Chapter 27

974 35 20
                                    

Jisoo's POV

Pansamantala kong itinigil ang pagkakabisa sa script na hawak ko ng tawagin ako ni Manager Ken.

"Jisoo" nagbaling ako sa gawi nya ng tingin "May naghahanap sayo sa labas"

Kaagad na kumunot ang aking noo dahil sa labis na pagtataka, wala akong kaide-ideya kung sino ang maghahanap sa akin sa ganitong oras.

"Sino Manager?" nagugulumihanan kong tanong sa kanya. Hindi ako sinagot ni Manager Ken sa halip ay sinenyasan nya ako na sumunod sa kanya palabas ng tent na inaakupa ko ngayon. Wala na din akong nagawa kung hindi ang sumunod sa kanya papalabas. Kaagad na kumulo ang dugo sa galit ng makita ko ang taong naghahanap daw sa akin.

"May kapal ka pa ng mukha na magpakita sa akin" mapang-uyam kong bungad kay Chanyeol, bakas pa din sa mukha nito ang mga galos at pasa na natamo nya dahil sa pangbubugbog ko. Hindi ito nakulong dahil na din sa kagustuhan ni Chaeng.

"Gusto kong humingi ng tawad sa nangyari" mahinang turan nito, napa-angat ako ng kilay.

"Hindi ka dapat sa akin humihingi ng tawad"

"Kaya nga ako nagpakita sayo ngayon dahil gusto kong humingi ng tulong" lalong tumaas ang kilay ko sa tinuran nyang yun "Look Jisoo nagsisisi na ko sa ginawa ko kay Chaeng, gusto kong bumawi. Mahal ko si Chaeng" nagsisimula ng magsipatakan ang mga butil ng luha galing sa kanyang mga mata.

Kumirot ang dibdib ko ng biglang pumasok sa isip ko ang sagot ni Chaeng nung tinanong ko kung mahal nya pa si Chanyeol, napangiti ako ng mapait mahal nila ang isa't isa. Nagulat ako ng lumuhod si Chanyeol sa harapan ko, magkadaop ang mga palad nito habang nagmamakaawa. Tiim bagang akong pumikit habang unti-unti kong naikuyom ang aking mga kamao.

"Ipangako mong hindi mo na ulit sasaktan si Chaeng" may diin kong saad sa kanya na kaagad nyang tinanguan.

"Salamat Jisoo" sambit nito matapos nyang tumayo mula sa pagkakaluhod, isang tipid na ngiti lamang ang isinukli ko sa kanya bago tumalikod at muling maglakad pabalik sa loob ng tent.

"Sigurado ka ba sa ginagawa mo Jisoo?" bungad ni Manager Ken pagpasok ko ng tent. Alam ni Manager Ken ang lahat parang nakakatanda ko na itong kapatid, lahat ng problema ko sa kanya ko sinasabi.

"Sa tingin ko Manager ito ang tamang gawin" sagot ko saka muling umupo sa harap ng malaking salamin para muling magkabisa ng script.

"Mahal mo talaga sya no? Pati sarili mong kasiyahan kaya mong talikuran makita lang syang masaya"

"Sobra" maikli kong tugon habang nakatitig sa buong repleksyon ko sa harap ng salamin.

Para sa ikakasaya ni Chaeng nakahanda akong tulungan si Chanyeol, nakahanda akong magparaya at magpaubaya kahit na ikadudurog at ikawawasak ko sa bandang huli.

~

Jennie's POV

"Jennie your design is impressive" napangiti ako sa tinurang iyon ni Mr. Lee, isa sa mga kasosyo namin sa kompanya.

"I agree to Mr. Lee, this is great" sabat naman ni Mr. Chen na lalo ko pang ikinangiti habang masaya namang tumango tango sina Mr. San at Ms. Wang, ang tatlo pang kasosyo namin ni Papa.

"Thank you, I can breath now knowing na pasado sa inyo ang mga designs for our summer collection campaign" masaya kong turan saka sinenyasan si Chaeng para isara ang presentation sa white board, madali naman nitong na-exit ang power point at ini-off ang projector.

"By the way Miss Kim is everything settle about the campaign? You know the photography team, the model and the venue" takang tanong ni Miss Wang, binigyan ko sya ng isang matamis na ngiti.

The Waikapu Guest House (COMPLETED)Where stories live. Discover now