Chapter 43

912 26 1
                                    

Chaeng's POV

Ilang beses ko itong pinag-isipan, makailang ulit kong tinanong ang sarili ko kung tama ba ang gagawin ko. Ngayong gabi buo na ang aking pasya na tuluyang palayain ang sarili ko.

"Chaeng" rinig kong tawag ni Chanyeol sa akin, nahinto ako sa paglalakad saka tumingin sa kanya.

"Hmmm?"

"Are you alright?" tugon na tanong nito, isa isang nagsipag-alpas ang mga likido sa gilid ng aking mga mata.

"Chanyeol I'm sorry I can't do this anymore" humihikbi kong sambit sa harap ni Chanyeol. Nagulat ito sa bilis ng pangyayari.

"Do you have to do this Chaeng?" nanginginig ang boses nya habang tinatanong yun sa harap ko. Doble doble ang sakit na nararamdaman ko, sakit para sa kanya at sakit para sa akin.

"Ayokong saktan ka pa kung ipagpapatuloy pa natin to, patawarin mo ko pero hindi ko na mahanap ang pagmamahal ko para sayo" tuluyan ng nagsipatakan ang mga luha ni Chanyeol, sa kauna-unahang pagkakataon ito ang unang beses na nakita kong umiyak ito sa harapan ko.

Nagulat ako ng bigla itong lumuhod sa harap ko saka hinawakan ang mga kamay ko ng mahigpit "Wag naman ganito Chaeng, mahal kita. Mahal na mahal pangako ko sayo hindi kita mamadaliin wag mo lang akong iwan. Please Chaeng wag ka munang bumitaw" umiling ako habang parehas kaming humihikbi.

"Hindi ko na kayang lokohin pa ang sarili ko Chanyeol, tumayo ka na dyan" pilit ko syang pinapatayo ngunit nagmatigas pa lalo ito at sa halip ay niyapos nito ang magkabila kong binti ng mahigpit.

"Mahal kita Chaeng, pinagsisisihan ko na ang nagawa ko sayo noon. Gagawin ko ang lahat wag mo lang akong iwan, magtitiis ako Chaeng mahalin mo lang ako ulit kahit kunwari lang hanggang sa mahanap mo na ulit ang pagmamahal mo sa akin gaya ng dati"

"Makinig ka sa akin Chanyeol hindi na kita mahal at hindi na kita kaya pang mahalin, please lang wag mo ng pahirapan pa ang sarili mo" may diin kong sambit ngunit puno ng pakiusap ang aking boses, parang sinasaksak ako ng ilang libong patalim habang patuloy kong naririnig ang paghikbi ni Chanyeol at ang pagmamakaawa nito. Nahihirapan akong makita sya na ganito madami dami na din ang pinagdaanan naming dalawa, madaming mga planong nabuo ng magkasama ngunit kung ipagpapatuloy ko pa ito parang pinapaasa ko lang sya sa wala.

"Please palayain mo na ako" muling pakiusap ko sa kanya, unti unti nitong inalis ang mga kamay na nakayakap sa aking mga binti.

"Yan na ba ang gusto mo Chaeng?" nakayukong tanong nito.

"Oo gusto ko ng makalaya mula sayo" walang pagdadalawang isip kong tugon sa kanya.

Nag-angat si Chanyeol ng tingin saka ngumiti ng mapait habang nagsisipag-agos pa rin ang kanyang mga luha "Kahit sobrang sakit, kahit sobrang hirap pinapalaya na kita Chaeng. Kung sino man ang taong tinitibok ng puso mo wag ka sana nyang saktan kagaya ng ginawa ko sayo"

This time ako naman ang ngumiti ng mapait matagal na nya akong sinasaktan ng hindi nya nalalaman.

"Patawad Chanyeol at paalam" huling wika ko saka dali daling tumalikod papalayo sa kanya, gumaan ang bigat na nararamdaman ko.

~

Malalim na ang gabi ng marating ko ang harap ng guest house, nagmunimuni muna ako bago ko napagpasyahang umuwi. Bumungad sa akin si Jisoo na nakaupo sa may hagdan, nakayuko ito at nakaharang sa daan.

Kaagad kong tinapik ang balikat nito "Jisoo" tawag ko sa pangalan nya, nag-angat naman ito ng tingin namumungay ang mga mata nito habang nakatitig sa akin.

"Kanina ka pa ba dyan? Pasensya ka na hindi ka tuloy makadaan" sa tono pa lang nya halata mo nalasing nga ito. Saka ko lang napansin ang ilang lata ng beer na nagkalat sa tabi nya.

"Pumasok ka na sa loob" utos ko kay Jisoo saka inisa isang pulutin ang mga latang wala ng laman.

"Mamaya na samahan mo muna ako rito, matagal tagal na din nung huli tayong nagkausap" wala na din akong nagawa kung hindi ang umupo sa tabi nya.

"I miss you Chae" bulong nito ngunit klaro sa pandinig ko, unti unting kumabog ng malakas ang dibdib ko. Sunod sunod ang naging paglunok ko pakiramdam ko ay natutuyo ang lalamunan ko. Hindi ako sumagot wala akong maisip na kahit anong kongkretong mga salita na pwede kong itugon.

"Ang sakit Chaeng, she cheated on me" nag-umpisa na itong humikbi hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o dapat akong magalit.

"W-what?" gulat kong tanong ang lakas naman ng loob ng babaeng yun na saktan ang taong mahal ko.

"Nayeon cheated on me I saw her with another man, both of them..... almost naked" hirap na hirap si Jisoo habang nagsasalita "but you know what after what she've done I accepted her again.. even I'm just her option"

Pwede ba magmura? Tang*na ang sakit kasi, parang may bombang sumabog sa loob ng dibdib ko.

"Ang tanga mo naman" hindi ko na napigilang hindi magkomento, nandito naman kasi ako.

Ngumiti ito ng mapakla "Alam ko pero anong magagawa ko mahal ko yung tao"

"Jisoo hindi ka pang second option lang, wag mong hayaang ikulong ang sarili mo sa sitwasyon na yan" I want her to realize na mali yung daang pinipili nyang tahakin.

Bumaling ito ng tingin sa akin, sakit at pagkapagod ang tangi kong nababasa mula sa kanyang mga mata "Help me Chae, help me forget her... help me forget the pain"

Sunod sunod ang naging pagtango ko saka sya kinabig upang yakapin at ikulong sa aking mga bisig "I will make you forget all about her" bulong ko sa kanya.

The Waikapu Guest House (COMPLETED)Where stories live. Discover now