Chapter 34

1K 32 13
                                    

Jennie's POV

Naalimpungatan ako sa kalaliman ng gabi, nagising ang diwa ko mula sa mahimbing na pagkakatulog ng marinig ko ang walang humpay na pag-click ng mouse sa hindi kalayuan. Pikit ang isang mata ay kaagad kong kinapa ang espasyo sa tabi ko, mabilis akong nagmulat ng mga mata ng wala akong nakapa, wala si Lisa sa tabi ko. Pilit kong inaninag ang orasan na nakasabit sa dingding, ala dos pa lamang ng madaling araw. Dahan dahan akong bumangon saka iginala ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto, mula sa pagkakaupo ay natanaw ko si Lisa na nakaupo sa study table patalikod sa akin at tanging ilaw lamang na nanggagaling sa lamp shade ang nagsisilbi nyang liwanag. Kaagad akong bumaba ng kama at nagtungo sa kanya habang nakabalot ang makapal na kumot sa buo kong katawan.

"Love, what are you doing?" bulong ko habang nakayakap sa kanyang bewang saka marahang isinisiksik ang mukha ko sa kanyang leeg.

"I can't sleep, did I wake you up?"

"Bakit hindi mo ko ginising?" mabilis na binitawan ni Lisa ang hawak nyang mouse saka ginagap ang dalawa kong kamay na nakayakap sa kanya.

"Jen let's have a date, a midnight date" nakangiti nyang yaya, agad akong kumalas sa pagkakayakap sa kanya at tumayo ng tuwid.

"Are you insane? It's almost two Lis and there you are asking for a date" hindi makapaniwala kong saad.

"Ayaw mo?" tugon ni Lisa, bakas sa kanyang tono ang lungkot. Napairap ako saka humalukipkip.

"Fine, where?"

"Sabi ko na hindi mo ko matitiis" masaya nya kong hinila papalabas ng kwarto, parehas lang kaming nakapantulog.

"Saan ba tayo pupunta?" takang tanong ko habang papalabas kami ng rest house.

"Sa dalampasigan, gusto kong maglakad lakad kasama ka" tugon ni Lisa, pinaglakip nya ang aming mga kamay habang naglalakad nagiging abnormal na naman ang pagtibok ng puso ko sa mga oras na ito.

"Jen why didn't you find someone when I left?" out of the blue na tanong ni Lisa matapos naming huminto sa may dalampasigan. Napatitig ako sa repleksyon ng bilog na buwan sa ibabaw ng karagatan, kasabay ng mahihinang paghampas ng alon ay ang unti unting pagsilay ng isang ngiti sa aking mga labi.

"Because I don't want to" maikli kong tugon, I don't think I can replace her "It was always you Lis"

Ramdam ko ang marahang pagpisil ni Lisa kamay ko. Lisa took some glances on the sea.

"Did you ever try to dance on the seaside Jen?"

"No, I haven't" tugon ko na nagpangiti sa kanya.

"If I ask you to dance with me, would you join me?... Right here, right now"

"What? Are you out of your mind Lisa? How can we dance if there is no music?" I chuckled at her, she ignore me and pull me going to the seaside. We stand there face to face.

"You know I can sing right" nakangiti nitong tugon habang taas baba ang isang kilay, nagpalingalinga muna ito sa buong paligid na tila sinusuri kung may iba pa bang tao rito bukod sa aming dalawa.

"You don't even have to try
Cause you're already mine
The way you light up the night
It's like a million fireflies
Baby you set a blaze
And all of your shine
Can never take away your flame"

The Waikapu Guest House (COMPLETED)Where stories live. Discover now