31

3.6K 137 35
                                    

J

Anong oras na wala pa din si Deanna.. Kanina pa ko tawag ng tawag sa kanya, ni di man lang sumagot sa mga tawag ko.

Alam ng may sakit pa siya nagpagabi na naman o di man lang magtext kung nasaan na siya. Yung result niya kanina okay naman.. May trangkaso lang talaga siya, overfatigue.. Tapos eto di pa nga siya magaling nag bababad na naman siya sa trabaho.

Narinig kong bumukas ang pinto.. Dali dali akong lumabas ng kwarto..

Dumating na si Deanna..

Saan ba galing to? Mukhang nakainom pa ata to..

Di ko siya nilapitan, nakatayo lang ako dito sa labas ng pinto ng kwarto namin at tinitignan siya..

Lumakad siya palapit sakin.. Okay, nakainom nga siya. Halata naman sa lakad niya..

"Hi, wife.. I'm sorry, na-late ako ng uwi." humalik siya sa pisngi ko at umupo sa couch.

"Anong oras na, Deanna ah.. Tinatawagan kita kanina di ka sumasagot."

"I'm sorry, wife.. Ang dami naming ginawa sa site eh.."

"Anong ginawa niyo? Nag inuman?"

Dinig kong bumuntong hininga siya..

Nakatayo pa din ako dito sa pinto, nasa likod niya ko..

"Jema, please... Pagod ako, bukas mo na lang ako sermunan."

Aba, siya pa may gana magsabi ng pagod siya.. Di lang siya ang pagod dito. Naiinis na talaga ako.

"Deanna, di lang ikaw pagod dito.. Maghapon kaming naghihintay ng anak mo sayo dito sa bahay, basta mo na nga lang kami iniwan kanina sa ospital."

Tumayo na siya at humarap sakin..

"Jema, di ba sabi ko pagod ako? Anong hindi mo maintindihan don? Pwede ba bukas ka na magdrama sakin."

I'm done! Ubos na ang pasensya ko.. Hirap na hirap ako dito sa bahay tapos siya pa inom inom lang at lasing na uuwi lagi dito sa bahay..

Aba! Ang sarap naman ng buhay nitong si Deanna!

"Sa tingin mo, Deanna nagpapakasarap lang ako dito sa bahay, ha?!"

"Pwede ba, Jema, tama na.. Magigising si baby sa ginagawa mo eh.." naglakad na siya papasok ng kwarto namin.

Sinundan ko siya.. Ayoko sa lahat yung tinatalikuran ako..

"Deanna, di pa ko tapos sayo. Saan ka galinga ha?!"

"Di mo ba narinig? Madami akong ginawa sa site.. Galing ako sa trabaho, Jema."

"Nang ganitong oras? Trabaho? Tapos lasing ka pang uuwi? Aba, anong klaseng trabaho na yan, Deanna?!"

"Jema, ano bang problema mo? Bat nagkakaganyan ka?"

"Nag aalala ako sayo! May sakit ka, tawag ako ng tawag di ka sumasagot, madaling araw na, uuwi ka lasing pa! Anong gusto mong maging reaksyon ko? Matuwa?!"

"Enough, Jema! Wala akong ginagawang masama.. So, please, tumigil ka na.. Nagtatrabaho ako para suportahan kayo ng anak natin.."

"I'm going back to work, Deanna.."

"What?! No, Jema! Di ba nag usap na tayo.. No, Jema! Tapos!"

Yun lang at pumasok na siya ng bathroom..

Shit! Pagod na pagod na ko! Wala na kong ginawa kundi gumising sa umaga, asikasuhin siya at ang anak namin at maghapon lang maghihintay sa kanyang umuwi..

Araw araw ganon lang ang ginagawa ko.. Ayoko na ng ganito. Akala naman ni Deanna masaya tong ginagawa ko, masaya akong mag alaga ng anak namin pero yung ganito na nasa bahay lang ako maghapon, di ganito ang nakasanayan ko..

Di ako nag aral ng mahigit sampung taon para lang mabulok sa apat na sulok ng bahay na to, maghihintay lang sa kung ano ang ibibigay sakin ni Deanna.

Ubos na din ang savings ko.. Kalahati ng ipon ko binigay ko kay Deanna para sa pagpapagawa ng bahay namin, yung kalahati di ko naman pwede galawin, emergency fund namin yun para kay baby..

Ayoko na makipag away kay Deanna, alam kong hindi naman ako mananalo sa kanya, isa pa, baka magising si baby..

Humiga na lang ako.. Ayoko na mag isip, pagod na pagod na ko..

Naramdaman ko na lang na may yumakap sa likod ko..

"Jema... Wife, I'm sorry.. Ang dami lang problema sa trabaho kanina.." ayokong humarap sa kanya, pinapakalma ko pa ang sarili ko.

"Sige na, matulog na tayo.. Maaga ka pa bukas."

"Galit ka ba, Jema?" lalo siyang yumakap sakin mula sa likod.

"Sorry talaga, Jema.. Alam kong nahihirapan ka na dito. Please, konting tiis pa para sa anak natin. Di ko naman kayo papabayaan eh. Kung may kailangan ka, sabihin mo sakin, ibibigay ko naman.. Please, wag tayong mag away kahit para kay baby.." dagdag pa niya.

Haaaay.. Ramdam ko namang sincere siya sa sinasabi niya. Di ko lang talaga mapigilang mainis kanina sa ginawa niya eh, uuwi ba naman lasing, wala man lang pasabi.

Humarap na ko sa kanya..

"Please, Deanna.. Magsabi ka naman kung nasaan ka, ilang beses ko na sinasabi sayo to eh, wag ka naman umuwi ng lasing, magtira ka naman para samin ng anak mo. Nag aalala ako, Deanna.. Please naman, umuwi ka naman ng maayos para samin.."

"I will, Jema.. Pasensya ka na. Dumating kasi kanina sila Trish at Kat sa site. Nagkayayaan lang.. Sorry talaga, baby.. Please, wag ka na magalit oh.."

"Okay, forgiven.. Pag iinom kayo dito kayo sa condo, okay? Please, Deanna.." pakiusap ko sa kanya.

Di ko naman na ata maaalis sa kanila yang inom inom na yan, ako na lang ang gagawa ng paraan para di na sila sa labas mag iinom pa..

"Opo, baby.. Dito na lang sa bahay.."

"Aasahan ko yan, Deanna ah.. Sige na matulog na tayo.."  yumakap na ko sa kanya at ipinikit ang mga mata ko.

Niyakap din niya ako at nilaro laro niya ang buhok ko..

"Please, don't get tired, Jema.." dinig kong sabi niya.

"Napapagod man ako pero hindi naman ako mag gigive up sa pamilya natin, Deanna."

"I'm not perfect, Jema.. Pero ginagawa ko naman lahat para sa inyo.."

"You're not perfect but you're more than enough, Deanna. Alam kong mahal na mahal mo kami ng anak mo."

"Sobra, Jema.. Sobra.."

Hindi na ako sumagot, lalo ko lang siyang niyakap..

Pakiramdam ko parang may mabigat na dinadala si Deanna. Wala siyang sinasabi pero kilala ko siya, alam ko pag may problema siya o pag may gumugulo sa isip niya.

Alam kong hindi siya okay.. Ayokong magtanong, kilala ko si Deanna, magsasabi naman siya pag handa na siya.

Kaya namin to.. Kakayanin namin..

----------

🙋

Any thoughts?

Locked AwayWhere stories live. Discover now