27

4.1K 178 36
                                    

J

Anong oras na, wala pa din si Deanna. Sabi niya mag memessage siya pero pagkatapos niya magpaalam kanina na lalabas sila wala na akong natanggap na kahit anong update sa kanya.

Buti na lang di tinopak tong anak niya, madali lang nakatulog.

Nasaan na ba yun? Nag aalala na ko, madaling araw na wala pa din siya. Sinubukan kong tawagan siya kanina pero ring lang ng ring ang phone niya. Masyado naman atang nag enjoy yun at nakalimutan na kami ng anak niya.

Bumangon na ako sa kama, di naman ako makakatulog kahit anong ikot pa ang gawin ko. Tinignan ko muna si baby, mahimbing pa tong natutulog.

Lumabas ako sa kwarto.. Umupo ako sa sofa, dito ko na lang hihintayin si Deanna, para marinig ko agad ang pagdating niya.
.
.
.
.
Isang oras na ata akong naghihintay pero wala pa ding Deanna na dumadating..

Nagsisimula na akong maparanoid.. Di naman ganito si Deanna eh. Nagpapaalam yun ng maayos at nagsasabi kung nasaan na siya, pero ngayon wala man lang ni isang text.

Sinubukan ko ulit siyang tawagan... Pero wala na, hindi na nag riring, patay na ang phone niya.

Lalo akong nag alala.. Baka ano ng nangyari sa kanya.. Pero ayokong mag panic.. Ang alam ko si Kim ang kasama niya.

So, I dialed Kim's number and she answered my call right away..

"Hello, Jema.." sagot niya sa kabilang linya.

"Hi, Kim. Sorry, naistorbo ata kita. Pero kasi kanina ko pa tinatawagan si Deanna, ngayon patay na yung phone niya, nag aalala ako. Magkasama pa ba kayo?"

"Ah, Jema, kanina pa kami umuwi mga 2 hours ago.. Dito lang din naman kami sa BGC nagpunta na bar eh. Sa The Palace lang."

2 hours ago? Dito lang pala sila nagpunta eh. Dapat kanina pa nandito si Deanna.. Bakit wala pa din siya hanggang ngayon?

"Sige, Kim.. Salamat. Pasensya na sa istorbo."

"Jema, you need help?"

"Ah, no.. Ako ng bahala. Baka padating na yun."

"Update me, Jema ah.. Bigla akong nag alala, di pa pala nakakauwi si Deanna."

"Sure, Kim. Sige, pahinga ka na. Salamat."

"Okay, Jema.. Bye.."

Dali dali akong pumasok sa kwarto namin, nagpalit ako.. Hahanapin ko muna si Deanna. Baka kung ano ng nangyari dun.

Kaso pano ba to? Di ko naman pwedeng iwan si baby dito mag isa.. Ayoko naman gisingin, magwawala to for sure..

Nasa gitna ako ng pag iisip ko kung anong gagawin ko ng marinig kong may nag doorbell.

Baka si Deanna na to.. Dali dali akong pumunta sa pinto at sumilip sa peephole, para sigurado mamaya kung sinong masamang tao pala to.

Pag silip ko nakita ko yung isang ladyguard namin dito sa condo, yung guard sa parking..

Pagbukas ko ng pinto.. Nakita kong hawak hawak niya si Deanna, unconscious to..

"Ma'am Jema, pasensya na po sa istorbo pero..."

"Anong nangyari, ate? Saan mo nakita si Deanna? Halika, ate, ipasok natin siya sa loob.."

Hinawakan ko na din sa kabilang side si Deanna. Wala siyang kamalay malay, inihiga namin siya sa sofa.

"Nakita ko po siya dun sa parking, ma'am. Sa labas ng kotse niya, nakahiga po sa lapag, wala pong malay. Lasing po ata si ma'am Deanna eh.."

"Sige, salamat, ate ah. Buti na lang nakita niyo po siya, kanina pa po ako nag aalala eh."

Locked AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon