35

4.5K 174 21
                                    

D

Nagising ako na wala na si Jema sa tabi ko.. Wala na din ang anak ko sa crib niya.

Sasabihin ko naman talaga kay Jema dapat lahat, kaso hindi ko alam sa sobrang pagod ko kahapon, antok na antok pa ko, hindi na gumagana ng maayos ang utak ko kagabi.

Nauwi lang sa pagtatalo yung pag uusap namin ni Jema. Alam kong masama ang loob niya sakin ngayon. Gusto kong ipaliwanag lahat ng maayos sa kanya yung problema, pagod na pagod lang ako kagabi. Ang sakit sakit na din ng ulo ko non.

Naririnig ko mula dito sa kwarto ang anak kong umiiyak, naririnig ko din na parang nagluluto si Jema sa labas, bukas kasi ang pinto ng kwarto.

Bumangon na ko at lumabas ng kwarto.. Nagluluto nga si Jema.. Nakatalikod siya sa akin kaya di niya pansin na nandito na ko..

Sige pa din sa iyak ang anak namin...

"Jei jei, wait lang, anak... Nagluluto pa si mommy.." kausap ni Jema sa anak namin habang nagmamadali sa pagluluto.

Pero tong si Jei jei sige pa din sa iyak... Napansin kong namumula ang mukha at leeg ng anak namin. Nilapitan ko na ito at kinarga..

"Stop crying na, Jei jei.. Di ba sabi ko good boy ka lang lagi.." unti unti tumahan sa pag iyak si Jei jei..

Pinunasan ko ang mukha niya at chineck yung pamumula ng mukha at leeg niya..

Napalingon saglit si Jema sa akin at pinagpatuloy ang pagluluto niya..

"Gising ka na pala.. Saglit na lang tong niluluto ko. Shower ka na muna para di ka ma-late sa trabaho.."

"Is this normal, Jema? Pulang pula yung mukha at leeg ni Jei jei.. Parang irritated, di naman rashes eh.."

Karga ko pa din ang anak namin at busy na ito sa laruang hawak niya..

"Magpapaalam pala ako, dadalhin ko nga pala sa doctor si Jei jei mamaya.. Para malaman ko kung saan talaga siya allergic. Nagkakaganyan kasi siya pag mainit o pag pawis siya eh.." paliwanag ni Jema.

Tapos na ata siyang magluto. Pinatay na niya yung stove at isa isang hinanda sa countertop yung mga niluto niya.

"Sige, sasamahan ko na kayo.."

"Ako na lang, Deanna, kaya ko naman. Kailangan ka dun sa trabaho mo."

Dinala na ni Jema sa mesa yung mga pagkain.. Inupo ko na sa high chair si Jei jei. Nilagay naman ni Jema sa harap ni Jei jei ang baby bottle niya na may gatas.

Haaay.. Ayoko ng ganitong pakiramdam. Ayoko ng ganito sakin si Jema. Ang lamig ng pakikitungo niya sakin. Kasalanan ko to eh..

Umupo na ko sa harap ni Jema.. Nasa gilid niya ang anak namin.

"Pwede naman akong umabsent, Jema.. Sasamahan ko na kayo sa doctor."

"Sige, ikaw bahala.. Kumain na tayo."

Naninibago tuloy ako.. Dati kung ano ano pang itatanong ni Jema pag sasabihin kong di ako papasok eh. Ngayon, wala, sumang-ayon lang agad siya.

Tahimik lang kaming kumain. Walang nagsasalita..

Pagtapos namin kumain, pinauna na ko ni Jema maligo..  Siya na daw mag aayos ng pinagkainan namin at papaliguan muna niya si Jei jei sa bathroom sa labas ng kwarto namin.

Umoo na lang ako, ayokong mag away na naman kami. Anak na muna namin ang iintindihin namin ngayon.

Pag labas ko ng bathroom, inaayos na ni Jema yung susuotin ko.. Nakaayos na din si Jei jei, naglalaro na lang siya sa crib.

Locked AwayHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin