Chapter 49

1K 22 0
                                    

Tatlong magkakasunod na pagkatok ang pumukaw kay Lisa mula sa malalim na pag-iisip, mabilis nyang ibinaling ang kanyang paningin sa labas ng kanyang silid. Mula sa kanyang higaan ay tanaw ang hallway ng ospital sa tulong na din ng bintana na gawa sa salamin. Sumenyas si Lisa na kaagad namang nakuha ng taong nasa labas at agaran din itong pumasok.

"Hi" alanganing bati ng matandang lalaki kay Lisa, matapos nitong ilapag ang mga prutas na kanyang dala.

Isang tipid na ngiti ang sumilay sa mga labi ng huli saka tumugon "Hello.. Sir" ganting bati nito sa harap ni Marco.

Nabalot sila ng ilang minutong katahimikan, wala ni isa ang may lakas loob na magsalita hanggang sa maglakas loob na ang matandang lalaki.

"Pranpriya Lalisa" bigkas ng matanda sa pangalan buong pangalan ni Lisa "pangalang magkatulong naming binuo ng iyong ina nung araw na lumabas ka sa mundo" napangiti ito ng mapakla, nagsisimula pa lamang itong bumawi kay Lisa sa lahat ng naging pagkukulang nya rito ngunit tila huli na ang lahat.

"Pwede mo ba akong tulungang makalipat sa wheelchair? Gusto ko kasing makita ang sinag ng araw" malumanay na tanong ni Lisa sa kanyang ama, agad namang tumango ang matanda saka marahang lumapit sa kinahihigaan ni Lisa. Dahan dahan nitong binuhat mula sa pagkakahiga si Lisa, may pamumuo ng mga butil ng luha sa gilid ng kanyang mga mata. Muli nyang nakarga sa kanyang mga bisig ang anak sa kauna-unahang pagkakataon mula sa nakalipas na mga taon. Nang maisaayos ni Marco sa pagkakaupo si Lisa sa wheelchair ay dahan dahang nitong itinulak ang anak at iniharap sa gawi ng bintana kung saan kita mula doon ang ilang nagtataasang building sa Seoul at ang sinag na nagmumula sa araw.

"Alam mo ba dati ginusto kong maglaho na lang sa mundong ito sa sobrang lungkot habang nararanasan ko ang mabuhay ng mag-isa" panimulang kwento ni Lisa habang nakatitig sa labas ng bintana. "Puno ng inggit yung puso ko sa tuwing makakakita ako ng buong pamilya na masayang namamasyal o kumakain ng magkakasama kasi ako ni walang sino man ang sumasalubong sa akin sa tuwing umuuwi ako ng bahay. Wala ka, wala si Irene parehas nyo kong iniwan, wala na akong makapitan" unti-unti ng nagsitulo ang luha sa mga mata ng matandang lalaki habang nakikinig sa mga kwento at hinanakit ng kanyang anak.

Mabilis lumuhod si Marco sa harap ni Lisa saka inabot ang mga kamay nito "Patawarin mo ko hindi ko ginustong iwan ka, nung nawala ang iyong ina nawalan na din ako ng pag-asang mabuhay. Natakot ako sa naiwang responsibilidad kaya mas pinili kong iwan kayo ni Irene. Patawarin mo ko Lisa hindi ko sinasadya" umiiyak na sambit nito sa anak, isinubsob ni Marco ang kanyang mukha sa mga palad ni Lisa habang patuloy pa rin sa paghingi ng tawad.

"Gusto kitang saktan.. pero dati yun, alam kong bilang na ang mga araw ko kaya gusto kong itama ang lahat habang kaya ko pa" nakangiting saad ni Lisa saka binawi ang kanyang isang kamay mula sa pagkakahawak ni Marco at dahan dahang hinaplos ang buhok ng kanyang ama. "I want to make things right and I'm starting it in forgiving you" wika nito habang nakatitig sa mga mata ng kanyang ama.

"I want to leave with no regrets, without a grudge in my heart. I want to see you all happy until my last breath"

Umiling naman ang matanda "No Lalisa, you're not going anywhere" ginagap nito ang dalawang pisngi ni Lisa habang nakaluhod "hindi mo kami pwedeng iwan"

"Tanggapin na natin hanggang dito na lang ang kaya ko" wika ni Lisa saka ngumiti ngunit hindi rin nagtagal ay isa isa na ding naglandasan ang mga hilam na luha mula sa kanyang mga mata.

Muling umiling ang matandang lalaki habang patuloy pa rin sa pag-iyak "Please.. Sir.. let's accept that everything in this world is... temporary" pabulong na wika ni Lisa "and I want you to witness my wedding and be there not as Jennie's investor but as my father, to stand right next to me while waiting for the girl of my dreams... that's my last wish Pa" napangiti dahil sa galak ang matandang lalaki ng marinig nito ang muling pagkilala ni Lisa sa kanya bilang ama.

The Waikapu Guest House (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon