Chapter 11

1.1K 44 3
                                    

Lisa's POV

"May sakit daw si Jennie?" humahangos na tanong ni Jisoo pagkapasok na pagkapasok nito ng bahay, dalawang araw ng may sakit si Jennie gawa siguro nung naulanan ito ng nakaraang gabi at sa loob ng dalawang araw na yun hindi rin naka uwi si Jisoo dahil nasa malayong lugar ang shooting nito.

"Lisa totoo ba?" pagpukaw nya sa akin, sandali kong itinigil ang pagtitimpla ng gatas para kay Jennie at saka sya nilingon.

"Oo dalawang araw na" seryoso kong sagot.

"Bakit hindi nyo ko kinontak?" may diin nitong sabi.

"Nandito naman kami wag kang mag-alala hindi namin pinabayaan si Jennie" blangko kong sagot, gusto kong sabihin na nandito ako ngunit pinilit kong magkunwari na wala akong pakialam.

Nagulat ako ng walang sabi sabi ako nitong iniwan at nagmamadaling umakyat sa second floor halos madapa na ito at mahulog sa kakamadali. Bakas sa mukha nya ang pag-aalala at pagkataranta, napabuga ako ng hangin.

"Sorry Jisoo" wala sa sarili kong bulong sa hangin.

Pagkatapos kong ayusin ang gatas at ang gamot ni Jennie sa isang tray ay kaagad akong umakyat patungo sa kwarto nya. Hindi na ko nag-abala pang kumatok, unti-unti kong binuksan ang pintuan hahakbang na sana ako papasok ng marinig ko ang boses ni Jisoo na naka upo sa tabi ni Jennie habang ito ay natutulog.

"Mula ngayon Jennie lagi lang ako sa tabi mo aalagaan kita" mahina nitong wika habang hinahaplos ang buhok ni Jennie ngunit mula sa kinatatayuan ko ay rinig na rinig ko ang kanyang sinabi. Kumirot ang dibdib ko gusto kong puntahan si Jisoo at aminin sa kanya ang lahat lahat tungkol sa amin ni Jennie ngunit nagdadalawang isip ako ayaw kong masaktan si Jisoo kapag nalaman nya ang totoo.

"Mahal kita" dugtong pa nito saka kinintalan ng halik ang noo ni Jennie. Hindi ko na kinakaya nagmamadali kong sinira ang pinto at umalis, Umakyat ako sa rooftop habang may tangan na isang can ng beer.

Mariin kong pinagmasdan ang buong paligid na aking natatanaw, napaka-aliwalas ng panahon hindi masyadong maaraw hindi din naman kulimlim. Binuksan ko ang hawak kong beer saka ito nilagok, napakadaming tanong na pumapasok sa aking isipan. Bakit napakahirap ng sitwasyon naming dalawa? Mahal namin ang isa't isa pero napakaraming bagay na dapat ikonsidera, napakaraming taong dapat isaalang alang sa relasyon na to.

Si Jisoo napakabait nyang kaibigan mula noon hanggang ngayon, makakaya ko bang saktan sya ng sobra sobra kung saka-sakali. Muli akong tumingin sa kalangitan saka bumuntunghininga.

"Bakit kailangan mo pa kaming pagtagpuin kung hindi rin naman kami pwede? Bakit kailangan mo pa kaming pahirapan parehas? Bakit hindi kami pwedeng lumigaya sa piling ng isa't isa?" magkakasunod kong tanong ng halos pabulong, hindi ko din alam kung para kanino ang tanong na yun.

Matagal din akong nakatayo sa roof top ng may dalawang bisig akong naramdaman na yumakap sa akin mula sa likuran, amoy nya pa lang ay kilala ko na.

"Hi" malambing ngunit maikli nitong sambit, na kahit ganun kaikli ay may kakaibang kilig na hatid sa buo kong pagkatao.

"Bakit ka umakyat? Baka mabinat ka" nag-aalala kong wika sa kanya habang marahang hinahaplos ang kanyang bisig.

"Nagising ako ng wala ka sa tabi ko kaya hinanap kita, wala ding tao sa baba" tugon nito, haharap na sana ako ng pigilan nya ako at mas lalong yumakap ng mahigpit sa bewang ko.

"Don't"

"Let's stay like this for a while please" wika nito, puno ng pagmamakaawa ang kanyang boses. Marahan nitong isinubsob ang kanyang mukha sa likod ko.

"You are the best thing I never planned and one thing is for sure all I want is you" dugtong nito "I want to hold your hand at 90 with a smile and together we will able to face everyone shouting we made it, how awesome is that right?" napapikit ako sa aking narinig. Gusto kong tumanda kasama si Jennie, I want to stay with her for the rest of my life but how? Kung ngayon pa lang natatakot na ko sa kahihinatnan ng lahat ng to. Natatakot ako sa mga posibleng mangyari.

The Waikapu Guest House (COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz