Chapter 2

1.8K 55 0
                                    

"Tingnan nyo" pagkuha ni Seulgi sa atensyon nina Lisa at Jisoo, sabay sabay silang nagkakape sa sala dahil sa lamig ng panahon habang nanunuod ng t.v.

"Kakapasok lamang na balita, nag-uumpisa ng magdagsaan ang mga tao mapa turista man o local ay nagkukumpulan sa Han River upang masaksihan ang pagdaan ng Meteor Shower ngayong araw pagpatak ng alas siete hanggang alas nuebe ng gabi"

"Mamayang gabi na pala yan" sambit ni Jisoo sabay higop sa hawak nyang tasa.

"So what?" walang gana namang wika ni Lisa habang nakahalumbaba.

"Wala naman sinasabi ko lang na maraming tao ngayon sa Han River" naka simangot na saad ni Seulgi.

"Teka sino ba yang Meteor Shower na yan?" takang tanong ni Seulgi, agad napatingin sa kanya sina Lisa at Jisoo.

"Importanteng tao ba yan at kailangang hintayan ng karamihan ang pagdaan nya?" dugtong pa nito na mas lalong ikinatingin sa kanya ng dalawa ng masama.

"Singer ba yan?" natampal ni Lisa ang kanyang noo sa naging tanong na iyon ni Seulgi.

"Hindi" maikling sagot ni Jisoo.

"Ahh kung hindi singer siguro actor" proud na wika ni Seulgi.

"Nagpapatawa ka ba?" sarkastikong tanong ni Lisa hindi na nito napigilan pa at sumabat na sa usapan ng dalawa.

"Ahh alam ko na" masayang tugon ni Seulgi.

"Soccer Player" proud na namang sabi nito sa pag aakalang tama ang naging hula nya.

"Wow, daebak Seulgi" napatayo si Lisa habang pumapalakpak na ikina ngiti ni Seulgi ng malawak kasi sa kauna unahang pagkakataon ay pinuri sya ni Lisa.

"Bumalik ka ulit sa Elementary, tang*na sumasakit ang ulo ko sayo. Ang dami na nating problema dadagdag ka pa" inis na turan ni Lisa saka sila iniwan habang dala ang kanyang tasa patungo sa kusina.

"Teka Lisa sino si Meteor Shower?" pahabol na tanong ni Seulgi na hindi na tinugunan pa ni Lisa humarap sya kay Jisoo na hindi makapaniwalang naka tingin sa kanya.

"Jisoo sino si Meteor Shower?" desperadang tanong nito. Sandaling nag-unat si Jisoo saka may dinukot sa kanyang bulsa matapos noon ay kinuha nito ang kamay ni Seulgi at ipinatong doon ang isang coin na nagkakahalaga ng 10 won.

"Aanhin ko to?" takang tanong ni Seulgi.

"Punta ka ng computer shop i-search mo kay Mr. Google kung sino si Meteor Shower" sarkastikong suhestyon nito.

"Ah sige salamat" naka ngiting tugon ni Seulgi saka mabilis na tumayo sa pagkaka upo at naglakad patungo sa gawi ng pintuan.

"Oh saan ka pupunta?" takang tanong ni Jisoo.

"Sa computer shop" mabilis na tugon ni Seulgi bago dali daling umalis.

"Hay wala ng pag-asa tong si Seulgi, hindi ko alam kung masunurin lang talaga to o sadyang mahina lang talaga ang ulo" wala sa sariling nasambit ni Jisoo habang nagkakamot sa ulo.

~

Lisa's POV

"Kailangan ba nating gawin to?" inis na tanong ko sa dalawa kong kasama. Kasalukuyan kaming nakatayo sa taas ng roof top ng guest house para abangan ang pagdaan ng Meteor Shower.

"Oo, ayun sa naresearch ko kanina pwede ka daw humiling pagdaan ng Meteor Shower" masayang sambit ni Seulgi, napailing na lang ako maging ito ay naniniwala sa ganun.

"At lahat ng hilingin mo ay matutupad" dugtong naman ni Jisoo, what the pati ito ay ganun din.

"Walang kwenta kong mag-aabang tayo rito at hihiling sa batong yan. Kung hindi ka magsisikap hindi mo makakamit ang hiniling mo kung iaasa mo lang ito sa batong dadaan" pagbasag ko sa kanilang dalawa.

"Ang nega mo bumaba ka na nga lang doon" mataray na wika ni Jisoo, nagkasukatan kami ng tingin pareho.

"Uy wag na kayong mag-away hayan na oh nagsisimula na" pag-awat ni Seulgi, napatingala ako sa langit at tama nga ito nag-uumpisa ng magsidaan ang mga Meteorites. Napatingin ako sa dalawa nakapikit ang mga ito habang magkadaop ang mga palad at taimtim na humihiling. Dahan dahan kong inangat ang dalawa kong kamay upang pagdaupin din gaya ng ginagawa nila wala naman sigurong mawawala kung susubukan ko din. Pipikit na sana ako para humiling din ng mapansin ko ang isang batong papalapit sa gawi namin galing sa langit.

"Ahhhhh" sigaw ko na naging dahilan ng pagkamulat nilang dalawa.

"Bakit na naman?" inis na tanong ni Jisoo hindi ako nagsalita bagkos ay tinuro ko sa kanya ang batong unti-unting papalapit sa amin. Nilingon din nila ang tinuturo ko at sabay na sumigaw. Sabay sabay kaming yumuko, matapos noon ay isang pagsabog ang aming narinig galing sa aming likuran.

Napaubo ako dahil sa usok na aking nalanghap galing sa pagsabog, mariin kong tiningnan ang roof top nasunog ang mga bandila ng Waikapu Guest House sa pagtama ng apoy galing sa bato pagdaan nito.

"Oh My God" rinig kong sambit ni Jisoo, mabilis kong natakpan ang aking bibig paglingon ko sa tinitingnan nya. Patay butas ang kisame ng roof top, lagot kami kay Mrs. Lee nakasaad pa naman sa kontrata na wala dapat kaming masisira na kahit anong parte ng bahay habang nakasangla ito sa kanya.

"Lisa anong gagawin natin?" tanong ni Seulgi maging ako ay hindi ko din alam ang gagawin. Lumapit si Jisoo sa butas ngunit sa kasamaang palad ay naglusot ang paa nito roon.

"Tang*na tulungan nyo ko rito" akmang aabutin ko na ang kanyang kamay para sana sya ay hilahin ng may marinig kaming sigaw mula sa baba.

"Lisa, Jisoo, Seulgi" sigaw ng boses.

Nagkatinginan kaming tatlo, patay nasa baba si Mrs. Lee.

"Hala Lisa andyan na sya sa baba" wika ni Jisoo bakas sa boses nito ang takot maging ako ay takot din alam ko kasi na papalayasin kami nito sa oras na makita nya ang butas sa kisame wala pa naman kaming pera na pang gawa nito.

"Alam ko, teka sandali dito muna kayo ako ang bababa. Seulgi gumawa ka ng paraan para maalis si Jisoo sa butas na yan" dire-diretso kong utos sa kanilang dalawa bago bumaba para harapin si Mrs. Lee.

Pagbaba ko ay saktong nasa third floor na ito malapit sa tapat ng kisame na may butas. Kinakabahan akong ngumiti sa kanya.

"M..Mrs. Lee napadalaw po ata kayo hehe" alanganin kong wika, mas matangkad ako sa kanya kaya mabilis kong iniharang ang aking katawan sa kanyang harapan para hindi nya mapansin ang butas.

"Para ka namang bago Lisa alam mo namang kada gabi ay pinupuntahan ko kayo hindi ba" naka ngiting sambit nito saka inilinga linga ang kanyang paningin sa paligid.

"Oo nga pala nasaan sina Jisoo at Seulgi?" pagtatanong nito. Napasulyap ako sa paa ni Jisoo na nasa butas.

"Ahh.. w..wala po sila Mrs. Lee umalis, oo tama umalis" alanganin kong sagot. Muntik na akong mapamura ng may malakas na tunog na nanggaling sa roof top.

"Ano yun?" takang tanong ng matanda.

"Ang alin po?" malumanay kong tanong din sa kanya.

"May narinig akong malakas na tunog, hindi mo ba narinig?" mabilis kong umiling.

"Wala po akong narinig baka guni-guni nyo lamang iyon" maniniwala na sana ito ng may malakas ulit na tunog galing sa kisame. Sumulyap akong muli sa taas at nagulat ng unti-unting lumalaki ang butas habang nakalawit pa din doon ang paa ni Jisoo.

Titingala na sana si Mrs. Lee ng mabilis ko itong kinabig papatalikod sa butas at niyakap.

"An..anong ginagawa mo bakit mo ko inaakap?" rinig kong tanong nito.

Napalunok ako, wala na akong iba pang paraan na naiisip kundi ito lang.

"May gusto sana akong sabihin sayo Mrs. Lee" mahina kong saad.

Kumalas ito sa pagkakayakap sa akin saka ako tiningnan.

"Ano yun?" napapikit ako bago nagsalita.

"Gusto.. gusto kita Mrs. Lee" halos himatayin ako matapos lumabas sa aking bibig ang mga salitang iyon. Jusko po tama ba yung sinabi ko?

The Waikapu Guest House (COMPLETED)Where stories live. Discover now