Chapter 37

846 26 0
                                    

Ilang linggo din ang inilagi ng buong team ni Jennie sa isla, kahapon ang huling araw ng photoshoot at sa wakas ay makakauwi na silang lahat ng Korea.

"Have a safe flight Esther" nakangiting paalam ni Jennie sa kanyang naging model na si Miss Esther Yu kasama ang manager nito. Kasalukuyan na silang nasa airport at napagpasyahan ng manager ni Esther na babalik na muna sila ng China para makapagpahinga.

"We will Jennie, you too have a safe flight. Keep in touch" ganti ni Esther saka niyakap ang huli, matapos ang yakapan ay bumaling naman ito sa buong team "All of you have a safe flight, thank you for taking care of me and my manager" wika nito sabay yuko bilang paggalang sa buong crew.

"Lisa-shi" tawag ni Esther ng pansin kay Lisa na kakadating lang galing sa comfort room.

"Miss Yu" lumapit ito ng bahagya kay Esther.

"Lisa-shi thank you" wika nito na ikinanuot ng noo ni Lisa.

"For what Miss Yu?"

"For everything you've done in the photoshoot. It's so nice to be your model" nakangiting sambit nito na ikinatango naman ni Lisa.

"No need to thank me, you did the job well done Miss Yu" masayang tugon ni Lisa saka ginulo ang buhok nito. Kaagad natigil si Lisa ng may tumighim sa kanyang likuran, ramdam nya ang matatalim na titig na ani mo'y tumatagos sa kanyang balat sa sobrang talim. Mabilis nitong inalis ang kanyang kamay na nakapatong sa ulo ni Esther saka dahan dahang lumingon sa kanyang likuran.

"J-Jennie" alanganin nitong sambit, kulimlim ang buong mukha ng huli at ani mo'y handang pumatay ng tao.

"Esther I think you should go now" wika nito saka walang sabi sabing tumalikod at hinarap ang buong team "All of you let's go" utos nito bago nag-umpisang maglakad papalayo hilahila ang kanyang bagahe.

"Uhmm.. we will go now Miss Yu, keep safe" dali daling paalam ni Lisa saka sumunod sa kina Jennie hindi na ito naghintay pa ng tugon mula kay Esther.

"Hey Chaeng ako dyan" mahinang bulyaw ni Lisa pagpasok nya ng eroplano, hindi nito inaasahan na nakaupo na si Chaeng sa tabi ni Jennie.

"Doon ka na lang Lisa sa tabi nina Jisoo" pakiusap sa kanya ni Chaeng.

"Bakit ako? Ikaw dapat doon saka girlfriend ko yang katabi mo ipinapaalala ko lang sayo" simangot na sambit ni Lisa.

"Girlfriend ka lang, secretary nya ko" pagmamaldita tugon ni Chaeng.

"Aba't-" hindi na naituloy pa ni Lisa ang pagpoprotesta ng bumaling sa kanya ng tingin si Jennie, matalim ang naging titig nito na tumatagos sa kanyang buong kalamnan.

"You two stop, para kayong mga bata" mahinang suway nito sa dalawa "Maupo ka na doon Lisa"

Wala na ding nagawa pa ang huli kundi ang sundin ang gusto ni Jennie ngunit bago ito tuluyang umalis isang matalim na tingin muna ang iginawad nya kay Chaeng na ikinatawa lamang nito, yung tawang parang nang-aasar.

~

Jennie's POV

Matapos ang mahaba habang byahe ay narating din namin ang Korea, napangiti ako habang nilalanghap ang hangin pagkalabas ko ng airport. Ilang linggo din kaming namalagi sa Thailand, napakaraming nangyari sa pamamalagi namin roon. Bahagya akong nagulat ng may umabot sa aking isang kamay.

"Hi Miss" nakangising bungad ni Lisa saka pinaglakip ang aming mga palad "I miss you"

Bahagya akong napangiti "Silly, ilang oras lang tayong hindi nagkita namiss mo na ko agad"

"Yahh Jennie Kim, kahit segundo man yan o minuto basta magkalayo tayo palagi kitang mamimiss" taas baba ang kilay na saad nito.

"Tama na ang landian baka gusto nyong sumakay na ng sasakyan" mataray na wika ni Chaeng bago sumakay sa driver seat ng kotse, napairap ako sa kanya. Great timing Chaeng.

"Sakay na baka maisipan pa ni Chaeng iwan tayo dito" natatawang sambit ni Lisa.

"Ay wow! Ano ako driver nyo?" reklamo ni Chaeng matapos naming sumakay ni Lisa sa likuran ng sasakyan.

"Pwede ba Chaeng ang dami mong problema sa buhay, mag drive ka na lang bibilhan na lang kita ng pagkain na gusto mo" pagpapatahimik ni Lisa rito.

Nagliwanag naman kaagad ang mukha ni Chaeng ng marinig nito ang salitang pagkain at mabilis na pinaandar ang kotse "Bakit hindi mo sinabi kaagad sana kanina pa tayo umaandar"

Sasagot pa sana si Lisa ng kaagad kong hinawakan ang kanyang kamay dahilan para matigil ito sa pakikipag debate kay Chaeng.

"Chae asan pala sina Jisoo at Nayeon?" maya maya'y tanong ko sa kanya, bigla namang nag-iba ang timpla ng mukha ni Chaeng na ipinagtaka ko.

"Sinundo sila kanina ni Manger Ken, hindi na sila nakapagpaalam sa inyo nagmamadali yata" malamig na sagot nito na ikinatango ko na lamang. May iba sa awra ngayon ni Chaeng, kung kanina ay maaliwalas ang mukha nito ngayon ay hindi na ito maipinta. May nasabi ba akong hindi maganda?

Matapos noon ay wala ng nagsalita pa, bahagya kong nilingon si Lisa nakayuko ito habang nakapikit. Dahan dahan kong isinandal ang kanyang ulo sa aking balikat saka kinintalan ng halik ang kanyang noo.

~

"Where is my father?" agad na tanong ko sa secretary ni Papa ng makapasok ako sa opisina nito, bahagya pa itong nagulat ng makita ako. Pinauna ko muna sina Chaeng at Lisa sa opisina ko saka ko napagpasyahang pumunta rito.

"M-Miss Jennie" tila takot na tugon nito.

"Where is my father?" pag-uulit kong tanong.

"Nasa conference room po sila Miss Jennie"

Agad akong naglakad palabas ng opisina ni Papa at nagtungo sa conference room, natigil ang lahat ng bumungad ang mukha ko sa kanilang harapan.

"Jen?" gulat na tanong ni Papa, pati ang mga investor ay gulat din ng makita ako.

"What is happening Pa? Parang nakakita kayo ng multo?" nagtataka kong tanong habang papasok ng conference room.

Walang nakasagot sa tanong ko, lahat sila ay tila napako sa kanikanilang mga upuan. Isa isa ko silang pinagmasdan ng buong pagtataka. Isang magazine ang nakakuha ng aking atensyon, nasa harap iyon ni Papa. Kaagad kong dinukwang ang magazine.

"No Jen" sigaw ni Papa ngunit bago pa man nito iyon mabawi sa kamay ko ay mabilis ko na iyong nabuklat. Natigilan ako sa aking nakita, nanginginig ang mga kamay ko sa galit.

"Kailan pa to?" nanginginig kong tanong. Wala sa kanila ang kumibo.

"Tinatanong ko kayo kailan pa to?" sigaw ko saka inihagis sa harap nila ang magazine ng kalaban na kompanya, tumambad doon ang lahat ng mga denisign kong damit na ginamit namin sa photoshoot. Nanghihina akong napaupo sa sahig, ninakaw nila ang mga design ko.

"Jennie anak, huminahon ka" pagpapakalma sa akin ni Papa.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin to Pa?" puno ng hinanakit kong tanong sa kanya.

"Ayaw kong bulabugin ka sa bakasyon mo Jen kaya hindi ko sinabi sayo to" malungkot nitong tugon. Napabuga ako ng hangin saka pinakalma ang aking sarili. Tumayo ako ng tuwid saka muli silang hinarap.

"Nasisiguro kong may traydor sa loob ng kompanya ko, aalamin ko kung sino yun at ipinapangako ko na magbabayad sya sa pagtatraydor nya sa kompanyang ito" may diin kong wika, nagngingitngit ang loob ko sa galit. Inisa isa ko ulit silang tiningnan bago ako lumabas ng kwartong iyon.

The Waikapu Guest House (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon