Chapter 1

6.4K 82 5
                                    

"Hyaaaahhhhh" sigaw ng isang babae na may hawak na katana, naka suot ito ng dilaw na over all na katulad ng sinusuot ni Bruce Lee sa mga pelikula nito. Mabilis itong sumugod sa lalaking kaharap nya habang nakahanda na ang armas na kanyang tanggan.

Nag espadahan ang dalawa na may kasamang suntok at sipa. Nag ala Jacky Chan ang babae habang lumilipad lipad sa ere saka sinipa ang lalaki sa kanyang mukha na naging dahilan para ikatumba nito, kinuha ng babae ang pagkakataon na yun para itutok sa mukha ng lalaki ang katanang kanyang hawak habang nagliliyab ang kanyang mga mata.

"And cut" sigaw ng direktor mula sa di kalayuan, nagsipalakpakan ang mga staff at taong naroroon. Lumapit ang direktor sa babae at tinapik ito sa balikat.

"Good job Jisoo, ang galing mo talaga kaya hindi ako nag dalawang isip na ikaw ang kunin nyang ka-double" naka ngiting saad ng direktor sabay nguso sa kinaroroonan ng bidang babae na sa mga oras na yun ay nagpapa-make up sa kasama nitong make up artist habang maarteng nagcecellphone.

"Thank you po direk" masayang tugon ni Jisoo sabay yuko bilang pag galang pero kaagad din iyong naputol ng mag ring ang kanyang cellphone.

"Sandali lang po direk sasagutin ko lang po ito" magalang nyang pagpapaalam na tinanguan naman ng matandang direktor. Kaagad syang tumalima at naglakad papalayo.

"Hello Chaeng" bungad nya sa babaeng nasa kabilang linya.

"Umuwi ka muna Jisoo pinapalayas na tayo" ani ng babae bakas sa boses nito ang pagkabahala.

"Anoooo" sigaw ni Jisoo saka mabilis na pinatay ang tawag at walang pasabing tumakbo papalabas ng set, hindi na ito nag abalang lingunin pa ang mga taong tumatawag sa kanya. Ang tanging nasa isip lang nito ay kung paano na naman malulusutan ang matandang babae na sinanglaan nila ng guest house.

~

Sa isang maliit na entablado matatagpuan ang isang matangkad na babaeng may bangs at tumutugtog ng gitara habang naka upo sa mataas na upuan. Nakapikit itong kumakanta na tila dinadama ang bawat linya.

"Tomorrow mornin' if you wake up
And the sun does not appear
I...I will be here
If in the dark we lose sight of love
Hold my hand and have no fear"

"Hindi pa ba yan tapos kumanta kanina pa yang madaling araw nag ngangangawa dyan ah" bulong ng isang matanda sa katabi nito.

"Oo nga baka magising na nya ang patay" sagot naman ng isa.

Nagmulat ng kanyang mga mata ang babae saka tumingin sa kabaong na nasa kanyang harapan, may lima o anim na katao ang naroroon hindi para sya ay pakinggan ngunit upang bantayan ang bangkay na pinaglalamayan.

"Tomorrow mornin' if you wake up
And the future is unclear
I...I'll be here
Just as sure as seasons are made for change
Our lifetimes are made for years
I...I will b.."

Hindi nito natapos ang linya ng kanta nang biglang tumunog ang cellphone sa kanyang bulsa. Pansamantala nyang itinigil ang pagtugtog saka humingi ng paumanhin sa mga naroroon. Mabilis itong tumayo at lumayo para sagutin ang tawag.

"Hello" malumanay nyang sagot sa taong nasa kabilang linya.

"Lisa pinapalayas na tayo"

"Anooo" malakas nyang sigaw ang kaninang malumanay nyang tinig ay napalitan ng pangamba at galit.

"Sige uuwi na ko" dugtong pa ni Lisa saka tumakbo ng matulin papalayo sa lamay na yun, hindi na ito nag-abala pang kunin ang kanyang bayad para sa araw na iyon.

"Hay salamat" anas ng mga matatandang naiwan matapos umalis ni Lisa. Nagpapasalamat ang mga ito dahil sa wakas ay makakapaglamay na sila ng matiwasay.

The Waikapu Guest House (COMPLETED)Where stories live. Discover now