9

4.6K 153 33
                                    

D

Di ko na nakita si Mich sa site namin after ng encounter nila ni Jema. Si Sam na lang lagi yung pumupunta. At base kay Sam, nasa Manila si Mich. Hindi ko lang alam kung nandun pa din siya, ang tagal ko na kasing di siya nakikitang kasama ni Sam.

Mas okay nga yun.. Wala ng mangungulit sakin. Sana naman natauhan na siya sa mga nangyari.

Kami naman ni Jema, maayos naman ang pagsasama namin, di na kami nag aaway. Para kaming biglang nasa honeymoon stage..

Sabagay, wala naman kaming matinong honeymoon ni Jema after ng kasal namin. Bumalik agad kasi kami sa work namin non.

Parang araw araw naming namimiss ang isa't isa.. Maaga akong umuuwi pag di naman kailangan mag overtime sa trabaho. Ganon din si Jema.. Madalas naaabutan ko na siyang nasa condo. Nakapagluto na siya ng hapunan namin.

Nagkasundo na din kami ni Jema sa gawaing bahay.. Mabilis ko namang natutunan lahat eh.

Lahat gagawin ko para kay Jema..

Yung project ko dito sa Cebu.. Well, nasa katotohanan naman na. Nagdagdag ako ng workers para mapabilis kami at mameet namin yung target completion date namin.

"Baby, daan muna tayo sa mall. Bibili lang ako ng cake and bread para kina mommy, please."

We're on our way to my parents' house..

"Order mo na online, baby.. Para dadaanan na lang natin sa labas ng mall."

"Okay, baby.."

Busy na ulit si Jema sa phone niya..

"Baby, how's the progress of your project na?" tanong ni Jema habang nasa phone pa din ang tingin.

"Maayos naman, baby.. On time na lahat ng gawa namin."

"Talaga, baby.. That's good news. Gaano pa katagal yun?"

"Malapit na, baby.. 3 to 4 months and we're done.. Makakabalik na tayo sa Manila, baby.."

"Wow! Konti na lang pala... Mapapaaga pala yung tapos niyo, baby?"

"Nagdagdag ako ng workers eh.. Para matapos na, baby.. Ayaw mo pa bang bumalik sa Manila?"

"Gustung gusto, baby.. Para makapag simula na talaga tayo. Saka namimiss ko na sila mama.."

"Malapit na, baby.. Konting hintay na lang.."

Miss na miss na talaga ni Jema sila mama.. Ang tagal na din kasi talaga namin dito sa Cebu..

Dumaan lang kami saglit sa mall para kunin yung inorder ni Jema tapos dumiretso na kami kina mommy..
.
.
.
.
.
"Deanna, anak.. Kamusta na yung project mo dito?" tanong ni dad.

Nandito na kami ngayon sa bahay.. Sa dining area, nagla-lunch..

"Okay naman dad.. In 3 to 4 months tapos na po kami."

"Ang bilis pala ah.. Parang kailan lang."

"Nagdagdag po ako ng workers dad.."

"Anong balak niyo after ng project mo dito, anak?" si mom naman ang nagtanong.

"Babalik na po kami ni Jema sa Manila.."

"Awwww, I thought, nagustuhan niyo na dito, Deans and Jem?" ate Cy..

"Dun naman kasi talaga, ate yung work ko at ni Jema.. Pansamantala lang yung stay namin dito."

"Iha, Jema.. Wala pa ba kayong balak mag anak ni Deanna?" owww, I didn't see it coming mom..

Locked AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon