Old Friend

3.9K 130 25
                                    

"Wong, stay for awhile. Kakausapin kita." pahabol ng prof nila sa algebra.

"Naku dude, iwan ka daw sabi ni ma'am."

"Bad trip naman! Bakit ako lang? Ikaw din kaya maingay kanina."

"Baka crush ka ni ma'am haha.. Sige na, sa labas ng room na kita aantayin, baka need niyo ng privacy ni ma'am hahaha."

"Gago ka talaga! Bakit ba hilig mo sa mga prof? Manyak mo."

"Chick pa din si ma'am oh kahit may edad na parang mama mo hahaha."

"Sira ulo ka! Lumabas ka na! Nag iinit dugo ko sayo."

"Sige dude. Sa labas lang ako ng room ah. Sabay tayo kumain."

"Oo na, labas na."

Lumapit na si Jei sa prof niya sa harap at kinausap to.

"Excuse me po, ma'am. Pasensya na po sa ingay namin kanina sa likod."

"Yeah, next time ha. Wag mag iingay during class."

"Opo, ma'am. Pwede na po ba akong lumabas?"

"Wait, are you somewhat related to Deanna Wong? Sorry, you remind me of my close friend before. Baka lang naman."

----------

J

As I dismiss my class, lumabas agad ako ng room. I need to talk to Jei jei just to clarify something. Pagdating ko sa labas ng room niya, nadismiss na ata sila. Pero nandito sa labas yung kasama niya kanina.

"Kaklase ka ni Jei di ba?" tanong ko pag lapit dito.

"Yes po, doc." sagot nito.

"Nakita mo ba siya? Di kasi nag rereply sakin."

"Doc, nasa loob pa po ng room. Pinaiwan ng prof namin."

"Ha? Bakit?"

"Ewan ko po doc eh. Baka kasi dahil maingay kami kanina sa likod. Pero siya lang po yung pinaiwan."

Sinasabi ko na nga ba eh nag uumpisa na naman yung kakulitan ng batang yun. Malalagot talaga sakin yun pag uwi.

"Inaantay mo ba siya?"

"Yes, doc. Sabay po kaming kakain."

"Una ka na. Kakausapin ko muna siya."

"Ay ganon po ba, doc. Sige po." umalis na yung kaklase ni Jei jei. Magkasama pa ata sa kalokohan yung dalawang yun.

The door opened.. Nagulat si Jei jei pagkakita sakin kasunod niya yung prof niya ata to.

"Mommy???"

"Sabay na tayo kumain. May pag uusapan tayo." teka, familiar yung prof niya. Nakatingin lang to sakin.

"Jema??? Ikaw na ba yan?" sabi nito. Kilala niya ko. Teka teka, inaalala ko kung sino siya...

"Hey, Jema! It's me..."

"Mommyyy, friend daw siya dati ni dada. Prof ko po siya." friend ni Deanna??? Tekaaaaa, sino dun? Kilala ko naman lahat ng friends ni Deanna.

"Naku, Jema.. You forgot me na.. I'm Adrielle, Adi in short, remember? The archer girl hahaha."

"Oh my god, Adi! Di kita nakilala! Hoy, ang tagal nating di nagkita. Anong balita sayo?!" shocks, naexcite naman ako! Di ko nakilala si Adi!

"Magkakilala kayo mommyyy?" takang tanong ni Jei jei. Naku, nakalimutan ko mag uusap pa pala kami nito.

"Yes anak. Friend siya ng dada mo non. Kaloka, Adi. Sasabihin ko kay Deanna nandito ka, matutuwa yun!"

"Jem, labas tayo please namiss ko kayong lahat."

"Bat naman kasi di ka na nagpakita ha?"

"Hay naku mahabang story kwento ko pag labas natin."

"Ang ganda mo gaga, parang di ka tumatanda ah. Share mo naman sikreto mo."

"Nagsalita ang di rin tumatanda. Ang ganda mo, Jema! Hoy, magkwento kayo! Nakakaloka, anak niyo ni Deanna to?"

"Hahaha oo, panganay namin. Ano bang nangyari at napaiwan mo?"

"Grabe, Jema kayo talaga nagkatuluyan! Medyo pilyo yung anak niyo Jema ah haha may pinagmanahan." medyo lumayo muna kami kay Jei jei.

"Naloloka nga ako sa bata na yan, kakausapin ko nga ngayon."

"Oh siya, sige na. May klase na ko. Nagtuturo ka din dito pala?"

"Bago lang, Adi. Uy, catch up tayo ha? Hingin mo kay Jei jei number ko."

"Sure, Jema. Sige una na ko." pag alis ni Adi tinawag ko na si Jei jei.

"Jei jei, let's go.."

"Myyy, sabay na ko sa mga kaklase ko kumain please."

"No. Ano na namang ginawa mo ha? Maingay ka daw sa klase?"

"Mommy, wala yun. Mahina lang naman yung tawanan namin eh. Sensitive lang yung prof namin, ganon talaga pag matanda na."

"Jei jei! Ang bad mo. Kaibigan namin yun ng dada mo. Humanda ka talaga pag uwi. 3pm out mo di ba?"

"Yes mommy.."

"Puntahan mo ko agad sa department pag out mo, nagtext dada mo. Lumabas sila ni Jerri, halfday lang pasok ng kapatid mo. Sunod daw tayo dun."

"Mommy, kayo na lang. Mag cocommute na lang ako pauwi. Magtatry out ako sa basketball mamaya eh."

"Hindi pwede. Di ka pumasok dito para magbasketball, Jei jei. Ayusin mo pag aaral mo. Pupuntahan natin sila dada mo mamaya, malinaw ba?"

"Yes po mommy."

Napaka pasaway na agad. Di nga nagpaalam na magtatry out sa basketball. Di pa nga siya pinapayagan gumagawa na agad ng desisyon.

Locked AwayWhere stories live. Discover now