3

4.6K 154 56
                                    

D

"Jema, nakita mo ba yung lalagyan ko ng blueprint?" tanong ko kay Jema pag labas ng kwarto namin.

Nasa kitchen siya nagluluto.. Napalingon siya sakin.

"Nilagay ko sa cabinet. Nakakalat lang sa floor eh."

"Hindi nakakalat yun ah, nakapatong yun ng maayos sa table ko."

"Eh sa nakita kong nakakalat lahat sa sahig eh. Nasa cabinet lang naman tignan mo na lang dun.."

Bumalik ako sa kwarto namin at chineck ang cabinet namin.

Nandun nga yung mga canister ko, pero wala dun yung hinahanap ko.

Lumabas ulit ako ng kwarto.

"Baby, wala dun yung isang canister ko. I need it now, baby."

"Dun ko lang lahat nilagay, baby.. Hanapin mo na lang.."

"Jema naman eh... Bat mo kasi pinakialaman yun eh."

"Deanna, inayos ko nga. Ang kalat mo kasi. Kung wala dun baka naiwan mo sa office mo."

"Dala ko yun.. Nakakainis naman eh.. May ichecheck ako dun eh.."

Pinatay na niya yung stove at hinubad ang apron na suot niya.

"Pag ako nakita ko yun, wag kang kakain ah.. Anong kulay ba yung hinahanap mo?"

"Eh di wag kumain.. Blue yung kulay."

Nilagpasan na niya ko at pumasok sa kwarto namin.

Umupo muna ako sa bed habang hinahanap niya ang canister ko.

"Eto ba, Deanna?" lumapit siya sakin at pinakita ang hawak niya.

"San mo tinago yan?"

"Hello, mata ang ginagamit pang hanap, Deanna.." binaba na niya sa kama yung canister ko at saka naglakad palabas ng kwarto.

Sumunod na ako sa kanya.

Dumiretso siya ng kitchen at ako naman kinuha ang susi ng kotse sa center table sa living room.

"San ka pupunta? Magla-lunch na tayo. Maghahain lang ako." tanong niya sakin, palabas na sana ako ng unit.

"Sabi mo wag akong kakain, eh di sa labas na lang ako kakain."

"Arte mo, Deanna. Umupo ka na dito."

"Gulo mo, Jema." bumalik na ako at umupo sa dining area.

"Ano gusto mo, water o juice?" tanong niya habang kumukuha ng plato.

"Kahit ano.."

"Walang kahit ano dito, sagutin mo yung tanong ko ng maayos."

"Orange juice na lang.."

"Okay.."

Pagkatapos maghain ni Jema, umupo siya sa harap ko at sabay kaming kumain.

"Baby, its your turn sa laundry natin ah?"

Napatigil ako sa pagkain..

"Pwede ikaw muna ulit, baby? May irerevise lang ako sa plano eh."

"Weekend na nga trabaho pa din, Deanna? Buong buwan na ako sa laundry ah? Di ba usapan natin salitan tayo?"

"Eh sa may irerevise nga ako.. Need ko na to matapos agad. Sa Monday na to eh."

"Ikaw na lang mag grocery mamaya, ako sa laundry."

"Jema, di mo ba ko narinig? May tatapusin nga akong trabaho.."

"Puro na lang trabaho. Nag tanggal nga ako ng oras sa hospital para weekend nandito ako eh. Tapos ikaw naman ang busy. Kala ko ba magtutulungan tayo?"

"Oh sige, ikaw mag revise ng plano ko, ako sa laundry at grocery. Ayusin mo yung plano ko ah.."

"Di nakakatuwa yang sagot mo.."

"Ang labo mo kasi kausap. Paulit ulit na nga ako na may tatapusin akong trabaho kung ano ano pang pinapagawa mo sakin."

"Ang linaw kasi ng usapan natin eh. Hati tayo sa gawain dito sa bahay. Pero isang buwan na tayong magkasama dito, ni laundry o grocery wala kang nagawa man lang."

"Sinusumbat mo sakin yan? Bat ba ko nagtatrabaho? Di ba para sa atin naman? Eto na nga ba sinasabi ko eh, kung kina mommy tayo tumira muna, di mo poproblemahin yang laundry, may naglalaba naman dun. Yung grocery si mommy naman gumagawa non."

Hindi sumagot si Jema.. Tumayo lang siya at umalis. Pumasok siya sa kwarto. Di na niya tinapos ang pagkain niya.

Anong problema nito ni Jema? Simpleng bagay pinapalaki..

Locked AwayWhere stories live. Discover now