Chapter 5

1.3K 42 1
                                    

Chaeng's POV

"Andito na ko" sigaw ko pagkapasok ko pa lang sa bahay, nagtataka akong nagpalingon lingon wala atang tao. Kibit balikat akong naglakad sa sala, uupo na sana ako ng mapansin ko ang isang paper bag na nakapatong sa ibabaw ng lamesa. Dahan dahan ko iyong inabot at bumulaga sa akin ang damit pangkasal na suot ni Jennie mula pa kagabi. Kaagad ko iyong kinuha at saka pinagmasdan.

"Ang ganda, kailan kaya ako makakapagsuot nito" mahina kong naibulong sa sarili ko, wala pa kasi akong nagiging kasintahan simula't sapol hindi ko din alam kung bakit baka hindi lang talaga ako gustuhin na tao.

"Bakit di mo isukat" bulong ng isang bahagi ng utak ko, napangisi ako bakit nga ba hindi tutal ay wala namang tao rito. Mabilis akong pumanhik sa roof top para doon isukat ang damit pangkasal, doon ko napiling pumunta para walang makakita sa akin kung sakaling dumating na sila.

Kaagad kong hinubad ang suot kong jacket saka sinimulang isuot ang damit. Nakangiti akong umikot ikot na parang isang prinsesa habang suot ang damit ni Jennie.

"Ang saya palang ikasal" wala sa sariling sambit ko. Nang mapagod ako sa kakaikot ay napagpasyahan kong hubarin ang damit ngunit hindi sinasadyang sumabit ang mahaba kong buhok sa zipper.

"Awww" daing ko habang nakatingala at pilit inaabot ang zipper para ibaba.

"Gunting kailangan ko ng gunting" sambit ko habang kinakapa kapa ang daan gamit ang aking mga paa, balak ko sanang putulin na lamang ang buhok ko para mahubad ang damit bago pa man sila dumating. Dahil nga sa naka tingala ako ay hindi ko namalayan ang isang upuan na nakaharang sa daan.

"Awww, tang*na" impit na sigaw ko matapos mauntog ang hinlalaki kong daliri sa paa sa kantuhan ng upuan. Mangiyak ngiyak kong tinuloy ang pagkapa sa daan kahit ang sakit sakit na ng hinlalaki ko mas masakit pa ito sa break up ay hindi ko nga pala yun naranasan wala nga pala akong naging jowa.

"Ahhhh" malakas kong sigaw ng maramdaman ko ang pagkahulog ng isa kong paa sa isang butas ito yung butas kung saan naglusot ang isang paa ni Jisoo, gusto ko ng umiyak ang malas ko ngayong gabi.

~

Jennie's POV

"Hindi pa tayo pwedeng umalis nasa loob pa ang lahat ng gamit ko" pagpigil ko kay Lisa ng akmang aalalayan na nya ako sa pagsakay sa kotse. Kaagad naman itong tumigil at tumingin sa akin.

"Tara" seryoso nitong aya kina Jisoo at Seulgi bago dire-diretsong naglakad papunta sa entrance ng hotel.

"Saan tayo pupunta?" takang tanong ni Seulgi, walang sabi sabing binatukan naman ito ni Jisoo saka sumunod kay Lisa. Naiiling na lamang akong sumunod sa kanila at iniwan si Seulgi.

Nang makarating kami sa tapat ng unit ni Kai ay malakas ang mga itong kumatok na ani mo'y gigibain ang pintuan.

"Sino kayo?" bungad ni Kai sa amin, hindi nya yata ako napansin nasa likod kasi ako ni Lisa.

"Nandito kami para kunin ang mga gamit ni Jennie" blangkong sabi ni Lisa.

"Sino ba kayo ha?" tanong na naman ni Kai, ngumisi naman si Seulgi.

"Kami lang naman ang first love ni Jennie" nanlaki ang mga mata ko sa tinuran nito.

"Totoo ba Jennie first love mo ang tatlong ugok na to?" natatawang saad ni Kai, sasagot na sana ako ng biglang nagsalita si Jisoo.

"Ang tanga mo talaga" batok nya kay Seulgi.

"Ganito kasi yun si Jennie ang first love naming tatlo" pagtatama nito sa sinabi ni Seulgi.

"Pwede ba umalis ka na lang sa daan para makuha na namin ang pakay namin dito" seryosong saad ni Lisa, nagbalik ulit ang mukha nito sa pagiging seryoso malayong malayo sa Lisang nakita ko kanina.

Marahas na pumasok sina Jisoo at Seulgi habang nakasunod naman si Lisa at sinadyang banggain ang balikat ni Kai. Isa isa nilang kinuha ang mga gamit na ipinagtuturo ko, mga damit, lahat ng sapatos ko, mga bags maging yung bathrobe ko ay hindi nakaligtas habang naka tingin lang ang mag-ina sa ginagawa namin.

"Ito na bang lahat Jennie wala ka ng nakalimutan?" agad na tanong ni Seulgi, isa isa kong tiningnan ang mga gamit ko.Tumingin ako kay Kai saka sya itinuro.

"Yung suot nyang suit sa akin din yan, ako ang bumili nyan para sa kanya" maging ang suit ni Kai ay hindi ko papalagpasin. Bumaling sa kanya ng tingin ang tatlo.

"Hubad" wika ni Jisoo, wala ng nagawa pa si Kai kundi hubarin ang coat na suot nya saka iyon binigay kay Jisoo.

"Pants" sabi pa ni Jisoo sabay turo sa suot na pang ibaba nito, nagmamakaawang tumingin sa akin si Kai.

"Jen stop them" utos nito sa akin, naka ngisi akong umiling sa kanya.

"Sorry Kai there's nothing I can do about it" panggagaya ko sa sinabi nya kanina.

"Hindi ba naturo sayo na kapag sinabing suit kasama yung pants bobo pala to eh, bilisan mo na hubarin mo na yan" singhal na sigaw ni Seulgi at katulad kanina ay wala na naman itong nagawa kundi hubarin ang suot nyang pants hanggang sa boxer short na lang ang natira sa kanya.

"Wala ka ng iba pang nakakalimutan?" rinig kong tanong ni Lisa, akala ko ay hindi na namin ito kasama ngayon lang kasi ito muling nagsalita.

"Meron pa yung mga anak ko nasa loob pa" turo ko sa isang kwarto. Nanlaki ang mga mata nina JIsoo at Seulgi sa sobrang gulat.

"Ano may mga anak ka na?" sabay na sigaw ng mga ito, tumango ako at saka nagtungo sa kwartong tinuro ko at kaagad iyong binuksan. Lumabas mula rito ang dalawa kong alagang aso na sina Kuma at Kai.

"Tara na" aya ko sa kanila matapos kong kargahin sina Kuma at Kai.

"Akala ko mga bata yung tinutukoy nya" rinig kong bulungan nina JIsoo at Seulgi.

Kinarga nila sa sasakyan ang lahat ng gamit ko saka napagpasyahan na naming umuwi kasama sina Kuma at Kai. Nang makarating kami sa bahay ay kaagad akong nagtungo sa kwarto ko para ilapag ang dalawa kong aso habang yung tatlo naiwan sa labas upang ibaba sa sasakyan ang mga gamit ko at isa isang ipasok. Muling bababa na sana ako ng marinig ko ang isang malakas na sigaw na nagmumula sa taas. Nagulat ako ng biglang ibagsak ni Lisa ang dala nyang kahon at nag aalalang tumakbo mula sa pinang gagalingan ng sigaw.

"Chaenggg" sigaw pa nito habang umaakyat papuntang third floor. May konting kirot akong naramdaman base sa nakita kong hitsura ni Lisa kanina pero bakit naman ako nakakaramdam ng sakit? Pinagsawalang bahala ko na lamang ang isiping iyon at saka sumunod sa kanila patakbo patungo sa roof top.

"Ano ba kasing naisip mo at sinuot mo yang damit?" pangangaral sa kanya ni Lisa, gusto kong tumawa habang naka tingin kay Chaeng ngunit agad ko iyong pinigil patuloy pa rin kasi sa pag-agos ang mga luha sa kanyang pisngi.

"Gusto ko lang naman tingnan kong bagay ba sa akin na magsuot ng damit pangkasal" umiiyak nitong tugon kay Lisa. Napabuntunghininga si Lisa samantalang sina Seulgi at Jisoo ay bumunghalit na ng tawa.

"Hindi na nga bagay sayo yung damit nahulog ka pa sa butas ang malas mo naman" tumatawang saad ni Jisoo na tila inaalaska si Chaeng.

"Oo nga ang malas ko, ang malas kong pumayag na tumira sa bahay na to kasama mo" pang-aalaskang ganti nito kay Jisoo.

"Aba't" aambahan sana ng batok ni Jisoo si Chaeng ng biglang sumigaw si Lisa na ikinagulat naming lahat.

"Enoughhh.. para kayong mga bata ang tatanda nyo na bangayan kayo ng bangayan, ikaw Jisoo alisin mo dyan si Chaeng baka dumating si Mrs. Lee at makita nya to siguradong sa kalsada tayo pupulutin at ikaw naman Chaeng mag-ingat ka sa susunod" mahabang lintaya nito bago kami talikuran at naglakad papalabas ng pintuan.

"Patay ginalit nyo ang halimaw" saad ni Seulgi saka tumawa ng malakas.

"Seulgi ano tatawa ka na lang dyan?" agad natigilan si Seulgi pagkarinig nito ng sigaw ni Lisa, dali dali itong bumaba muntik pa nga itong malaglag sa hagdan sa kakamadali.

Ganun silang lahat katakot kay Lisa? nagtataka kong tanong sa sarili ko. Napapailing na lang akong sumunod kina Lisa habang nagbabangayan pa rin sina Jisoo at Chaeng. Tama ba ang desisyon kong pumayag na tumira dito sa Waikapu Guest House?

~

Sinong may date bukas? Sama nyo naman ako oh 😊😁

The Waikapu Guest House (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon