34

3.8K 150 41
                                    

D

Bago ako umuwi dumaan muna ako sa supermarket. Gusto ko munang mamili para may maiuwi naman ako sa bahay.

Pagkatapos ko mamili, imbes na umuwi, naisipan kong dumaan muna sa isang coffee shop. Hindi ko alam pero parang ayoko muna umuwi.

Gusto ko munang magpahinga ng ako lang at kalimutan lahat ng gumugulo sa isip ko, lahat ng problema ko.

Na-turn over na din sakin yung pinagawa kong bahay namin. Kukunin ko na lang yung master key sa agent. Hindi ko pa to nasasabi kay Jema kasi di ko naman alam kung makakalipat ba kami agad dun. Wala pa kasi talagang gamit yung bahay.

"Excuse me?" napaangat ako ng ulo.. May babae sa harap ko.. Makikishare siguro ng table to.

"Yes?"

"Is this seat taken?"

"No, you can take the seat."

"Thank you.." umupo na siya sa harap ko at binuksan ang laptop niya.

Kinuha ko na lang ang phone ko. Pagka open ko, ang dami ng message at missed calls galing kay Jema.

Anong oras na ba? Napatingin tuloy ako sa relo ko.

Fookt! Napatagal ba ko dito o natagalan akong mamili kanina? Bat parang ang bilis naman ng oras? Past 8pm na agad..

Nag aalala na si Jema, aga ko nagtext na pauwi na ko pero di ko nasabi na dadaan ako ng mall para mamili.

Minessage ko na lang ulit si Jema para sabihin na namili muna ako bago umuwi.

Inaayos ko na ang bag ko ng marinig kong tumunog yung phone ng babae sa harap ko..

"Hello.. Uy, Jam, busy ka ba? May kailangan lang akong sagutan, engineering questions kasi.."

...

"Ay, ganon ba.. Sige, sige.. Tawag na lang ako sa iba. Salamat."

Binaba na niya ang phone niya at ibinalik ang atensyon sa laptop niya. Parang problemado pa to ah..

"Hay, pano ko ba to sasagutan? Wala naman akong alam sa structural design..." bulong niya sa sarili, pero dahil halos magkalapit lang kami, narinig ko pa din.

Hmmmm...

"Miss, you need help?"

Napatingin siya sakin..

"I'm sorry, I heard you kasi, do you need help ba sa structural design?"

Kumunot ang noo niya at tumitig sakin..

"Sorry, ang ingay ko pala.. But, yes, need ko ng help dun.."

"I can help you, if you want.." offer ko sa kanya.

"Engineer ka?"

"Yes.."

"Hmm.. Okay lang ba? Engineering questions kasi, about  structural design. Konti lang naman. Inquiry ng client namin na need ko ma-email yung sagot bukas."

"Okay lang. Sige, ano ba yung mga tanong?"

Umurong siya sa tabi ko at iniharap na din sakin yung laptop niya.

Isa isa niyang binasa yung mga tanong at sinasagot ko naman to.. Madali lang naman yung mga tanong. May medyo mahaba lang yung last question kaya medyo natagalan kami dun.

Nagpakilala din siya sakin. Her name is Jen Arcilla, she's an architect pala..

"Uy, thanks, Deanna.. I owe you alot.. What do you want? I'll treat you, nag dinner ka na ba?" tanong niya sakin habang nilalagay sa bag yung laptop niya.

Locked AwayWhere stories live. Discover now