Chapter 8

1.1K 39 3
                                    

Jennie's POV

"Paano ba maglaba?" himutok kong sabi habang naka tingin sa isang palanggana ng marurumi kong damit na nakabaladra sa harapan ko.

"I-google ko kaya" mahina kong turan saka kinuha ang aking cellphone sa loob ng bulsa ko at sisimulan na sana ang pag scroll ng biglang may umimik sa likuran ko.

"Ihiwalay mo muna yung mga puti sa mga may kulay na damit" sabi ng tinig sa likod ko.

"Ay butiki!!" malakas kong sigaw muntik ko ng mabitawan ang aking cellphone sa sobrang gulat.

"Tss.. ang ganda ko namang butiki" nakahalukipkip na saad ni Lisa, seryoso ang mukha nito.

"Bakit ka kasi nanggugulat" naka simangot kong wika sa kanya.

"Wala akong balak na gulatin ka, narinig kasi kita na nagsasalita mag-isa kaya akala ko nababaliw ka na" seryoso nitong sabi.

"Bakit ba ang seryoso mo?" tanong ko sa kanya na ikinasimangot nya naman.

"Magpapaturo ka ba kung paano maglaba o aalis na lang ako" yamot nyang saad, hindi man lang nito tinugon ang tanong ko. Bakit hindi ko muna asarin itong Lisa na to tutal minsan nya lang ako kausapin.

"Bakit mo ko tutulungan? Diba galit ka sa akin?" naka ngisi kong tanong habang unti-unting inilalapit ang aking mukha papalapit sa mukha nya.

"Hoy, Jennie Kim ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" takang tanong nito habang inilalayo ang kanyang mukha sa papalapit kong mukha, tumingkayad ako para maabot ko sya medyo matangkad kasi ang taong to.

"Sagutin mo ko Lisa bakit mo ko tutulungang maglaba?"

"Wa..wala gusto ko lang makabawi sa pagsagip mo sa amin mula kay Mrs. Lee" naiilang nitong tugon at nag-iwas ng tingin.

"Yun lang ba talaga ang dahilan Lisa o baka naman dahil ako ang first love mo kaya gusto mo kong tulungan" pang-aasar ko sa kanya, tumingin ito sa akin at sya naman ang dahan dahan na lumapit sa akin. Wala akong nagawa kundi ang lumunok at unti-unting umatras.

"Wow, Jennie ang kapal ah. Sinong may sabi sayo na ikaw ang first love ko? Asa ka naman Miss Kim" naka ngisi nitong sabi.

"Oh di hindi kung hindi" simangot kong sabi saka nag-iwas ng tingin. Nagulat ako ng abutin ni Lisa ang mga pisngi ko at saka marahan akong pinisil doon.

"Wag kang sumimangot pumapangit ka lalo" seryosong sabi nito, napangiti ako ng mapansin ko ang isang tipid na ngiti na sumilay sa kanyang mga labi bago muling bumalik sa pagkakaseryoso ang kanyang mukha.

"Hala.. hala ngumiti ka" masaya kong sabi saka pumalakpak.

"Hindi guni guni mo lang yun" sabay iwas nya ng tingin, malakas kong hinampas ang kanyang braso.

"Ngumiti ka eh nakita ko" pagpupumilit kong sabi saka muli syang pinalo sa braso.

"Hindi nga, isa Jennie maglalaba ka ba o hindi" yamot na naman nyang wika. Sinundot ko ang kanyang tyan tsaka malakas na tumawa.

"Ito na maglalaba na Miss Sungit, paano nga ulit maglaba?" tinuro nya kung paano ang gagawin ko, ipinahiwalay nya ang mga puti sa mga may kulay saka inutusan nya kong lagyan ng tubig ang palanggana at hawhawan doon ang mga damit syempre magkahiwalay pa din ang mga puti sa de kolor ipanghuli ko daw yung mga short at pantalon ko.

"Unahin mong kusutin ang mga puti" sabi nya habang naka upo sa harap ko. Nilagyan nya ng sabon ang isang palangganang may tubig at ipinalagay doon ang mga puti.

"Simulan mo na magkusot" utos nya nung makita nya ko na hindi kumikibo.

"Pa...paano ba?" nahihiya kong tanong. Bumuntunghininga muna ito saka tumayo para maghugas ng kamay.

"Iba talaga kapag rich kid" rinig kong bulong nito.

"Lalisa narinig kita" sabi ko naikinatawa nya ng mahina, weew Jennie Kim 2 points tumawa si Lisa. Muli syang umupo sa harap ko at isinawsaw ang kanyang kamay sa palanggana para kumuha ng damit ko. Napasigaw ako ng i-angat nya ang tela na nakuha nya, nilaylay nya iyon sa harap ko.

"Panty ko yan" malakas kong sigaw saka  mabilis na kinuha ang panty na hawak nya.

"Relax Miss Kim hindi ko yan aagawin" naka ngisi nyang sabi, dahil sa pagkapahiya ko ay walang sabi sabi na sinabuyan ko sya ng tubig na may sabon.

"Bleehhh" parang bata kong tukso sa kanya ng tumilamsik ang tubig sa mukha nito.

"Aba't" naiinis nyang turan saka sinabuyan din ako ng sabon.

"Gumaganti ka ha" sambit ko at kinuha ang isang pakete ng sabon saka naglagay sa aking mga palad, napangisi ako ng tumayo si Lisa at unti-unting lumayo mula sa akin.

"Uy Jennie Kim wag kang lalapit" sabi nito saka kinuha ang hose at ini-sprayan ako ng tubig, napatili ako ng malakas habang sinasaboy sa kanya ang sabon na nasa aking mga palad.

"Hindi mo ko mapipigilan Miss Manoban" naka ngisi kong lapit sa kanya habang sya ay patuloy pa din sa paglayo.

"Sige subukan mong lumapit hahalikan kita" pagbabanta nya sa akin tanging pag-iling lang ang ginawa ko. Agad na syang tumakbo papalayo sa akin, malawak naman ang labahan dito sa guest house kaya malawak ang pwede naming takbuhan. Malapit na ko sa kanya, isang dukwang na lang ay abot ko na si Lisa ng bigla akong madulas napapikit ako at hinihintay bumagsak ang katawan ko sa sahig ngunit ilang segundo pa ay wala akong naramdaman maliban sa mga kamay na nakahawak sa bewang ko at sa likuran ko. Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata, pagdilat ko ay bumungad sa harap ko si Lisa na nakasalo sa akin at naka hawak sa likod at bewang ko habang ako ay mariin na nakakapit sa kanyang mga braso.

"O..okay ka lang?" bakas ang pag-aalala sa kanyang boses, dahan dahan akong tumango habang nakatitig sa kanya.

Ilang minuto din kaming nasa ganung posisyon at magkatitigan ng may tumighim sa aming likuran.

"Hindi pa kayo tapos?" dali-dali akong kumalas mula kay Lisa at mabilis na tumayo. Ramdam ko ang pamumula ng aking mga pisngi habang naka tingin kay Seulgi na nakasandal sa pintuan at nakahalukipkip na nakatingin sa amin katabi nya ang isang basket ng maruruming damit maglalaba din siguro ito.

"Hehe mag-uumpisa pa lang" tanging naitugon ko saka sumulyap kay Lisa na nakatulala.

The Waikapu Guest House (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon