Chapter 18

998 29 0
                                    

Jennie's POV

"Oh Jenjen bakit ganyan ang mukha mo? Kanina ka pa nakasimangot" puna ni Mino matapos nya kong puntahan sa isang sulok. Agad kong inginuso sa kanya ang direksyon nina Lisa at nung babaeng pumalit sa akin bilang dishwasher na si Tzuyu, masaya ang dalawa na naka upo sa isang table habang tumutugtog si Lisa ng gitara sa harap ni Tzuyu. Medyo maaga pa para magbukas kaya lahat ng empleyado ay istambay muna tutal ay tapos na din naman kaming mag-ayos naghihintay na lang kami ng tamang oras.

"Ay ayun naman pala nagseselos lang kaya nakasimangot" tumatawang saad nito na ikinatingin ko sa kanya ng masama.

"Masaya ka na nyan?" sarkastiko kong tanong sa kanya saka sya inirapan.

"Taray mo teka nga may naamoy ako" napataas ang isa kong kilay.

"Baka hindi ka naligo bago ka pumasok" tugon ko sa kanya, napa aray na naman ako ng bigla nya kong hampasin sa braso.

"Tange naliligo ako Jenjen walang palya umaga at gabi, ang tinutukoy ko ay ang jowa mong tupakin mukhang pinagseselos ka" nagbaling ako ng tingin sa kinaroroonan nina Lisa, mas lalo pang lumapit ang unggoy kong girlfriend kay Tzuyu habang yung higad naman ang lawak ng ngiti. Totoo pala yung bulong bulungan na naririnig ko sa loob ng kusina may gusto ang higad na si Tzuyu kay Lisa ko. Gantihan pala gusto ng babaeng to pwes di ako magpapatalo.

"Dyan ka lang Mino ipapakita ko lang kay Tzuyu na mali ang taong binabangga nya" may diin kong sambit kulang na lang ay umusok ang ilong at mga tenga ko sa sobrang galit.

"Boss" pagkuha ko ng atensyon ni Lisa paglapit ko sa kinauupuan nila "Oras na para magtrabaho" nakahalukipkip kong sambit.

"May ten minutes pa Miss Kim makipagharutan ka muna kay Mino" blangkong tugon nito saka muling bumaling kay Tzuyu habang naka ngiti.

"Lis next time turuan mo kong tumugtog ng gitara" masayang wika ni Tzuyu, napataas ang isa kong kilay may halong kalandian ang tono ng boses ni Tzuyu.

"Sige ba" tugon naman ni Lisa, isang matalim na titig ang ipinukol ko sa kanila bago ako nagmamadaling umalis at magtungo sa pwesto kung saan ko iniwan si Mino.

"Defeated Miss Kim?" tuwang tuwang tanong ni Mino "Wala ka pala eh" pang-aalaska pa nito.

"Shut up" iritado kong tugon saka muling bumaling ng tingin kina Lisa, kumirot ang dibdib ko sa tagpong aking nasasaksihan masaya ang mga itong nagbubulungan. Mula ng araw na inasar ko si Lisa naging malapit sya kay Tzuyu.

"Jenjen pinasasabi nga pala ni Eddie na mahal ka nya" out of nowhere na saad ni Mino, agad na napalitan ng pagtataka ang mukha ko.

"Sinong Eddie?" takang tanong ko, wala akong kilalang Eddie.

"Eddie ako" tugon nito sabay tawa ng malakas, natawa din ako saka sya pinaghahampas.

"Bwisit dami mong alam" naka ngiti kong sabi sa kay Mino kahit paano ay naibsan ng konti ang inis na nararamdaman ko kay Lisa.

Nagulat kami ng biglang ihagis ni Lisa ang susi sa kitchen kay Mino mabuti na lang at mabilis na nasalo ni Mino ang susi.

"Everyone go to your work" seryosong wika nito, napatingin ako sa orasan na nakasabit sa dingding.

"Boss may five minutes pa makipagharutan ka muna kay Tzuyu" panggagaya ko sa sinabi nya kanina.

"I don't care, all of you work now and you Miss Kim follow me" utos nya saka kami tinalikuran, nabaling ang tingin ko kay Mino ng mahina itong humalikhik sa tabi ko pagka-alis ni Lisa.

"Prepare your self Jenjen, ipagdarasal kita" pang-aasar nito habang pinapaikot sa kanyang daliri ang susi. Isang batok ang iniwan ko kay Mino bago sumunod kay Lisa sa loob ng office ng Tita nya.

The Waikapu Guest House (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora