Chapter 15

1K 44 3
                                    

Lisa's POV

"WHAAAAAAAATTTT?" malakas na sigaw ko saka nabitawan ang cellphone na hawak ko.

"Tang*na Lisa ang ingay mo may natutulog oh" reklamo ni Jisoo sabay bangon sa sofa.

"Bakit ka ba sumisigaw?" takang tanong ni Seulgi na humahangos galing sa kusina.

"An..andito na sya" nanginginig kong sagot sa kanya.

"Sino?" nakakunot noo ulit na tanong ni Seulgi.

"I..irene unnie" nauutal utal kong tugon.

"What? Dadating dito si Irene unnie?" ulit na tanong ni Chaeng na ikinasama ko ng tingin sa kanya, paulit ulit lang.

"Dali sarahan nyo ang lahat ng pinto at bintana, kahit anong mangyari hindi dapat sya makapasok rito" utos ko, dali dali namang tumakbo si Jisoo sa may main door ngunit bago pa man ito makarating doon ay sya namang pagpasok ni Irene Unnie na may dalang maleta.

"Aisshhh hello" bungad nito sa amin, wala sa sariling natampal ko ang aking noo nahuli kami.

"Aigoooo ang cute mo pa rin Jisoo" saad nito sabay lapit kay Jisoo at pinisil pisil ang pisngi nito "wala ka pa ring pinagbago"

"Seulgi" baling naman nito kay Seulgi, agad na tumalikod ang huli "wag mo kong talikuran" sapilitang pinaharap ni Irene si Seulgi sa gawi nya at pinagpipisil din ito sa pisngi.

"Tumatangkad ka Seulgi ah, good job" sabay gulo ng buhok nito nagbaling naman si Irene ng tingin kay Chaeng mabilis itong lumapit kay Chaeng at ginagap ang magkabila nitong pisngi sabay ipinabaling baling iyon pakanan at kaliwa "Ohh Chaeng, mukha ka pa ring lalaki manamit. Tumataba pisngi mo girl"

Nagulat ako ng lumapit ito kay Jennie at pinisil pisil din ang magkabila nitong pisngi.

"Aigooooo" saad ni Irene "waittttt hindi kita kilala"

"Hindi din kita kilala" maikling tugon ni Jennie, kaagad na binitawan ni Irene ang mga pisngi nito.

"Sorry..sorry" paghingi ng paumanhin ni Irene.

"My dear sister hindi mo man lang ako yayakapin?" napaikot ang aking mga mata.

"Ano bang masamang hangin ang nagdala sayo rito?" tugon ko sa kanya habang nakahalukipkip.

"Really Lisa? Ganyan mo ba babatiin ang nakakatanda mong kapatid? Hindi mo man lang ako kakamustahin?" nagpapaawang sambit nito. Alam ko na ang mga galawan ng ate kong to kaya hindi nya ko makukuha sa mga ganyan.

"Bakit ka nga nandito?" ulit kong tanong.

"Bakit ka ba ganyan gusto lang kitang makita" naka nguso nitong wika.

"Oh ngayon nakita mo na ako makaka alis ka na" pagtataray ko sa kanya.

"Ang sama mo sa akin, kapatid mo ko Lisa. Paano mo nagagawa ito sa sarili mong kapatid, magmula ng mawala ang nanay natin ako na ang nag-alaga sayo. Diaper mo ako ang nagpapalit maging gatas mo ako ang nagtitimpla. Inalagaan kita Lisa, pinadede, pinaliguan, binihisan pati pagdighay mo alam ko ang ibig sabihin tapos ngayon ito lang ang isusukli mo sa akin? How dare you" umiiyak nitong wika, napasulyap ako sa gawi ni Jennie may namumuong luha sa gilid ng mga mata nito "naglakbay ako mula sa malayo, wala akong ibang dala kundi manipis na kumot panlaban sa lamig. Ilang bundok at ilog ang tinawid ko, ilang gutom ang tiniis kong hindi kumain makapagpadala lang ng pera sayo. Hindi mo man lang naisip ang kalagayan ko doon sa ibang bansa habang ikaw walang ibang ginawa kundi ang lustayin at ubusin ang perang pinapadala ko para lang sa mga bisyo mo" napaikot na naman ako ng mga mata.

"Ang OA mo Irene, 16 na ako ng mawala si Mama at isa pa kahit na ni isang singkong duling wala kang binibigay sa akin" pagbasag ko sa trip nya, nagdadrama pa mali mali naman "sa Myeongdong ka lang galing hindi sa kung saang mang bansa at pinapaala ko lang sayo wala kang bundok na madadaanan papunta dito"

The Waikapu Guest House (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon