Chapter 39

825 26 0
                                    

Jennie's POV

"Chae any update?" malamig kong tanong kay Chaeng ngunit nasa harap ng mga files ang aking tingin, mga report na iniisa isa kong basahin.

"Wala pa Jen, wala pa akong nakikitang lead hanggang ngayon. Ilang beses na kong nagmasidmasid ngunit walang ibang kahinahinala" napabuga ako ng hangin sa naging tugon ni Chaeng, ramdam ko nasa loob lang ng kompanyang ito ang nagtatraydor sa akin ang tanong ay sino sa mga nandirito ang taong yun.

Nag-angat ako ng tingin kay Chaeng "Matutunton din natin ang traydor Chae" may diin kong wika sa kanya.

"Uhmm Jen lunch na di ka ba kakain?" maya maya'y tanong nito.

"Mauna ka na wala ako sa mood lumabas ng opisina" sagot ko sa kanya saka muling nagbaba ng tingin sa bulto ng mga papel na nasa harap ko.

"Sige, magpapaalam din sana ako baka malate ako ng balik" paalam ni Chaeng ngunit may bahid ng alinlangan sa kanyang boses.

"Si Chanyeol ba?" pagkompirma ko ngunit hindi pa rin ako nag-aangat ng tingin mula sa mga papel.

"Oo eh, okay lang ba?" tumango ako bilang tugon.

"Go Chae" hindi na ito tumugon bagkos ay naramdaman ko na lang ang pagsara ng pinto.

Ilang minuto din ang lumipas, kalahati pa lang ng mga tambak na report ang nababasa ko, sumasakit na ang ulo ko sa kakabasa. Bahagya kong inalis ang suot kong salamin saka minasahe ang aking sentido habang nakayuko. Habang nakapikit ay narinig ko ang unti unting paglangitngit ng pinto ng opisina ko senyales na may pumasok.

"Chae akala ko ba mamaya pa ang balik mo?" tanong ko sa pumasok habang nakayuko, hindi na ko nag-abala pang tingnan kong sino ang taong yun sigurado naman akong si Chaeng ang pumasok. Hindi ito tumugon sa halip ay naramdaman ko na lamang ang mga kamay na humahagod sa aking sentido.

"Masyado mong ini-stress ang sarili mo, hindi ka pa kumakain. Ang tigas ng ulo mo Miss Kim" sita sa akin ng taong nasa likuran ko, nagmulat ako ng mata saka tumingala para kumpirmahin kong tama nga ang hinala ko.

"Lisa" mahina kong sambit habang nakatingala ng bumungad sa harap ko ang mukha nito, ngumiti ito sa akin saka kinintalan ng halik ang aking noo.

"Kumain ka na may dala akong pagkain" malambing na saad nito saka nginuso ang isang plastic na may lamang take out "Chaeng called me ayaw mo daw lumabas ng opisina mo"

"Thanks" maikli kong wika, kahit ilang beses kong sigaw sigawan si Lisa hindi pa rin ako nito sinusukuan. Ni minsan ay hindi ako nito sinigawan pabalik. Ginagap ko ang dalawa nitong kamay na naging dahilan para itigil nito ang pagmamasahe. "Kumain ka na ba?" tanong ko sa kanya pagkatapos kong tumayo sa aking upuan.

Ngumiti lang ito saka tumango "Gusto mo ng kape?" balik na tanong nito na ikinatango ko, muli na naman nitong kinintalan ng maikling halik ang aking noo bago umalis ng opisina ko.

"Can I stay here Jen?" alanganing tanong ni Lisa matapos nyang ilapag ang tasa ng kape sa harap ko.

Tiningnan ko muna sya na para bang sinusuri ang kanyang kabuuan "How about the photoshoot for Allure's Magazine? Does you manage to finish it today?" mauturidad kong tanong habang nakataas ang isang kilay.

"I already did" sagot nya na ikinatango ko.

"Good then you're allowed to stay here" pagpayag ko saka muling itinuon ang pansin sa pagkaing nasa aking harapan.

Habang kumakain ramdam ko ang isang pares ng mga mata na mariing nakatitig sa akin muli na naman akong nag-angat ng tingin at nakakunot ang noong bumaling kay Lisa na nakahalumbaba sa harap ko habang malawak ang pagkakangiti.

The Waikapu Guest House (COMPLETED)Where stories live. Discover now