Chapter 33

1K 32 3
                                    

Chaeng's POV

Tatlong oras na ang nakakaraan matapos naming umalis sa dalampasigan at mapagpasyahang magtungo na sa kanya kanya naming kwarto. Hindi ko alam kung ano na ang nagyari kay Lisa at Jennie matapos ng mga kaganapan kanina pero sana naman ay maganda ang kahantungan nilang dalawa.

"Chaeng tulog ka na ba?" rinig kong tanong ni Jisoo sa tabi ko, nakahiga ako patalikod sa kanila at pinaggigitnaan namin sya ni Nayeon. Hindi ako tumugon nagkunwari lang akong tulog.

"Chu tulog na yata sya" rinig kong sabat ni Nayeon, napaawang ang mga labi ko ng marinig ko kung paano tawagin ni Nayeon si Jisoo. Sa pagkakaalam ko tanging malalapit at mga espesyal lamang na tao ang pinapahintulutan ni Jisoo na tawagin sya sa alyas na yun sa makatuwid espesyal sa kanya si Nayeon.

"Siguro nga tulog na sya Nabong" tugon ni Jisoo, maging ito din ay may espesyal na alyas para kay Nayeon.

Napaigtad ako sa takot ng biglang may malakas na pagkulog na may kasamang pagkidlat. Akmang haharap na ako kay Jisoo para sana sya ay yakapin ngunit agad akong natigilan ng marinig ko ang paghikbi ni Nayeon.

"Shhhh.. tahan na nandito lang ako" rinig kong sambit ni Jisoo, puno ng lambing ang kanyang boses. Napangiti ako ng mapait, sa akin nya dati sinasabi ang mga katagang iyon kapag umuulan at kumikidlat. Dahan dahan akong nag-angat ng tingin at sumulyap sa gawi nila na dapat sana ay hindi ko na lang ginawa. Mahigpit ang yakap ni Jisoo kay Nayeon habang hinahaplos ang buhok nito, mabilis akong bumaling muli patalikod sa kanila. Pagkalapat na pagkalapat pa lamang ng aking paningin sa pader ay kaagad na nagsilandasan ang mga luha sa aking mga pisngi tinakpan ko ang aking bibig ng sa gayun ay hindi nila marinig ang aking paghikbi, kumikirot ang aking dibdib. Ako dapat ang nasa mga bisig ni Jisoo, ako dapat ang yakap nya sa mga oras na ito.

"Chu wag mo kong bibitawan please" rinig kong bulong ni Nayeon habang humihikbi.

"Hindi kita iiwan, dito lang ako hanggang matapos ang pagbuhos ng ulan" tugon ni Jisoo, lalong tumindi ang pagkirot na nararamdaman ko. Naguguluhan na ako, alam kong mahal ko si Chanyeol sa kabila ng mga ginawa nya sa akin pero ngayon nag-uumpisa na akong magtaka sa totoo kong nararamdaman.

Sa buong magdamag ay tahimik akong umiiyak habang magdamag namang magkayakap sina Jisoo at Nayeon.

~

Jennie's POV

"Good morning" bungad sa akin ni Lisa pagkamulat na pagkamulat pa lamang ng aking mga mata.

"Morning" ganting tugon ko habang nakangiti, dahan dahan kong inabot ang mukha ni Lisa at saka pinalandas ang isa kong daliri mula sa kanyang mga maaamong mata pababa sa matangos nyang ilong hanggang sa kanyang mapupulang labi "Totoo ba to? Nandito ka ba talaga sa tabi ko?" magkakasunod kong tanong, hanggang ngayon ay hindi pa rin lubos na napoproseso ng utak ko ang lahat ng nangyari pasimula pa kagabi. Kaagad nyang hinuli ang kamay ko saka pinaglapat ang aming mga palad.

"Hindi na kita ulit iiwan pa" mariin akong napapikit ng lumapat ang mainit nyang labi sa aking noo. Ilang minuto muna kaming nanatili sa ganung pwesto bago namin mapagpasyahang bumangon.

Hawak kamay kaming lumabas ng kwarto at nagtungo sa loob ng kusina para maghanda ng almusal tutal ay maaga pa naman at wala pang ibang taong gising bukod sa amin ni Lisa.

"Anong pwede kong itulong?" tanong ni Lisa habang nakayakap sa likuran ko.

"Natatakot ako na baka masunog mo ang buong kusina" pang-aasar ko sa kanya habang nagluluto ng pancake.

"Yun ba talaga ang dahilan o baka naman mas gusto mong nakayakap lang ako sayo?" pang-aasar din nito pabalik sa akin.

"Sort of" pagsakay ko sa pang-aasar nya.

"Okay" pagsagot ni Lisa bago halikan ang aking pisngi at yakapin pa ako ng mahigpit "Kakantahan na lang kita" napangiti ako saka tumango. Akmang kakanta na sana si Lisa ng may tumighim sa aming likuran.

"Good morning Jichu" masaya kong bati kay Jisoo ng lingunin namin sya ni Lisa. Nanlalaki ang mga mata nitong lumapit sa kinaroroonan namin, nagulat ako ng bigla nyang damahin ang aking noo.

"May sakit ka ba?" napakunot ang aking noo, ako may sakit?

"Ha? Anong sakit?"

"Matapos ang mahabang panahon ito ang kauna-unahang beses na ngumiti ka ulit Jen" saad nito bakas sa kanyang tono ang pagkabigla "Akala ko ay hindi ka na muli pang ngingiti" maging ako man ay hindi rin makapaniwala, napalingon ako kay Lisa nakangiti lang ito sa tabi ko.

Muling nagkakulay ang madilim kong mundo sa muling pagbabalik ng taong naging dahilan ng mga ngiti ko.

~

"Lisa-shi good morning" palihim akong napairap ng marinig ko ang boses ni Esther, mula ng mag-umpisa ang photo shoot na to nagsisisi na ako kung bakit si Esther ang naisipan kong kuning model.

"Morning Miss Yu" masayang bati pabalik ni Lisa na nakaupo sa tabi ko dito sa tent.

"Good morning Miss Kim" pormal namang bati ni Esther sa akin blangko naman akong tumango bilang tugon.

"Lisa-shi" pagkuha ni Esther sa atensyon ni Lisa.

"Yes Miss Yu?"

"Do you still think I'm beautiful today?" kunwaring nahihiyang tanong nya kay Lisa saka umikot ikot sa harap namin suot ang dress na ako mismo ang nagdesinyo. Matapos nyang umikot ikot ay tumigil ito saka inilagay ang dalawa nyang palad sa kanyang baba, makailang beses din itong kumurap kurap sa harap ni Lisa. Nakahalukipkip lang akong nakatingin, nakamasid sa mga pinaggagagawa nya. Kung pwede lang manipa baka kanina pa ko nakapanipa siguradong sa gitna ng dagat ang bagsak ng babaeng to.

"Why worry Miss Yu, you always look stunning" puring tugon ni Lisa na ikinangiti naman ni Esther.

"Thank you Lisa-shi" tugon nito bago yumuko, palihim na naman akong napairap.

Kaagad kong kinurot si Lisa sa tagiliran ng makaalis si Esther sa harap namin para magtungo sa kinaroroonan ng ibang kong staff.

"What the hell is that for Jennie Kim?" nakangiwing tanong ni Lisa habang hinahaplos ang kanyang tagiliran na kinurot ko.

"Wag mo kong ma- What the hell, What the hell Lisa. Ano yun? Bakit may pa-"Why worry Miss Yu you always look stunning" ka pang nalalalaman?" may diin kong tanong sa kanya.

"I'm just giving your model some positive vibe Miss Kim" pangangatwiran nya sa harap ko.

"Positive vibe my foot!" pairap kong tugon.

"Hey bakit ka nagagalit?"

"I'm not mad, just asking" tiim bagang kong tugon saka nag-iwas ng tingin mula sa kanya.

"Okay if you say so, I'm going to do my work now my Love but before that give me some kiss" napataas ang isa kong kilay.

"Baka may makakita sa atin" pagtanggi ko sa kanya, wala pang nakakaalam na nagkabalikan na kami ni Lisa si Jisoo pa lang pero baka sa mga oras na to alam na din ni Chaeng knowing Jisoo.

"Just one kiss my lovely CEO" wala na kong nagawa pa agad kong ginawaran si Lisa ng isang mabilisang halik. Malawak na ngiti ang iginawad nito sa akin bago magpaalam para magtungo na sa kinaroroonan nina Esther.

Speaking of Chaeng, kanina ko pa sya hindi nakikita. Mabilis kong inilingalinga sa buong paligid ang aking paningin, natagpuan ko ang pigura ni Chaeng na nakatayo mula sa hindi kalayuan nakatulala ito habang nakatingin sa malayo. Dahan dahan kong sinundan kung saan sya nakatitig bigla akong napahawak sa aking sentido, nakatulala si Chaeng sa kinaroroonan nina Jisoo at Nayeon na masayang naglalakad patungo sa dalampasigan habang magkahawak ang mga kamay.

The Waikapu Guest House (COMPLETED)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu