43

3.4K 131 18
                                    

J

"Ate, uwi muna ako bukas sa condo ah?"

"Bukas? Weekend ah.."

"Eh may need akong kunin sa condo eh. Pinapareport ako sa office bukas.."

"Bakit ngayon mo lang sinabi, Mafe.. May duty ako bukas eh. Walang magbabantay kay Jei jei.."

"Hala, ate, sorry.. Sabi mo kasi nung nakaraan uuwi this weekend si ate Deanna eh.."

Oo nga pala sinabi ko pala kay Mafe yun. Nagpapaalam naman agad to si Mafe pag may out of town o pag di muna uuwi dito samin.

"Di na naman ba tuloy pag uwi ni ate Deanna dito, ate Jema?"

"Nagsabi siya kahapon lang na di nga siya makakauwi. Kaya di ko agad nasabi sayo."

"Ano ba naman yan si ate Deanna.. Nung umpisa lang magaling eh."

"Mafe..."

"Bakit, ate? Totoo naman sinabi ko ah?"

"Asawa ko siya at anak niya ang pamangkin mo.."

"Anak? Naaalala pa kaya ni ate Deanna na may naiwan siyang anak dito?"

"Mafe, tama na yan. Sige na, ako ng bahala. Tatawagan ko na lang si mama baka pwede siyang lumuwas ngayon."

"Pano mo natatagalan yung ganito, ate? Kailan ba huling umuwi si ate Deanna dito? 5 months ago? Pagkatapos non wala na. Bihirang bihira ka nga niya tawagan."

"Please, Mafe.. Tama na. Nagtatrabaho siya para samin. Naiintindihan ko si Deanna."

"Pwes ako hindi ko siya naiintindihan. Paano niya natitiis na di kayo makausap man lang o makamusta? Tatawag lang siya pag gusto niya."

"Madami nga siyang ginagawa dun. Busy siya."

"Fuck, ate! Ano bang nangyayari sayo?"

"May tiwala ako kay Deanna. Yun lang yun, Mafe. Saka nangako siyang babalikan niya kami."

"Gaano ka kasigurado na walang ginagawang kagaguhan si ate Deanna don? The last time I checked, pag magkahiwalay kayo o magkalayo lagi siyang nasa tabi ng ibang babae. Baka nakakalimutan mo yan, ate Jema."

"Noon yun, Mafe.. May tiwala ako sa kanya."

"Hay, ewan ko sayo, ate.. Masisiraan ako sayo. Wag na wag lang susubukan ni ate Deanna. Ako talaga sasapak sa kanya."

"Sige na.. Dyan ka na muna. Magluluto lang ako ng hapunan natin.."

Iniwan ko na si Mafe sa sala.. Chineck ko muna si Jei jei sa kwarto namin bago pumunta sa kusina para mag luto.

Naiintindihan ko naman ang kapatid ko. Pitong buwan na si Deanna sa Bacolod. Nung unang dalawang buwan umuuwi uwi nga siya dito at laging tumatawag pa.

Pero pagkatapos non, hindi na siya nakauwi hanggang ngayon. Dumalang na din ng dumalang yung pag tawag niya sakin hanggang sa may mga araw na wala talaga.

Sabi ni Deanna sobrang demanding talaga ng trabaho na binigay sa kanya. Di rin niya akalain na yung team na binigay sa kanya ganon kahirap katrabaho.

Gustuhin man nyang umuwi na lang daw at wag ng tapusin ang kontrata wala na siyang magawa. Makakasuhan sila pag ganon ang ginawa niya.

Kaya iniintindi ko talaga siya. Ano pa bang magagawa ko?

Awayin siya? Magalit?

Parang walang sense kasi kung aawayin ko siya, kung magagalit ako sa kanya. Bago siya umalis, pinagusapan naman talaga namin to at nangako ako na iintindihin ko siya at pagkakatiwalaan.

Saka konti na lang, natiis na nga namin tong pitong buwan eh. Another 7 months won't hurt. Kaya namin to, kakayanin..
.
.
.
.
Pagkatapos ko magluto at maghain, pinuntahan ko na si Mafe sa sala.. Pero wala siya dun. Nasa may labas siya ng front door. May kausap sa phone.

"Wow, sir! Thank you po.."

...

"Okay po, 9am tomorrow. Bye, sir."

"Dinner na tayo, Mafe.."

"Tinawagan ko na pala si mama.. Luwas daw siya bukas ng maaga.."

"Thank you. Tara, kain na tayo."

Naglakad na kami sa dining area.. Umupo agad si Mafe at nagsalin ng kanin. Sa harap niya ako umupo.

"Where's Jei jei? Di pa ba gising, ate?"

"Kung gising yun for sure, ang ingay na naman sa kakaiyak.."

"Anyway, ate.. Baka di na pala ako makapag stay dito.. Kaya sinabihan ko na din si mama."

"Ha? Bakit?"

"May binigay saking bagong project eh."

"Pano yung project mo ngayon?"

"Tapos na yun, punchlist na lang."

"Saan naman yang bagong project mo? Naku mamimiss ka ni Jei jei. Mahihirapan na naman ako sa pagpapatahan dun. Nasanay na sayo yun."

"Kayang kaya ni mama yan hehe.."

"Saan nga yung bagong project mo bat parang mukhang ang layo ah.."

"Bacolod, ate! Surprise! Hahaha.."

"Wag mo ko pagtripan, Mafe. Saan nga?"

"Bacolod nga, ate.. Di kita pinagtitripan.."

"At saan naman don, ha? Baka magtatanan ka lang.. Sinasabi mo lang na project.."

"Ewan ko sayo, ate.. Gusto mo talaga malaman kung saan?"

"Oo.. Gusto kong malaman kung saan."

"Well, nakuha lang naman namin yung villa project dun sa ginagawang resort nila ate Deanna! Haha what can you say, ate? Ang galing ba ng kapatid moooo?"

What? Seryoso ba?

"Wow! Mafs! Congrats.. Ang galing mo!"

"Wag mo sasabihin kay ate Deanna ah.."

"At bakit? Ayaw mo non para masundo ka niya sa airport pagdating mo dun."

"Matawagan ka nga di niya magawa, susunduin pa ko sa airport. Basta wag mo sasabihin, okay?"

"Fine.. Sige na, tapusin mo na yang pagkain mo.. Tapos na ko, check ko muna si Jei jei."

"Okay, ate.. Ako na magliligpit dito."

Tumayo na ako at pumunta sa anak ko..

Tulog na tulog pa din to. Naku, pag gising nito sigurado gutom na gutom to.

"Hello, baby Jei jei.. Miss mo na si dada? Wanna see your dada?" kausap ko sa anak ko na tulog na tulog sa kama.

"Namimiss ko na din siya anak. Sobra.. Konting tiis na lang.. Magkakasama sama na ulit tayo."

Kahit ang tagal na ni Deanna na wala sa tabi ni Jei jei, hinahanap hanap pa rin siya nito. Lalo sa umaga pag gising, hahanapin agad niya si Deanna.

Narinig kong nag ring ang phone ko na nakapatong sa couch malapit sa kama.

Agad akong tumayo at kinuha to..

Deanna's calling...

Locked AwayWhere stories live. Discover now