10

4.4K 151 21
                                    

J

Ano bang nangyari dito kay Deanna? Bigla na lang nag aya umuwi.. Ang usapan hanggang hapon kami sa bahay ng parents niya.

Ang saya saya pa naman sana ng bonding namin ni mommy at ate Cy..

Nagtataka ako kasama lang namam niya si dad kanina. Ano bang pinag usapan nila? Bakit biglang nag iba yung mood nito ni Deanna?

Pati sa byahe namin pauwi di siya nagsasalita. Kung ano ano ng tinanong at sinabi ko sa kanya kanina puro 'mamaya na sa condo, Jema' ang sagot niya.

Pinipilit kong di mainis pero hanggang pagdating namin dito sa condo di siya nag sasalita.

Dumiretso pa siya sa living room at naglaro agad ng lintek na playstation niya hanggang hapunan.. Di na niya ko kinausap.

Naiinis ako pero kailangan kong kumalma. Ayokong mag away kami, lahat naman nadadaan sa maayos na usapan.

Nilapitan ko na siya..

Umupo ako sa tabi niya..

Seryoso siya sa nilalaro niya.. Salubong pa yung mga kilay niya.

Kala mo may kaaway siya eh..

Kung pwede lang mag reklamo yung hawak niyang controller, kanina pa siya nito sinigawan. Gigil na gigil kung makapindot eh..

"Deanna.." tawag ko sa kanya..

Parang di pa ata niya napansin na nasa tabi na niya ko.

"Deanna..." tawag ko ulit sa kanya.

Napalingon siya saglit sakin..

"Yes, baby?"

"May problema ba? Kawawa naman yang hawak mong controller." mahinahon lang ang pagsasalita ko.

"Wala, Jema."

"Kanina ka pa naglalaro dyan. Maghahapunan na tayo."

"Mauna ka na, Jema. Sige na.." di man lang niya ko tinitignan.

Nagsisimula na kong mainis.. Konti na lang talaga..

"Sabay na tayo. Sige na, mamaya ka na maglaro ulit."

"Mauna ka na, Jema. Di pa ko gutom."

"Kanina pa huling kain natin, di ka pa gutom?"

"Eh hindi pa ko nagugutom, Jema eh."

Ayaw mong makuha sa maayos na usapan, Deanna? Kanina pa ko nagpipigil ng inis ah..

"Ibababa mo yang hawak mo o iiwan kita dito, Deanna?!" medyo tumaas na ang boses ko.

Nakakainis na kasi talaga eh...

Napahinto na siya sa paglalaro. Binaba na niya yung hawak niya at tumingin sakin.

"Anong problema mo, Jema? Di mo kaya kumain mag isa?"

Bwiset! Yan talaga sasabihin niya sakin.

"Kanina pa tayo nakauwi dito. Simula pag alis natin kina mommy di mo na ko kinausap. May problema ka ba? Ano ba? Ayoko manghula. Mag sabi ka, asawa mo ko. May karapatan naman siguro akong malaman bat nagkakaganyan ka di ba, Deanna?"

Nakuha ko na ata ang atensyon ng asawa ko. Umusog pa siya ng upo palapit sakin.

"Jema, nagsisisi ka ba na iniwan mo yung posisyon mo dati at sinundan mo ko dito sa Cebu?"

Ha? Ang tagal na non ah? Bat tinatanong pa sakin ni Deanna to.

"Ano bang sinasabi mo, Deanna? Anong nagsisisi?"

Locked AwayWhere stories live. Discover now