Chapter 7

1.2K 38 1
                                    

"Anong gagawin natin ngayon?" matamlay na tanong ni Chaeng habang isa isang pinagmamasdan ang lahat ng gamit sa loob ng bahay, may dikit itong red tag na ang ibig sabihin ay hindi nila pwedeng galawin o gamitin ang kahit na anong bagay sa loob ng bahay. Binigyan pa sila ni Mrs. Lee ng isang araw para matubos ang bahay kung hindi pa sila makakabayad wala silang magagawa kundi lisanin ang guest house.

"Atleast di nya tayo pinaalis, binigyan nya pa tayo ng isang araw" naka ngising turan ni Seulgi na kinainit ng ulo ni Lisa habang ginagamot nito ang pasang natamo nya dulot ng pagsampal ni Mrs. Lee kagabi.

"Kung hindi nyo sana ako nilaglag kagabi hindi sana magkakaganito" wika nito habang matalim na nakatingin kina Jisoo, Chaeng at Seulgi. Walang nagsalita sa kanila nagpatay malisya lamang ang mga ito.

"Hay saan naman kaya tayo kukuha ng perang pangbayad?" tanong ni Lisa kasabay ng isang malalim na buntunghininga.

"Awww" biglang sigaw ni Jisoo na ikinatingin nila rito, naipit ang balat ng ilong nito kakabunot ng buhok sa ilong.

"Yahh Kim Jisoo at may gana ka pa talagang mag trim ng buhok mo sa ilong sa ganitong sitwasyon" sigaw ni Lisa.

"Nag-iisip ako habang nagbubunot" pangangatwiran nito sa harap ni Lisa.

"Magtatanong tanong ako sa mga ka-teammates ko baka pwede nila akong pahiramin ng pera" wika ni Seulgi.

"Ako din susubukan kong mag cash advance sa mga boss ko" turan naman ni Chaeng saka ito tumayo.

"Mauna na ko sa inyo, mamayang gabi na lang ako uuwi" huling saad nito bago tuluyang umalis. Nagtayuan na ang tatlo at handa na ding umalis ng sinalubong sila ni Jennie na pababa galing sa second floor.

"Saan kayo pupunta?" bungad na tanong nito, ngumiti lang sa kanya sina Jisoo at Seulgi habang si Lisa naman ay matalim ang tingin na ipinupukol sa kanya.

"Wag ka ng magtanong hindi mo kailangan pang malaman" malamig na tugon sa kanya ni Lisa.

"Hindi mo pa rin ba ako mapapatawad Lisa?" mahinang tanong ni Jennie.

"Kung hindi mo sana kami binuko hindi sana kami mapapalayas dito sa bahay at hindi sana ako masasampal ng matandang yun" nanggagalaiti ang tono ng boses ni Lisa dala ng galit.

"Sorry na nga eh hindi ko naman kasi alam na ganito pala ang sitwasyon nyo" nakayukong saad nito, may namumuong luha sa gilid ng mga mata nito na kaagad nakita ni Lisa kaya kaagad na lumambot ang ekspresyon ng kanyang mukha.

"Lisa tama na wag mo ng masyadong sisihin si Jennie hindi nya naman alam" pagpapakalma ni Jisoo kay Lisa, tanging mahinang paghinga lamang ang itinugon nito sa kanya. Bumaling ng tingin si Jisoo kay Jennie saka ginulo ang buhok nito.

"Wag mo ng isipin ang nangyari wala ka namang kasalanan" naka ngiti nitong sambit na nagpa ngiti rin kay Jennie, kahit paano ay gumaan ang pakiramdam nya.

"Jisoo pwede mo ba akong samahan?" tanong ni Jennie.

Lisa's POV

"Jisoo pwede mo ba akong samahan?" tanong ni Jennie kay Jisoo, napairap ako nandito naman ako bakit hindi na lang sya sa akin magpasama? Napahalukipkip ako habang naka tingin sa kanilang dalawa.

"Sige basta ikaw ang kasama ko walang problema" masaya nitong tugon hindi pa nga nya alam kung saan sila pupunta pero sumama sya agad.

"Teka Jisoo aalis pa tayo diba?" pagpigil ko sa kanya. Lumingon ito sa akin ng may malapad na ngiti.

"Makakahintay yan Lisa mahaba pa ang maghapon, pangako pagbalik na pagbalik ko maghahanap agad ako ng mahihiraman" naka ngising sagot nito.

"Tara na Jennie" pag-aya nito kay Jennie at pinasan yung isa sa mga aso nito na si Kai habang karga naman ni Jennie si Kuma, sabay ang mga itong lumabas. Naiwan kami ni Seulgi padabog akong naupo sa sofa.

The Waikapu Guest House (COMPLETED)Where stories live. Discover now