Chapter 40

889 28 0
                                    

Abalang nanunuod ng t.v sina Seulgi at Irene sa sala nang biglang dumating si Lisa, lungkot ang nababanaag sa buong mukha nito na labis na ikinabahala ni Irene.

"Sister" tawag ni Irene saka dali daling tumayo at lumapit sa kanyang nakakabatang kapatid.

"Not now Irene" mahinang tugon ni Lisa bago umakyat ng hagdan, wala ng nagawa pa si Irene kung hindi ihatid na lamang ng tingin ang bulto ni Lisa hanggang sa maglaho ito sa kanyang paningin.

"What was that?" hindi makapaniwalang tanong ni Irene kay Seulgi saka umupong muli sa tabi nito.

"Don't know but I think she has a problem" segundang tugon ni Seulgi.

Muling nagbaling ang dalawa sa gawi ng pintuan ng muli na namang bumukas ito, labis na nagtaka ang mga ito ng pumasok si Jisoo habang sumisipol sipol at kumakanta. Masaya ang awra nito at napakaaliwalas ng kanyang mukha.

"Jisoo" napatigil ang huli sa paglalakad ng tawagin ito ni Seulgi.

"Bakit?" nagtatakang tanong nito habang nakangiti.

"Parang ang saya mo? Anong meron?" pag-uusisa ni Irene na lalo pang ikinangiti ng malawak ni Jisoo.

"Halata ba?" natatawang tugon nito sa dalawang na hindi na makapaghintay sa dahilan kung bakit iba ang awra nya ngayong araw.

"Kim Jisoo" may pagbabanta sa tono ng boses ni Seulgi.

"Okay fine, Nayeon and I are dating" anunsyo ni Jisoo na ikinalaki ng mga mata nina Irene at Seulgi.

"For real?" hindi makapaniwalang tanong ni Seulgi, may isang beses na isinama na ito ni Jisoo sa guest house kaya kilala na nila ang babaeng tinutukoy nito.

"Uhuh" tumatangong tugon ni Jisoo.

"Kailan pa?" pang-uusisa pa ni Irene.

"Kanina lang, after ng meeting namin kasama yung mga casts and crews ng movie sinundo nya ko then we ate together and that moment I asked her to be my girlfriend" paglalahad ni Jisoo sa harap ng dalawa.

"Then we should celebrate, invite Nayeon I know a place bagong bukas na bar. We can hangout there" pag-aaya ni Seulgi, kaagad namang sumang-ayon si Jisoo.

"Oh Chaeng kanina ka pa dyan?" baling ni Irene kay Chaeng na nakatayo sa may hagdanan, sa sobrang abala ng tatlo ay hindi na ng mga ito namalayan ang pagpasok ni Chaeng.

"Kakarating lang" matamlay nitong tugon, ang totoo ay kanina pa ito sa may pinto at rinig nito ang pinag-uusapan ng tatlo na nasa sala.

"Great, change your clothes we were heading to the bar" utos ni Seulgi sa kanya.

"Why?" pagmamaang-maangan na tanong ni Chaeng kahit ang totoo ay alam na nito ang dahilan.

"I want you all to know Nayeon since she is now my girlfriend" sagot ni Jisoo, bakas sa tono nito ang labis na tuwa na naging dahilan ng pagkirot ng dibdib ni Chaeng.

Isang ngiti ang pinakawalan ni Chaeng kahit ang totoo ay gusto na nitong umiyak sa harap ni Jisoo "Well that's great, congrats then" pagbati ni Chaeng sa huli "but I don't think I can come with you tonight.. I'm sorry. I'm too tired to go outside"

Pagtanggi ni Chaeng sa imbitasyon ni Jisoo, natatakot ito na baka kapag sumama sya sa mga ito ay hindi nya mapigilan ang kanyang sarili at masira ang selebrasyon.

"Okay I understand" malungkot na tugon ni Jisoo, akala pa naman nya ay mabubuo silang lima para sumama sa kanya i-celebrate ang magandang nangyari sa kanya ngayong araw.

"Thank you... just enjoy the night" huling wika ni Chaeng saka naglakad paakyat.

Sa huli ay silang tatlo lang ang nagtungo sa bar kasama si Nayeon, hindi din nila napilit sumama si Lisa samantalang si Jennie ay hindi pa umuuwi.

~

Jennie's POV

Alas nuebe na ng gabi ng matapos ko ang tambak ng mga report na kanina ko pa binabasa. Ilang oras na ang nakakaraan ng umalis si Lisa at hindi na sumipot pa sa photoshoot mabuti na lang at napakiusapan ko ang head ng magazine na bukas na lang ituloy ang shoot, kailangan kong puntahan si Lisa alam kong nasa guest house ito ngayon. Mabilis kong iniligpit ang mga gamit ko at sinuot ang coat bago lumabas ng opisina. Wala ng mga empleyado sa loob ng kompanya at tanging mga guard na lang ang nandito, isang tipid na ngiti ang isinukli ko sa kanila pagkalabas ko ng building.

Nang marating ko ang harap ng guest house ay isang buntunghininga ang pinakawalan ko bago bumaba ng sasakyan. Katahimikan ang sumalubong sa akin ng makapasok na ako sa loob.

Ilang hakbang ang ginawa ko para marating ang harap ng kwarto namin ni Lisa ngunit laking dismaya ko ng walang tao sa loob. Naisipan kong umakyat sa roof top ngunit hindi pa man ako nakakarating sa baitang ng hagdan papunta roon ay isang musika ang nakapukaw sa akin. Tunog ng piano ang nangingibabaw sa katahimikan ng gabi, mabilis kong tinungo ang music room at dahan dahang pinihit pabukas ang pinto. Bulto ni Lisa ang sumalubong sa akin habang nakapikit itong tumutugtog. Dahan dahan akong naglakad patungo sa kanya saka niyakap sya sa likuran na naging dahilan para ihinto nya ang pagtugtog.

"I'm sorry" mahinang bulong ko habang nakayakap sa kanyang leeg at nakapatong ang aking baba sa kanyang balikat.

"I should be the one to blame. I'm sorry Jen, I should not ditched them just to be with you" paghingi din ni Lisa ng pasensya "I just literally crave on you that's why I do that. Your time, your affection and love. I want to be right there with you and give you all the love I have"

"I'm sorry if you feel that way, I promise from now on I will give you more my time" tugon ko saka kinintalan ng maikling halik ang kanyang pisngi. Sa kakaisip ko sa kapakanan ng kompanya hindi ko na namamalayan na napapabayaan ko na si Lisa.

"Let's stroll outside what do you think?" Lisa asked while smiling from ear to ear.

"Are you asking for a date Miss Manoban?" I asked her back. She just chuckled then nod her head.

"Maybe" makahulugang sagot nito "Let's go" pag-aaya nito sabay lahad ng kanyang kamay na kaagad ko namang tinanggap.

"Wait let me change first" wika ko na ikinailing naman nito, suot ko pa din ang damit ko na pang opisina.

"You don't need to change, your always beautiful" bulong nito sa tenga ko, ramdam ko ang mainit na hininga ni Lisa na dumampi sa aking balat. Mabilis nya kong hinila saka pinagbuksan ng pinto.

"Thank you" ani ko habang lumalabas.

"Always welcome" nakangising tugon nito sabay hampas ng mahina sa pwet ko. Napatili ako sa sobrang gulat saka tiningnan sya ng matalim na ikinatawa lamang nito.

The Waikapu Guest House (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora