Chapter 48

1K 26 0
                                    

Isang buwan..

Isang buwan ang matulin na dumaan, sa paglipas ng mga araw unti-unting lumalala ang kondisyon ni Lisa. Tanging sa chemotherapy na lang umaasa sina Irene sa ngayon, kada session laging nasa tabi ni Lisa si Jennie. Hindi pa din sumusuko sina Irene at Bambam para hanapin ang dating doktor ni Lisa sa pag-asang baka pwede pa nitong isalba ang buhay ng huli.

Jennie's POV

Naalimpungatan ako sa kalagitnaan ng gabi, mabilis akong tumunghay sa pagkakadukdok mula sa mga bulto ng mga papel na nakabalandra sa ibabaw ng lamesa, sa sobrang dami kong binasang report hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Mabilis kong nilingon ang kinaroroonan ng kama at agad na naalarma ng makitang wala doon si Lisa. Tuluyang nagising ang diwa ko binalot ang dibdib ko ng matinding takot at kaba habang inililinga ko sa buong sulok ng silid ang aking paningin sa pag-asang matatagpuan ko si Lisa sa kahit saan mang sulok ngunit bigo ako.

Mas lalong tumindi ang takot na nararamdaman ko ng may marinig akong malakas na pagkalabog na nagmumula sa banyo, pinilit kong ihakbang ang aking mga paa patungo sa harapan ng pintuan at dahan dahan iyong binuksan. Isa isang nagsilaglagan ang aking mga luha ng bumungad sa akin si Lisa. Nagkalat ang mga patak ng pulang likido habang nakaluhod si Lisa sa sahig at sumusuka ng dugo.

Agad akong lumuhod at nagsisisigaw habang umiiyak "Irene..help" tarantang tawag ko sa pangalan ni Irene. Nanghihinang naupo mula sa pagkakaluhod si Lisa saka sumandal sa aking balikat habang nakaalalay ang aking mga bisig sa kanyang katawan. "I got you Lis, it's gonna be okay. You're going to be okay" bulong ko kasabay ng pagpatak ng aking mga luha. Narinig ko ang mga yabag patungo sa kinaroroonan namin at ang pagsinghap ni Irene sa likuran ko "Irene tumawag ka ng ambulansya" utos ko na mabilis naman nitong sinunod.

Dahan dahang inabot ni Lisa ang aking pisngi saka iyon marahang hinaplos kasabay ng pagsilay ng isang ngiti sa kanyang mga labi "Please Love..don't cry.. I hate it when you cry" pansamantala itong tumigil saka umubo mas lalo akong natakot ng may tumulo muling dugo sa gilid ng kanyang bibig.

"Stay with me Lis, don't you dare fucking leave me like this" pagalit kong banta sa kanya kasabay ng mumunting hikbi, tanging mahinang tawa lang ang iginanti nito sa akin.

"You're the most amazing.. incredible.. beautiful.. being I've ever met Jen, even if we can't be together in the end I'm glad that I'll become part of your life.. I'm glad that the universe let me stay with your side even in the short period of time" nakangiting saad nito habang nakatitig sa akin ng may buong pagmamahal, unti-unting namuo ang mga luha sa gilid ng kanyang mga mata.

"Don't say that Lis, gagaling ka lalaban tayo diba. Nangako ka walang bitawan diba" nadudurog ang puso ko, natatakot ako sa pwedeng mangyari kay Lisa. Isang mahinang pagtango ang pinakawalan nito. Nanatili lang kami sa ganung posisyon hanggang sa tuluyang dumating ang ambulansya.

~

I felt weak, pakiramdam ko wala akong kayang gawin para isalba ang buhay ni Lisa. Tahimik lang akong umiiyak habang nakatitig sa kanya na mahimbing ng natutulog, mabilis naagapan ng mga doctor at nurse ang pagdurugo ni Lisa kanina ng isugod namin sya dito sa ospital. Taas baba ang dibdib nito at tanging tunog lang ng aparato ang maririnig sa loob ng kanyang silid. Mas lalong nagsisikip ang dibdib ko habang pinagmamasdan ang kanyang mukha, sa nakalipas na isang buwan malaki na ang ibinaba ng kanyang timbang. Napagpasyahan kong lumabas muna para maglakadlakad at magpakalma.

"Irene please look for her" paalam ko saka tumayo.

"Saan ka pupunta?" balik na tanong naman ni Irene, kagaya ko ay mugto din ang kanyang mga mata dahil sa labis na pag-iyak.

"Lalabas lang ako magpapahangin" tugon ko na ikinatango naman nito.

Dahan dahan akong lumabas ng silid saka wala sa sariling naglakad sa hallway, ni hindi ko alam kung saan ba ako pupunta. Sa kakalakad natagpuan ko na lamang ang aking sarili sa tapat ng pintuan ng maliit na chapel sa may gilid ng ospital.

The Waikapu Guest House (COMPLETED)Where stories live. Discover now