Chapter 36

886 34 3
                                    

Jennie's POV

"Miss Yu" alanganing tawag ko ng pansin kay Esther, isang araw na ang nakakalipas mula ng mag-away kami ni Lisa at mula noon ay hindi nya pa rin ako pinapansin.

Mabilis namang lumingon si Esther sa akin, "Miss Kim?" nagtatakang wika nito.

"Can I seat with you?" turo ko sa espasyo sa kanyang tabi, tumango naman ito bago muling bumaling sa gawi ng dagat.

"Miss Yu about yesterday, I want to apologize the way I act towards you. I'm sorry Miss Yu" paghingi ko ng tawad sa kanya.

"It's okay Miss Kim I understand, I also had a lover back then" pagsisigurado nitong wika.

"You had a lover? Is it a women or a men?" kunot noo kong tanong, dala ng koryusidad ay hindi ko na napigilan pang magtanong.

"It is a she Miss Kim" pag-amin nito saka ngumiti, yung ngiting mapakla "She lives in China as well. We are both happy back then but one day she leave me without saying a word, without any explaination"

Naalarma ako ng may tumulong butil ng luha sa kanan nyang mata, alam ko ang nararamdaman nya ngayon. Ang pakiramdam ng maiwang nakasabit sa ere ng mag-isa pero may posibilidad din na kagaya ni Lisa may mabigat ding rason ang taong yun kaya nito iniwan si Esther.

"Do you still love her?" mahina kong tanong sa kanya habang hinahagod ang kanyang likod.

"Yes I still do" mabilis naman nitong sagot, napangiti ako sa aking narinig.

"Miss Yu when the time comes and she want you back again promise me that you will listen to her explaination wheather is it bad or good, okay?" sambit ko sa kanya ng may malawak na ngiti na ikinatango naman nya bilang tugon.

"I will" nakangiti namang inilahad ni Esther ang kanyang isang kamay "Can we be friends Miss Kim?"

Walang pag-aalinlangan ko iyong inabot "Yeah sure, call me Jennie"

"I'm Esther"

Ilang minuto pa ang lumipas bago tuluyang nagpaalam si Esther ng tawagin ito ng kanyang manager, kung ano ano lang din ang pinag-usapan namin mostly ay tungkol sa mga beauty products.

Tatayo na sana ako sa pagkakaupo ng may isang kamay ang pumigil sa aking balikat.

"Miss CEO" nakangising bungad ni Jisoo saka naupo sa tabi ko, sa pwesto kanina ni Esther "hindi ko alam na love guru ka na pala ngayon, payuhan mo nga din ako"

Napatawa ako sa kanya "Silly, matagal na kitang pinapayuhan hindi mo lang ina-apply" sabi ko habang umiiling iling "Duwag mo kasi"

"Uy, uy foul na yun ah" naging seryoso ang mukha ni Jisoo ng ibaling nya ang kanyang paningin sa malawak na dagat sa harapan namin "Hindi ako duwag Jen sadyang wala lang talagang pag-asa"

Ramdam ko ang lungkot sa kanyang tinig, napabuga ako ng hangin. Bakit ang komplekado ng pag-ibig? "Paano mo naman nasabing wala kang pag-asa gayung hindi mo pa nga naaamin sa kanya"

Tumawa ito ng mahina "Paano ko naman aaminin kung kada bubuka ang bibig nya laging pangalan ng bwiset na lalaking yun ang lumalabas. Tell me Jen how can I tell her?"

"Then move on Jisoo, find another person kung hindi mo kayang aminin yung nararamdaman mo as simple as that" my bitchy side is back.

"What do you think about Nayeon?" napaisip ako bigla, sa ilang araw na kasama namin si Nayeon masasabi ko na mabait naman ito. Napapansin ko din ang pagiging malapit nilang dalawa, actually bagay nga sila eh.

"What about Nayeon?"

"She confess her feeling towards me Jen, she told me she like me" napaawang ang bibig ko sa pagkabigla.

The Waikapu Guest House (COMPLETED)Where stories live. Discover now