Chapter 17

1K 32 1
                                    

Lisa's POV

"Explain" walang emosyon kong saad sa harap ni Seulgi habang nasa tabi nya sina Jennie, Jisoo, at Chaeng.

"Kang f*cking Seulgi, explain to me bakit mo pinapasok si Irene!" bulyaw kong sigaw ng hindi ito sumagot. Natuklasan kong yung babaeng itinatago nya sa amin na ipinakilala nyang girlfriend ay walang iba kundi si Irene. Kaya pala iba ang kutob ko sa babae na yun.

"Sis hindi mo kailagang sigawan si Seulgi" pagpigil sa akin ni Irene na nasa gilid ko lang, hahawakan nya na sana ako ng bigla kong iniwas ang aking kamay.

"Ano bang pakialam mo? As far as I remember wala ka ng karapatan pang pakialaman ang buhay ko mula ng araw na iniwan mo ko. Wala kang pinagkaiba kay Papa parehas kayong makasarili, parehas kayong walang kwenta" tiim bagang kong sabi sa harap nya, paano nila naatim na mabuhay sa araw araw knowing na may tao silang pinabayaan?

Hindi nakatugon si Irene, napatungo ito habang may namumuong luha sa gilid ng kanyang mga mata. Napangisi ako, right dyan ka naman magaling ang magpaawa at mag drama. Hindi ko na yun binigyan pa ng pansin muli akong tumingin kay Seulgi.

"Kang Seulgi maliwanag ang usapan natin diba" bubuka na sana ang bibig ni Seulgi ng biglang nagsalita si Jennie.

"Lisa don't blame Seulgi" malumanay nitong saad na ipinagtaka ko.

"And who do you think I blame? I don't think you have the right to correct me Jennie" napasinghap ako ng titigan ako ni Jennie.

"I have a right though, ako ang nag utos kay Seulgi na papasukin ang kapatid mo na si Irene so ako ang dapat na sisihin mo wala ng iba" napataas ako ng kilay at nakipagsukatan ng tingin kay Jennie, wala ni isa sa amin ang nagpatalo.

"Lisa stop this wala na tayong magagawa pa what done is done, wag mo na palakihin pa to balikbaliktarin man natin ang mundo magkadugo kayo ni Irene so wala ng iba pang magtutulungan kundi kayo lang dalawa" naputol ang pakikipagtitigan ko kay Jennie at nabaling ang aking tingin kay Jisoo. Napangisi ako, trying to impress my Jennie eh Kim Jisoo? Playing some heroic act, I mentally clap my hands nice move.

"Stay out of it Jisoo it's nothing to do with you I believe and mind your own f*cking business" tiim bagang kong sagot sa kanya, muli akong nagbaling ng tingin kay Jennie "And you follow me I want to talk to you privately" utos ko kay Jennie, bago pa man ako tumalikod ay pinasadahan ko muna ng isang matalim na tingin si Jisoo ramdam ko na gusto nitong tumutol.

Ilang segundo din akong naghintay sa roof top bago sumunod si Jennie. Nang makapasok ito ay dali dali kong nilagyan ng harang ang likod ng pinto ng sa gayun ay walang magtatangkang buksan iyon.

"So Jennie expain now!" may diin kong utos ngunit sa mahinang tinig, nagngingitngit ang loob ko sa galit. Alam nya na labis kong kinasusuklaman si Irene.

"Naaawa ako sa kapatid mo, wala na syang iba pang mapupuntahan" paliwanag nito.

"Wala akong pakialam Jennie sa kabila ng lahat lahat ng sakit na dinulot nya sa akin may lakas ng loob pa syang bumalik. Nung mga panahong kailangan ko ng isang ate na masasandalan at makakapitan na saan sya wala ni kahit anino nya hindi nagpakita. Kahit nga ang kumustahin ang kalagayan ko hindi nya ginawa then ngayon she's expecting me na tanggapin sya ulit that's bullshit Jennie. Hindi ako kikibo kagaya ng hindi nya pagkibo sa akin for how many years. Wala na din akong pakialam kung sa kalsada man sya pulutin basta I want her out of my sight" nanggigigil kong saad, lahat ng galit na kinimkim ko para kay Irene sa loob ng mahabang panahon ay gustong kumawala ngayon.

"You told me you want to fix your self diba but how can you do that kung hindi mo magawang magpatawad? Hindi porke't sinaktan ka nya required ka na ding gumanti, hindi ganun yun Lisa. Hindi mo kailangang gawin yung ginawa nya to ease the pain para mo na ding pinatunayan na wala ka ding kwenta kagaya nila ng Papa mo" Jennie hold and caress my face "Try to forgive her step by step Love huwag mong madaliin and I promise nandito lang ako sa tabi mo guiding you in every process"

The Waikapu Guest House (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon