Chapter 30

966 33 0
                                    

Jisoo's POV

Breath in, breath out. Napangiti ako finally after ng ilang oras na byahe nakarating din ako sa Thailand. Dala ang aking bagahe ay kaagad akong lumabas ng airport mabilis kong inilinga ang aking paningin para hanapin ang taong susundo sa akin hindi naman ako nabigo kaagad ko syang natagpuan.

"Lisaaaaa" sigaw ko habang kumakaway, pinagtitinginan ako ng mga tao pero wala akong pakialam.

"Ang tagal mo Chu kanina pa ko dito" reklamo nya sa harap ko pagkalapit nya sa akin.

"Sana hindi na lang ikaw ang pumunta kung alam ko lang na ganyan ang isasalubong mo sa akin" pagtataray kong sagot, balak kong i-surprise si Chaeng hindi nya alam na susunod ako rito tanging sina Lisa at Jennie lang ang sinabihan ko.

"Jisoo" humihingal na tawag ng isang babae sa likuran ko "Bakit mo naman ako iniwan?"

Napakamot ako sa kilay, sa sobrang excited ko hindi ko na naalala na may kasama nga pala ako papunta rito.

"Ang kupad mo kasing maglakad palibhasa maliit ang biyas mo" pagalit kong tugon sa kanya.

"Ay wow coming from you, remind ko lang sayo magkasing tangkad lang tayo" singhal nito sa harap ko.

"Whatever pasalamat ka nga pumayag pa akong isama ka dito"

Natigil ang pagbabangayan naming dalawa ng biglang tumighim si Lisa.

"Excuse me lang no tapos na kayo? Tsaka sino sya Chu?" takang tanong ni Lisa.

"Mamaya na lang Lis kapag buo na tayo para isang pakilala na lang hindi naman importante ang babaeng yan" boryong sagot ko kay Lisa.

"I hate you Jisoo" padabog nyang saad saka kami iniwan ni Lisa at naglakad papalayo. Nakahalukipkip lang akong nakatingin sa kanya, isang nakakalokong ngiti ang gumuhit sa aking mga labi ng bigla syang bumalik.

"Oh bakit ka bumalik?" mapang-asar kong tanong sa kanya, bigla na lang itong yumuko.

"Hindi ko pala alam yung daan" mahina nyang sagot na ikinatawa ko.

"Yan sa susunod maghintay ka" ani ko na ikinasimangot nito, cute bulong ng isang bahagi ng utak ko.

~

"Miss CEO" bati ko kay Jennie ng makasalubong namin ito sa may sala ng rest house. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang pag-iwas ni Lisa ng tingin kay Jennie.

"Sinong nagbigay sayo ng permisong sumunod rito?" nakataas ang kilay na tanong nito.

"Wala man lang hello or hi? Where is she?" tanong ko din pabalik sa kanya, hindi na ko nag-abala pang sagutin ang tanong nya.

"Oh my god Jisoo" tiling sigaw ni Chaeng, patakbo itong bumaba ng hagdan saka ako niyakap ng mahigpit "Anong ginagawa mo rito?"

Napakamot ako ng batok sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko "S-surprise" sambit ko saka sya binigyan ng isang alanganing ngiti. Napatitig ako sa mga mata ni Chaeng bakas sa kanya ang labis na saya.

"And who are you?" naputol ang pagtitig ko kay Chaeng ng magsalita si Jennie, kaagad akong lumapit sa kinaroroonan ng babaeng kasama kong pumunta rito.

"This is Nayeon, the sister of my manager's girlfriend" pakilala ko sa babaeng katabi ko.

"And why the hell she's here?" mataray na namang tanong ni Jennie.

"Sorry Jen hindi ko nasabi sayo agad, pinakiusap kasi ni manager na isama ko muna si Nayeon wala kasi itong kasama sa bahay nila ng ate nya" paliwanag ko na ikinatango naman nya.

"So saan namin pwedeng ilagay yung gamit namin?" nangangalay na ko sa kakabuhat ng bagahe ko, nagkatingin sina Jennie at Chaeng.

"You can use my room Chu dito na lang ako sa sala matutulog" saad ni Lisa.

The Waikapu Guest House (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin