Chapter 24

913 34 2
                                    

Seulgi's POV

"Seul pakiabot naman ng itlog" utos ni Chaeng sa akin kahit na mas malapit si Jisoo. Wala na din akong nagawa kundi ang tumayo at dukwangin ang platong may lamang pritong itlog sa harap ni Jisoo at iabot kay Chaeng. Kasalukuyan kaming tatlo na nag-aalmusal, sa mansyon nila umuwi si Jennie kagabi kaya kaming tatlo lang ang naiwan. Akmang uupo na sana ako para ituloy ang pagkain ng magsalita naman si Jisoo.

"Seul paabot naman ng fried rice" utos din nito napatingin naman ako sa kinalalagyan ng fried rice, nasa harap lang ito ni Chaeng. Napakamot ako ng kilay saka dinukwang ang fried rice at iniabot iyon kay Jisoo hindi pa man ulit ako nakakaupo ng mag utos na naman silang dalawa.

"Seul gusto ko ng hotdog pakikuha naman" ani ni Chaeng sabay nguso sa platong may lamang hotdog na nasa harap ni Jisoo.

"Seul yung itlog pakibalik naman dito" saad naman ni Jisoo.

Bigla akong nakaramdam ng pagkainis, padabog kong kinuha ang plato ko "Pwede ba gusto ko lang mag-almusal ng matiwasay, kung may problema kayo sa isa't isa pag-usapan nyo hindi na kayo mga bata. Nakakaloka!" sigaw ko sa kanilang pareho saka padabog na nagtungo sa sala para doon kumain.

Ilang minuto ang lumipas tanging tunog lamang ng mga kubyertos at ang paglapat ng mga ito sa plato ang maririnig galing sa kusina. Maya maya pa ay lumabas na si Chaeng sa kusina at walang sabi sabing kinuha ang bag nya na nakapatong sa sofa saka dali-daling lumabas ng bahay.

"Anong nangyari doon?" bungad kong tanong kay Jisoo na nakatulala sa harap ng pagkain pagkapasok ko ng kusina dala ang platong aking pinagkainan.

Sandali muna itong lumunok saka nagbuga ng hangin "I-I try to talk to her Seul" pag-amin nito sa harap ko.

"Then?" tugon ko, gesturing her to continue.

"She never listen" hindi nakaligtas sa paningin ko ang paghigpit ng hawak nya sa kutsarang kanyang tanggan "Ang tanga ko Seul for letting her fall for that assh*le"

Naalarma ako ng may tumulong mga patak ng luha sa kanyang plato, nasasaktan akong makita na nagkakaganito si Jisoo. Dali dali akong nagtungo sa kanya at hinagod ang kanyang likod.

"What is happening here?" nilingon ko ang pinanggalingan ng boses at napako ako sa aking kinatatayuan ng bumungad sa paningin ko ang mukha ng taong gustong gusto kong sapakin pati si Jisoo ay natigil din sa paghikbi.

"Miss me?" naka ngising tanong nito ngunit hindi pa rin kami gumagalaw ni Jisoo "Uy ano nganganga lang kayo dyan? Di nyo ko yayakapin?"

Bigla akong natauhan, tang*na totoo ba to? Nasa harap ko na yung taong nakaka usap ko lang sa cellphone sa loob ng dalawang taon. Hindi ako nakapagpigil sinugod ko sya saka binigyan ng isang suntok sa mukha "Tang*na mo bakit ngayon ka lang?" sigaw ko sa kanya hindi ito gumanti, naka ngiti nya lang akong niyakap "Gago pinag-alala mo ko alam mo ba yun" umiiyak kong saad saka gumanti din sa kanyang yakap.

"Lisa" rinig kong tawag ni Jisoo, unti unting kumalas si Lisa sa mga bisig ko at saka hinarap si Jisoo. Handa nang bumuka ang bibig ni Lisa para magsalita ngunit agad iyong natigil ng walang ano ano'y sinunggaban ni Jisoo si Lisa saka umiyak sa balikat nito.

"Namiss din kita" natatawang saad ni Lisa habang hinahagod ang likod ni Jisoo.

"May hinahanap ka?" tanong ko ng igala nya ang kanyang mga mata sa kabuuan ng kusina.

Kaagad itong umiling bago nagsalita "Wala pala kayong binago sa guest house" napatango ako sa kanyang tinuran. Kung paano ang ayos ng guest house bago sya umalis ay ganuon pa rin ito hanggang ngayon.

"Mga walang hiya kayo hindi nyo man lang ako tinulungan" natawa ako sa hitsura ni Irene, pawispawisan itong bumungad sa amin habang may hila hilang dalawang malalaking maleta at may sukbit na bagpack sa kanyang likuran.

The Waikapu Guest House (COMPLETED)Where stories live. Discover now