, dad.. Asawa mo siya, mamaya mapano ka. Ang baba pa naman ng tolerance mo sa alak."

"At bakit naman kailangan malaman ng mommy mo lahat ng ginagawa ko?"

"Okay ka lang ba, dad? Nag away ba kayo ni mommy?"

"Sagutin mo muna yung tanong ko, Deanna."

"Mommy needs to know everything, dad. She's your wife. Siya ang nakakaalam ng makabubuti sayo at siya ang makakaintindi sayo."

Bumuntong hininga si dad.. Yung para bang nabunutan siya ng tinik sa lalamuna. May problema ba sila dad?

"Exactly, Deanna.. Alam mo pala yun.."

"What do you mean, dad?"

"Akala ko kasi hindi ka na nakakapagisip ng maayos. Pero, matino ka pa pala. Nasa tama ka pang pag iisip. Pero di ko maintindihan kung bakit ganito ka na mag desisyon."

"Hindi kita maintindihan, dad."

"Bakit hindi mo sinabi kay Jema na bumalik ang anxiety mo?"

"Ayoko siyang mag alala, dad."

"Pero siya ang asawa mo at siya ang mas nakaaalam ng makabubuti sayo at siya din ang mas makaiintindi sa pinagdadaanan mo."

Tama naman si dad. Pero wala na eh. Huli na ang lahat. I don't think kailangan ko pang sabihin to kay Jema pagkatapos ng nangyari samin.

"Anong plano mo sa anak mo, Deanna? Hindi pwedeng dito siya lalaki samin. Hindi kami ang mga magulang niya."

"Kukunin ko na siya, dad. Actually, tapos na yung project namin. Pwede ko na siyang kunin."

"Kukunin mo siya? Paano naman si Jema? Anong balak mo?"

"Problema ba yun, dad. Eh ngayon lang naman niya pinuntahan dito si Jei jei eh. Natiis nga niya ang anak namin ng mahigit isang taon."

"Yan ang akala mo, Deanna.. Matagal na si Jema dito."

Ha? Ano daw?

"Anong matagal na, dad?"

"You deserve to know the truth. Nilayo mo si Jema kay Jei jei, pero ang totoo ikaw ang lumayo sa anak mo. Sinundan ni Jema dito si Jei jei after a month. Araw araw siyang nandito para alagaan ang anak niyo, every weekend dito siya natutulog para mas makasama si Jei jei. Ikaw ba anong nagawa mo para sa anak niyo?"

What on earth?!

"What?! Bakit di niyo sinabi sakin, dad?"

"At pag sinabi namin sayo? Kung ano ano na namang desisyon ang gagawin mo. At hinding hindi kami papayag na ilayo mo na naman si Jei jei kay Jema. Mag isip ka nga, Deanna."

Napahilamos na lang ako sa mukha ko.

Parang ako pa lumalabas na mali dito ah?!

"Wala ka na bang balak ayusin ang pamilya mo, Deanna?"

Imbes na sagutin si dad, dire-diretso kong inubos yung dalawang bote ng beer..

"Ano? May sagot ka na ba, Deanna? Hindi tayo aalis dito ng di ka nakakapagisip ng maayos."

"Hindi na kami magiging okay ni Jema. Hindi na niya ko matatanggap sa lahat ng nagawa ko sa kanya. Hindi niya deserve ang walang kwentang taong katulad ko, dad. Sasaktan ko lang ulit siya pag nagkataon. At ayoko ng mangyari yun."

"Kaya ba mas pinili mo na lang na humanap ng iba kaysa ayusin ang sa inyo ng asawa mo?"

"Hindi sa ganon, dad.. Ilang beses na ba naming pinilit ayusin yung samin ni Jema? Lagi na lang may dadating na problema, pipilitin kong ayusin tapos ang kapalit masasaktan ko si Jema. Ang dami na niyang tiniis para sakin, ayoko ng dagdagan pa yun. Aminado ako, dad nagkamali ako sa ginawa kong ilayo si Jei jei sa kanya. Nagkamali talaga ako. Pero nagawa ko na eh, hindi ko na alam paano pa lalapit sa kanya at hihingi ng sorry. Kasi alam ko ubos na ubos na siya."

Natatakot na kong saktan si Jema. Wala na kong ginawa kundi saktan siya. Tama na tong pagpipilit naming magsama, tama na yung pagpipilit namin sa relasyon namin. Lalo lang naming nasasaktan ang isa't isa.

Sometimes the only option left is to give up. Para hindi na kami masaktan, para hindi ko na siya masaktan.

"Yan na ba ang desisyon mo, Deanna? Sigurado ka na ba dyan?"

"Yes, dad.. Ayoko namang lumaki si Jei jei na away bati kami ni Jema. Iba talaga si Jema magmahal, kahit ilayo sa kanya gagawa at gagawa siya ng paraan. Ibabalik ko na si Jei jei sa kanya. Siya ang mas kailangan ng anak ko, mas maaalagaan niya si Jei jei. Ano ba namang alam ko sa pag aalaga kay Jei jei. Lagi naman akong wala sa tabi ng anak ko."

"Akala ko aabot pa tayo sa kailangan kitang suntukin ulit, Deanna para makapag isip at makapag desisyon ka ng maayos. Pero nalulungkot lang ako na kailangang magkaganito kayo ni Jema. Akala ko, Deanna hindi mo siya bibitawan kahit kailan. Nakita ko kasi kung paano mo siya mahalin eh. Pero may hangganan pala lahat."

May hangganan naman talaga lahat. Hanggang dito na lang ang kaya kong ilaban.

"I have to give up, dad.. Para hindi ko na masaktan si Jema. That is still called love, dad. Imagine, sa dami ng pinagdaanan namin, dito lang pala matatapos lahat."

Napabuga na lang ako ng hangin sa bibig.. Tumingin na lang ako sa itaas, sa langit, sa mga bituin..

"How I wish, hindi ko na lang siya nabangga non sa UST, hindi ko na lang sana pinulot yung mga nabasag niyang gamit, hindi na lang sana ako nasagutan non.. Siguro, ang saya saya na ng buhay ni Jema ngayon. Hindi na siguro niya pinagdaanan lahat ng sakit na to. Siguro, may masaya at buong pamilya na siya ngayon, may mapagmahal na asawa na siguro ngayon si Jema, hindi naman siya mahirap mahalin. Maraming magmamahal sa kanya ng sobra pa sa binigay kong pagmamahal sa kanya. Pero lahat ng magagandang bagay na yun ninakaw ko sa kanya. Kasalanan ko lahat ng to, dad. At tatanggapin ko kahit ano pang kapalit ng lahat ng to."

Dad tapped my back..

Parang sasabog ang dibdib ko sa sobrang sakit. Yung magandang buhay na dapat meron si Jema ngayon, pinagkait ko lahat sa kanya yun.

"Kung anuman ang desisyon mo anak. Nandito lang kami ng mommy mo at ate Cyrielle mo para suportahan ka. Sige na at baka magising ang mommy mo na wala ako sa tabi niya. Baka hanapin ka din ni Ara."

Tumayo na kami ni dad.. Niyakap ako ni dad ng mahigpit..

"I know its a hard decision, Deanna.. But that is brave too.. Hindi lahat kayang aminin na nagkamali sila."

"Thank you, dad... Thank you.."

I went back upstairs.. Una kong madadaanan ang dati kong kwarto kung saan dun natutulog si Jema at Jei jei ngayon.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto..

Mahimbing na silang natutulog. Nakahiga sa dibdib ni Jema si Jei jei, nakayakap naman si Jema dito..

Dati sanay akong ito ang huli kong makikita bago matulog sa gabi at ito rin ang unang bubungad sakin sa umaga.

Kailangan ko ng masanay na hindi na ito mangyayari ulit.

Locked AwayWhere stories live. Discover now