Chapter 22

862 31 0
                                    

Seulgi's POV

"Aigoo ang bigat mo Jennie" reklamo kong saad matapos kong ihiga si Jennie sa kwarto nya dito sa guest house.

"Inom pa Jennie Kim tss.." hindi ko tuloy maiwasang hindi magsermon sa pinaggagagawa ng babaeng to.

Kumuha ako ng isang batya ng tubig at towel para punasan ang mga braso at ang mukha ni Jennie ng kahit paano ay gumaan ang kanyang pakiramdam.

"Lisaaa" mahina nitong ungol sa pangalan ni Lisa habang nakapikit, wala sa sariling napangiti ako habang pinupunasan si Jennie. Kahit ilang beses mang itanggi ng babaeng to alam ko na si Lisa pa rin. Natigil ako sa pagpupunas ng mag vibrate ang cellphone ko sa bulsa.

"Seul, kumusta na sya?" automatic na napa ikot ang aking mga mata.

"Tang*na okay lang ako, salamat sa pangungumusta ha" sarcastic kong tugon, mahinang tawa lang ang isinagot sa akin ng taong nasa kabilang linya.

"Okay naman sya medyo lasing nga lang ngayon pero okay pa naman" tugon ko sa kanya habang nakatingin sa mukha ni Jennie na natutulog. Biglang natahimik sa kabilang linya kaya agad akong naalarma.

"Hoy andyan ka pa ba?" pagpukaw ko sa atensyon nya mahihinang paghikbi ang naging tugon nya sa akin.

"Gago ang bakla mo wag ka ngang umiyak" pagsuway ko sa kanya, tang*na pati ako nababakla na din "Pinagbubutihan ko ang pagbabantay sa kanya katulad ng hiniling mo" dugtong ko, naging seryoso na ang paligid habang may namumuong mga butil ng luha sa sulok ng aking mga mata.

"S-salamat Seul" napangiti ako.

"Pakiusap bumalik ka na" mahina kong bulong sa kabilang linya "Masyado ka ng nagpapamiss" sa pangalawang pagkakataon tanging mahinang tawa na naman ang isinukli nya sa akin.

"Soon" huli nyang sambit bago tuluyang putulin ang tawag. Muli akong nagbaling ng tingin sa gawi ni Jennie habang nagpupunas ng luha.

"Narinig mo yun Jen malapit na syang bumalik" pagkausap ko kay Jennie na natutulog, bahagya akong natawa ng tuluyan kong marealize yung sinabi ko. Baliw Seulgi hindi nya narinig tulog nga eh sigaw ng isang bahagi ng utak ko saka ko mahinang binatukan ang sarili ko.

Matapos kong punasan si Jennie ay kaagad ko itong kinumutan bago napagpasyahang matulog na din.

Jennie's POV

Bahagya akong naalimpungatan ng makaramdam ako ng pagkauhaw, napahawak ako sa ulo ko ng bigla akong mahilo. Ilang segundo ko munang pinakiramdaman ang sarili ko kung kaya ko bang maglakad nang maging okay na dahan dahan akong tumayo bago sandaling napasulyap sa orasan sa ibabaw ng lamesa alas tres na pala. Mabilis akong bumaba ng kusina para uminom, babalik na sana ako sa loob ng kwarto ng madako ang tingin ko sa hagdan paakyat ng third floor. Matagal tagal na din mula ng huli akong umakyat roon, iniiwasan ko ang mapapadpad sa third floor lalong lalo na sa roof top napakasamang ala-ala ang huli kong naranasan roon.

Pero iba ang pakiramdam ko ngayon para bang may humihila sa akin at pilit akong hinahatak paakyat sa third floor. Sa huli napagdesisyonan ko din na umakyat at mapadpad sa isang kwartong iniiwasan ko sa loob ng dalawang taong nakalipas.

Napahinga ako ng malalim habang nakatingin sa pintuan ng music room, ang kwartong lagi naming pinagtataguan ni Lisa.

Lisa.. napangiti ako ng mapait sino nga si Lisa? Tanong ko sa sarili ko pero sino nga ba ang niloloko ko kahit anong pilit kong kalimutan ang pangalan na yun hindi ko kaya. Hindi na sya kayang mabura, dahan dahan kong inabot ang door knob. Handa na nga ba akong muling pasukin ang dating lugar kong saan nakatago ang lahat ng ala-alang kanyang iniwan, masasaya man o malulungkot. Ang kwartong dating punong puno ng mga pangako na ngayon ay napako.

The Waikapu Guest House (COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz