Chapter 9

1.2K 36 3
                                    

Lisa's POV

"Hey guys how do I look?" natigil ako sa pagtitiklop ng damit at tumingin sa kanya, maging sina Chaeng, Jisoo at Seulgi ay natigil din sa paglilinis at tumingin sa kanya.

"Saan ka pupunta mukhang bihis na bihis ka ah" tanong ni Seulgi, mariin kong pinagmasdan si Jennie naka suot ito ng pang formal attaire.

"Naisip kong maghanap ng trabaho para mabayaran ko ang mga utang ng Papa ko" naka ngiti nitong sagot.

"I admire your determination Miss Kim however it is difficult to find a job now a days lalo na at hindi ka pa naman marunong ng mga gawaing bahay" pang aalaska ko sa kanya.

"Yahh want a bet?" panghahamon nito sa akin, napatawa ako ng mahina. Ako pa talaga ang hinamon ng babaeng to.

"So what is the consequence?" nakahalukipkip kong tugon.

"Kung makahanap ako ng trabaho within this day limang malalakas na pitik sa noo ang matitikman mo galing sa akin" inis nitong wika, ha yun lang pala eh.

"Okay deal, kapag wala kang nahanap ako ang pipitik sayo" pagsang-ayon ko. Nagmamadali itong umalis at iniwan kaming apat.

"Ganda ni Jennie no" naka ngiting saad ni Jisoo habang nakasunod ng tingin dito.

"Pag ako naka tyempo liligawan ko yan" dugtong pa nito na ikinatingin ko sa kanya.

~

"Awww" daing ni Jennie, pangatlong pitik pa lang ang nagagawa ko.

"Saglit lang may dalawa pa ko" tumatawa kong wika, umuwi itong luhaan kaninang hapon ni isa sa mga pinag-aplyan nya ay wala syang nakuhang magandang resulta.

"Dahan dahan lang masakit" sabi nito at itinakip ang kanyang kamay sa kanyang noo.

"Uy tanggalin mo yan may dalawa pa ako wag kang madaya" wala din itong nagawa at nakabusangot na binaba ang kanyang kamay. Muli ko syang pinitik this time ay hininaan ko na ng konti ang pagpitik.

"How dare you, talagang tinotoo mo ang pagpitik sa akin" mangiyak ngiyak nitong saad habang hinahaplos ang kanyang noo.

"A bet is a bet Miss Kim" tumatawa kong tugon. "I told you finding a job is not that easy"

"That's what I thought, ganito pala kahirap mabuhay" malungkot nyang turan.

"Stop chasing jobs that are not fit on you, hanapin mo yung trabaho na makakapagpasaya sayo" seryoso kong wika "Ano ba yung gusto mong ma-achive sa buhay mo?" sandali itong nag-isip.

"Gusto kong maging news reporter" sagot nito "Gusto kong makita ang sarili ko sa t.v, ang cool nun" excited nitong pagke-kwento.

"What if mag-aply ako sa mga t.v station bilang news anchor?" agad akong umiling.

"Yung magagaan ngang trabaho hirap kang matanggap news anchor pa kaya" umiiling kong tugon "May alam ka pa bang gawin yung alam mong magaling ka sa larangan iyon?" sandali na naman syang nag-isip.

"Ahh, I'm good at dancing. I'm the dancing queen in every club" pagmamayabang nito. Wala sa sariling nasampal ko ang sarili ko.

"Know what just forget it" napabuga ako ng hangin saka tumayo.

"Saan ka pupunta?" takang tanong nya.

"Matutulog na" maikli kong tugon, tumayo din sya mula sa pagkaka upo at mabilis na pinaglakip ang aming mga palad.

"Tara doon ka sa kwarto ko matulog" mahina nyang bulong bago halikan ang aking pisngi. Napangiti ako, ilang linggo ng ganito ang set up naming dalawa. Patago kong maglambingan at magka-away kapag kaharap namin silang lahat. Alam ko kung gaano ka gusto nina Seulgi at Jisoo si Jennie kaya kahit gustong gusto ko ng yakapin at halikan si Jennie sa harap nila ay hindi pwede. Walang malinaw na lebel ang relasyon naming dalawa basta ang mahalaga ay gusto namin ang isa't isa.

Mabilis akong humarap sa kanya at marahang hinaplos ang namumula nyang noo.

"Masakit pa ba?" mahina kong tanong, agad naman itong tumango.

"Sorry" wika ko saka kinintalan ng halik ang kanyang noo.

"Halika na baka may makakita pa sa atin" mahina nitong sabi at hinala ako paakyat sa kanyang kwarto. Pagdating namin doon ay agad kong sinara at ni-lock ang pinto, humiga ako sa kanyang kama at tinapik ang espasyo sa aking tabi.

"Halika na matulog na tayo" naka ngiti naman syang umakyat sa kama at umunan sa aking braso patalikod itong nahiga.

"Wag kang malikot Lisa matutulog na ako pagod ako maghapon" saad nito habang nakatalikod.

"Opo Love hindi ako maglilikot" tugon ko at ipinikit na ang aking mga mata. Akala ko ay tulog na ito ngunit nagkamali ako, marahan nyang hinaplos ang aking mga daliri sa kamay na kanyang inuunanan. Nang hindi sya nakontento ay dahan dahan syang humarap sa akin, nanatili lamang akong nakapikit at nagpapanggap na tulog. Pinalandas nya ang kanyang mga daliri sa aking buong mukha, mula sa aking mga mata papunta sa ilong hanggang tumigil iyon sa aking labi.

"You're so cute when you're half asleep like this" rinig kong sambit nito. Hindi ako gumalaw hinayaan ko lang sya at pinakinggan ang lahat ng sasabihin nya.

"This relationship we had is like island in a sea" saad nya habang unti-unting hinahaplos ang aking labi "separate on the surface but connected in the deep" ramdam ko ang bigat sa kanyang boses. Alam kong nahihirapan na sya sa sitwasyon namin pero anong magagawa ko ayaw kong masaktan ang mga taong malalapit sa amin lalo na si Jisoo, ayaw kong makita syang madurog ng dahil sa pagiging maka sarili ko pero mahal ko si Jennie.

Agad kong iminulat ang aking mga mata, bakas ang pagkagulat sa kanyang magandang mukha. Hilam ang mga luha sa kanyang mga pisngi.

"Gising ka pa?" hindi ko pinansin ang tanong nyang yun.

"Umiiyak ka" hindi ko alam kung patanong ba yun o hindi. Umiling ito at mabilis na pinahid ang likido na naglandasan mula sa kanyang mga mata.

"Hanggang kailan tayo magiging ganito Lisa? Hanggang kailan tayo magtatago?" puno ng hinanakit nyang tanong sa akin.

"Trust in me Jen, aayusin ko to. I will fix this" napaiyak ako ng bigla itong umiling.

"Please Love ju.. just hold on and trust me" humihikbi kong wika "we can get through this, just stay with me" huling wika ko bago ko sya isubsob sa aking dibdib at yakapin ng buong higpit.

The Waikapu Guest House (COMPLETED)Where stories live. Discover now