Chapter 41

1K 30 0
                                    

Chaeng's POV

Kanina pa ako naghihintay sa pagdating ni Chanyeol at bagot na bagot habang nakaupo dito sa sala, saturday ngayon at nag-aya itong magdate. Hindi ako makatangi, gusto nya daw bumawi at ayusin ang gusot sa pagitan namin.

"Chaeng, andyan na si Chanyeol sa labas" saad ni Lisa na dumaan sa harap ko galing sa labas. May dala itong plastic bag na may lamang mga pagkain saka umupo sa tabi ni Jennie na nasa tapat ko.

"Love ito na lahat ng gusto mong pagkain" malambing na pagkakasabi ni Lisa saka inabot kay Jennie ang plastic bag, daig pa nito ang naglilihi kay aga aga maglandian ng mga ito.

Nagningning naman ang mga mata ng huli ng buklatin nito ang laman ng bag "Thank you Love. I love you" malambing ding tugon nito kay Lisa saka ginawaran ng mabilis na halik ang mga labi nito at marahang punasan ang tumulong pawis sa noo ng huli "Aigoo, nahirapan ka bang bumili sa labas" saad pa ni Jennie.

Agad namang tumango si Lisa habang nakanguso "Kiss mo ko ulit para mawala ang pagod ko" nagpapaawa ang tono nito, agad akong kinilabutan sa nasasaksihan ko saka pasimpleng umirap.

Padabog akong tumayo na ikinatigil ng dalawa sa paghaharutan "Makalayas na nga, sugurin sana kayo ng maraming langgam" himutok kong saad saka lumabas ng bahay.

"Hi" nakangiting bungad sa akin ni Chanyeol, nakasuot ito ng light blue na polo at black denim pants. Maganda ang pagkakaayos ng buhok nito habang nakasandal sa hood ng kanyang sasakyan.

"Kanina ka pa?" tanong ko sa kanya pagkalapit ko, akmang hahalikan ako nito ng bigla kong iniwas ang aking mukha at sa huli sa pisngi ko lang tumama ang mga labi nito.

"Sorry" hingi nito ng pasensya na ikinatango ko, nabalot kami ng katahimikan. Ilang segudo din ang dumaan na walang gustong magsalita sa pagitan namin kaya binasag ko na ang katahimikan na bumabalot sa aming dalawa.

"Hindi pa ba tayo aalis?" tanong ko na nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan.

"Ahh, right" tugon nito saka kumamot sa kanyang noo, mabilis nitong binuksan ang pinto sa passenger seat saka ako inalalayan sa pagsakay.

"Saan mo gustong pumunta?" muling tanong nito saka pinaandar ang sasakyan.

"Kahit saan" tugon ko habang nakatanaw sa labas ng bintana, kahit saan na lang tutal ay labag naman sa loob ko ang sumama sa kanya.

"Gusto mo manuod tayo ng sine?"

"Ikaw ang bahala" wala sa loob na tugon ko.

"Gusto mo ba talagang lumabas Chaeng kasi kung hindi pwede namang ihatid ulit kita pabalik" malungkot na sambit nito, nakaramdam ako ng pagkaawa. Sa pagdaan ng mga araw at linggo nakikita ko ang pagsusumikap ni Chanyeol para lang makabawi sa akin.

Gusto ko sanang sumagot ng oo kaso ayaw kong masaktan ang damdamin nya "Pasensya ka na, pangit lang siguro ang gising ko ngayong umaga" pagrarason ko na kaagad naman nitong tinanggap.

"Magsabi ka lang kung masama ang pakiramdam mo" malambing nitong wika na tinugunan ko lang ng isang simpleng ngiti.

"Kumusta pala yung bagong pelikula na iso-shoot nyo?" pagbubukas ko ng usapan, sa totoo lang ay nagsisimula na akong makaramdam ng pagkabagot.

Pasimple muna itong tumingin sa gawi ko saka muling ibinalik ang paningin sa gitna ng daan "Mag-uumpisa na kami next week mag-shoot" masayang pahayag nito "By the way kasama sa casting si Jisoo"

Muling napabaling sa labas ng bintana ang aking paningin, nasasaktan ako sa tuwing maririnig ko ang pangalan ni Jisoo.

"I also heard she is dating now, what's the name of that girl?" sandali itong nag-isip "Ohh.. I remember, Nayeon right?" lalong sumama ang pakiramdam ko, kung pwede lang makapanipa baka kanina pa tumalsik ang lalaking ito palabas ng sasakyan nya. Hindi ako kumibo, nanatili lang akong nakatingin sa labas ng bintana.

The Waikapu Guest House (COMPLETED)Where stories live. Discover now